Tulala lang ako habang nakatingin sa legendary weapon na ipinagkaloob pa sa akin ni Unknown. Hindi ko akalaing darating sa puntong mababali ito nang ganoon lang kadali. Parang wala akong naririnig kung hindi ang bigat ng aking paghinga at ang pagtulo ng aking pawis at dugo sa sahig. "Kuya Grant, sa susunod galingan mo naman." Kahit lutang ako nang sandaling 'yon ay malinaw kong narinig ang sinabi ni Dimitri. Parang isang kalokohang umasa akong matatalo ko siya kung ngayon pa lang ay pinakita niya na ang agwat ng antas ng aming lakas. Para akong isang baguhang player na pinakain lang ng alikabok sa isang tira lang. Sinubukan ko pang ipangsalag ang aking sandata ngunit sa huli ay eto ang napala ko. Hinayaan kong wasakin niya ang pamana pa sa akin ni Unknown. "Sa susunod na laban natin, hind

