Ito ang unang pagkakataon na magkakasama kami ni Ryzen bilang isang team na wala nang samaan ng loob sa isa’t isa. Matapos ang gabing nagkausap kami ni Jane, doon ko mas naintindihan ang mga bagay-bagay. Doon ko lang din mas naintindihan si Ryzen at doon lang din ako nagkaroon ng pagkakataon na mas makilala siya. Ni minsan kasi ay hindi kami nabigyan ng tsansang makausap ang isa’t isa upang mas makilala ang bawat isa dahil naunahan ako ng inggit at selos. Nang mga panahong iyon kasi pakiramdam ko ay inilayo niya sa amin si Jane. Kahit paano naman ay naging isang team na rin kami nila Jin kaya naman masakit lang isiping mas pinili ni Jane na sumama sa kaniya at talikuran kami. Ngunit sa kabilang banda, alam ko naman sa sarili ko na hindi niya kami kinalimutan kagaya ng iniisip ko. Kung tutu

