"Dimitri, nasaan tayo?" "Eto ang hidden place ng Pius - ang Enchanted Forest. Isa itong PVP area. Idinesenyo ang lugar na ito para maging playground ko." "Playground mo? May iba bang player ang nakakapasok sa lugar na ito?" "Syempre wala. Ikaw pa lang." Tumawa ito at saka naupo sa batuhang naroon. "Sa likod ng talon na iyan ay may isang kwebang nakalaan para lang sa akin." "Paano ka nakakapasok sa lugar na ito?" "Isang spell ang kinakailangan upang makarating sa lugar na ito mula sa Pius. Isa itong secret command prompt." Doon ko naintindihan at mas naunawaan na si Dimitri ang siyang nagpapatakbo talaga ng larong ito. Sa mga kamay niya nakasalalay ang buhay ng bawat manlalarong narito. Isang simpleng bata na ang ninanais lang ay maglaro. Sinong mag-aakalang makakagawa siya ng isang p

