“Grant, kumusta ang lakad mo?” Kaagad akong sinalubong ni Jin at ni Marcus sa entrance pa lang ng guild. Inilapag ko ang dala kong malaking bag kung saan nakalagay ang mga resources para sa upgrade ng aming guild facilities. Sinong makapagsasabing magagawa ko itong bitbitin nang mag-isa? Kaagad nilang nilapitan ang bag at sinilip ang laman nito. Kumuha pa si Jin ng isa sa mga perlas at itinutok sa tapat ng araw. “Ang galling. Totoong perlas nga ito. Ngayon lang ako nakakita nito sa malapitan. Hindi ko akalaing makakahawak ako nito at dito pa sa loob ng RTS,” sabi nito. “Uy! Jin, tingnan mo ang isang ‘to.” Ipinakita naman ni Marcus ang isang bato na sa Atlantis lang din matatagpuan – ang Olivine. Isa itong uri ng gem na kulay green na maihahalintulad sa itsura ng isang diamond. Iyon nga

