"Blessed Blade!" Tila talim na liwanag ang siyang sunud-sunod na gumuhit sa sahig habang papunta sa aking direksyon. Ang ilan sa mga ito ay nagawa kong ilagan samantalang ang iba ay direktang tumama sa aking katawan dahilan upang magtamo ako ng mga hiwa sa iba't ibang parte ng katawan. Dahil doon ay unti-unti akong nakaramdam ng kaunting panghihina kaya napaluhod ako sa sahig. Sa bawat talim na iyon ay damang-dama ko ang kaniyang hinanakit at lungkot sa pagpanaw ni Hatake. Ngunit ang labis kong ipinagtataka ay kung sino si Lira at kung ano ang kinalaman ko sa kaniya. Bigla kong napagtagpi-tagpi ang mga pangyayari at isa lang ang nagiging sagot sa katanungan kong iyon. Si Hatake at Lira ay iisa. Bigla kong naalala ang sinabi ni Hatake na dahilan ng kaniyang paglalaro ay upang sundan ang

