Chapter 61

1111 Words

"Mukhang maraming nainom si Jin," sabi ni Jane. Akay-akay ko si Jin nang mga oras na iyon pabalik sa bahay nito. Samantalang si Marcus naman nauna nang bumalik sa guild upang doon na magpahinga. Si Ryzen naman ay nauna na rin sa guild nila dahil may private message raw siyang natanggap mula sa kanilang guild leader. "Jane, tungkol sa tanong ni Ryzen. Curious lang ako. Tatanggapin mo ba ang alok niya?" tanong ko. Hindi niya ako sinagot bagkus ay nagpatiuna ito sa paglalakad hanggang sa makarating sa bahay ni Jin. Nang makapasok na kami sa loob ay kaagad kong inilapag sa ibabaw ng kama si Jin at doon hinayaang matulog nang mas komportable. Pasalampak naman akong naupo sa tabi nito at ganoon din si Jane. Hindi sinasadyang mapapatong ang kaniyang kamay sa aking kamay kaya napatingin kami ri

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD