"Marcus, simula ngayon si Jin na ang makakatulong mu sa ibang gawain dito sa guild. Siya ang ilalagay ko sa support team para mag-train sa mga baguhan nating myembro at kailangan pa ng karagdagan tulong. Ikaw naman ang bahala sa pondo ng guild. Kung may kailangang iupgrade na mga facilities, gawan mo kaagad ng plan para makita ko rin naman. Naisip ko ring iopen ang membership ng guild sa mga nais na matuto at lumakas pa, ano sa tingin n'yo?" Nagkatinginan naman si Marcus at Jin sa sinabi ko. "Bakit? Hindi ba kayo sang-ayon?" tanong ko. Sabay silang pumalakpak na animo'y nang-aasar lang. "Ibang klase. Napakaganda ng idea mo," sabi ni Jin. "Hindi ko akalaing may mabuti kang puso, Grant," segunda naman ni Marcus. Napakamot na lang ako ng ulo dahil sa mga pinagsasabi nila. Hindi ko kasi

