Unti-unting naglaho ang barrier sa buong battle arena at patakbong lumapit si Jane kay Ryzen kasabay ng isang notice sa screen. Battle ended. Grant wins. Panalo ako. Unti-unting nahawi ang usok na likha ng malakas na kombinasyon ng tubig at kidlat at doon kitang-kita ng aking dalawa ang nakaluhod na si Ryzen. Mulan ang bago ako umatake ay nakatayo lang siya roon hanggang sa matanggap niya ang aking pag-atake ay nananatili siya sa pwestong iyon. Bakit? Bakit hindi niya dinepensahan ang aking pag-atake? Posible kayang sinadya niyang saluhin ang lakas ng aking skill? Pero bakit niya naman gagawin iyon? Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Nanalo ako sa laban ngunit bakit pakiramdam ko ay mali ako? Lalo pa akong nasaktan nang makita ko kung gaano ang pag-aalalang ibinibigay sa kan

