Chapter 57

1117 Words

Tatlong araw lang ang itinagal ng refine event at masasabi kong kahit paano ay nag-click naman ang pakulo ng developer ng RTS. Marami rin kasi ang naubusan ng monetang matagal nilang inipon at mayroon namang mga sinwerte na kagaya ko. "Now what?" tanong ni Jin. Oo nga pala. Dahil tapos na ang refine event ibig sabihin ay wala na kami ibang gagawin kung hindi gawin ang nakasanayan naming gawin. Dailies at weekly runs namin na naiwan ngunit sa palagay ko ay tapos na rin naman sila dahil halos patapos na rin ang buong linggong ito. "Siguro babalik na muna kami ni Jane sa guild. Kailangan naming makibalita kung ano ang magiging plano ng aming captain tungkol sa nalalapit na guild battle namin," sabi ni Ryzen. Isa pa nga pala 'yan, may guild battle pa silang haharapin. Ngunit sa pagkakataon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD