"Jane..." "Hhmm..." Kasalukuyan kaming nakaupo sa ilalim ng puno kung saan tanaw na tanaw namin ang kalangitan. Kasalukuyan naman ding natutulog sina Jin at Marcus hindi kalayuan sa kinauupuan namin habang si Ryzen naman ay nahihimbing na nakasandal sa balikat ni Jane. "Gusto ko sanang malaman ang lahat tungkol sa pagkamatay ni Unknown." Sandali siyang natahimik na tila nag-iisip. Maging ako ay tahimik lang din habang naghihintay na isasagot niya. "Ang totoo niyan, si Unknown ang siyang may kagustuhan sa pagkamatay niya." Hindi ko akalaing nanaisin ni Unknown 'yon gayong may hiling siyang ninanais niyang makamit. Hindi ko lubos maisip na gugustuhin niya na ang mamahinga nang hindi man lang nakakamit ang kaniyang minimithi. "Biktima lang din si Ryzen. Akala ng lahat, rankings ang siy

