Chapter 9 : Shorewald Bank

3326 Words
MIYO'S POV Hinimas ko ang aking tiyan saka sumandal sa aking upuan. Man, I'm so full. I only ate the chicken at binigay ko na ang ibang ulam kay Carter. Sobra na kasi at hindi ko na maubos lahat tapos hindi na rin kasya sa tiyan ko. It was just too much! Kulang na lang ay ilagay ko sa bulsa ng pantalon ko ang mga kinain ko para lumuwag ng konti ang tiyan ko. Hindi ako makapaniwala na naubos ni Carter ang lahat ng pagkain na binigay ko sa kaniya. I mean, ang dami kasi no'n! Tapos ang bilis pa niyang naubos ito lahat! Ang laki siguro ng tiyan ni Carter kasi nagkasya ang lahat ng kinain niya. Carter is lanky but his appetite is beyond average! I wonder how could he still be so thin when he can eat like a growing pig? "Miyo, ayos ka lang ba?" tanong ni Cally sa'kin habang kumakain. Tumango ako kay Cally at tinakpan ang bibig ko. I swear the food really wants to go outside my mouth. May balak ata itong mag-tour sa sahig ng diner. "You look sick," sabi ni Van habang nilalaro ang toothpick na nasa kaniyang bibig and her eyebrows were furrowed while looking at me. "I'm fine, guys—hmp!" I swallowed hard. Please naman, huwag kang lumabas sa bibig ko, food. "Oh dear, you don't look fine," nag-aalalang sabi ni Mary. Binigyan ko siya ng isang thumbs-up, telling her na kaya ko pa. I can still hold it. Yes, I still can. "You don't look fine to me too." Umupo si Clyde sa tabi ni Carter na hanggang ngayon ay kumakain pa rin. Hey, tapos na siyang kumain kanina ah? Umorder na naman si Carter?! Damn, this guy is unbelievable! "Seriously, guys. Ayos lang talaga ako. You have nothing to worry about." I pinched my nose and shook my head to get rid of the dizziness. This works everytime for me. "Ano'ng ginagawa mo?" tanong ni Diana sa'kin nang may pagtataka. "Shaking the dizziness away," sabi ko. Nang naramdaman ko na ayos na ako ay ngumiti ako sa kanila. Natapos na rin kumain si Carter kaya tinawag na niya ang waitress. Siya kasi ang huling natapos na kumain. "Oy, Aliza!” Carter called out and the girl who was talking with the chef turned to us. Ngumiti siya nang nakita niya kami. Oh, so siya pala si Aliza. Aliza is a girl with an average height and an average body. Not thin and not fat. Her black wavy hair reached until her shoulders and her skin was perfectly brown. Wow, I have never seen a girl with a unique skin color. Her skin's shade of brown was actually rare. She is so pretty! "Ano na naman?" naiinis na tanong ni Aliza kay Carter. "Ang bill namin," utos ni Carter at inilahad niya ang kaniyang kamay kay Aliza. Wow, feeling prinsipe lang? Ganoon? Bumilog ang bibig ko nang tinapon ni Aliza ang hawak niyang clipboard at tumama ito sa pagmumukha ni Carter. I covered my mouth to stop myself from laughing out loud. Sapul! That was epic! "BWAHAHAHAHAHAHA!" "Bull's eye! Bang! Bang!" "Wala na sira na ang mukha ng mahal na pekeng prinsipe! Hahaha!" "Malas ka talaga, Carter!" "Nice one, Aliza!" "Aliza! Aliza! Aliza!" Napuno ng tawanan ang buong lamesa namin and I swear, nangunguna sa aming lahat ang tawa ni Cally na parang isang abnormal na elepante. No offense pero iyon ang pinakamalapit na description na maibibigay ko. Even Jared laughed and I was shocked. Wow, I have never seen Jared laugh. It's my first time! Of course, first time ko na makita si Jared na tumawa. I'm still new here and I am still fitting in. Hay, ang slow ko talaga. "Karma's a b***h," Diana teased habang umiinom ng tubig. Carter's face twitched in irritation at binasa na lang niya ang bill. Maya-maya ay tiningnan niya kaming lahat. "Magbabayad tayo ng fifty gems each," sabi ni Carter at inilabas ang kaniyang wallet. Na-solve niya kaagad iyon lahat?! Ang talino naman. Sana ako rin—charot! Nilabas na rin ng iba ang mga wallets nila at tanging ako lang ang hindi. Bakit naman ako maglalabas ng wallet kung wala naman akong pera? "Miyo, nasaan na gem card mo?" Mary asked me habang kinukuha niya ang wallet niya. Gem card? Ah, I think gem card ang tawag sa pera nila rito. Umiling ako. "Wala. Wala akong gem card." I gave them all a triumphant smile. Hehehe, wala akong pera and I am proud of myself. It's an achievement kasi I survived for several weeks in this world without money. Bilib na talaga ako sa sarili ko. "WHAT?!" they screamed in unison na naging dahilan para mapahawak ako sa upuan ko. "Wala kang pera?!" pag-uulit ni Uriel, laglag ang panga dahil sa gulat. "Wala." I smiled again. Wow, they all looked so shocked. Big deal ba? Umaasa pa naman ako na libre na ako. Hahaha! "Nakalimutan nating iparehistro si Miyo sa Shorewald Bank." Jared facepalmed and he was now looking so embarrassed. Hahaha! Ang pula na ng mukha ni Jared. "And here we are, eating first before getting Miyo some gems." Nilagay ni Mary ang kaniyang kamay sa ilalim ng kaniyang baba. Kamay sa ilalim ng baba! Hahaha! "We'll just exclude Miyo, how about that? She's new, guys," Kris explained slowly. Buti pa si Kris ang bait. Mahal ko na si Kris kasi ang bait niya! "I agree. Besides, why not consider this as a welcome gift for Miyo? Ano na, guys?" tanong ni Sean sa iba at nilabas na niya ang kaniyang gem card mula sa wallet niya. Ang yaman pala ni Sean. "Ayos lang. I’m in!" Cally grinned and she slammed her gem card on the table. "Sige ba!" Rain raised her thumbs with a grin. "Kawawa naman kung hindi natin babayaran ang mga kinain ni Miyo diba?" Uriel laughed pero hindi nakatakas sa'kin ang nakakamatay niyang tingin. M-Mukhang galit si Uriel sakin. Hahahaha! "So, it's final?" Clyde placed his card on the table at ganoon din ang ginawa ng iba. "Thanks a lot, guys." Kahit nakakahiya na ay nagpasalamat pa rin ako sa kanila. They had done a lot of things to me kaya todo pasalamat na ako sa kanila. "Don't mention it." Van winked at me kaya natawa ako. Van's so adorable. Even if Van is the tallest of all the girls, she's so cute! She's like a giant baby. How I wanted to pinch her chubby cheeks. Ang cute talaga! "Hey, Rechel. Here's our money!" Cally called out the waitress that was standing near our table. Lumapit sa'min ang isang babae na may mataas na buhok at magandang hubog ng katawan. I can't find the right words to describe her anymore kasi ang ganda talaga niya. Wow, bakit ang gaganda ng mga waitress dito? Gosh, sana all. "Yeah. Good to see you again, guys." Rechel rolled her eyes. Is she being sarcastic? Hmmm. Baka naingayan na siya sa'min, hahaha! "Awe, na-miss mo pala kami?" Uriel gushed and acted all cute. Ew, hindi bagay sa kaniya ang magpa-cute. "Pero ang crush mo? Hindi ka na-miss." Sean eyed Daryl who was busy reading some book that I do not know where it came from. Sean looked back at Rechel and wiggled his brow teasingly. What was that? "A-Anong pinagsasasabi mo riyan, Sean?” tanong ni Rechel habang namumula at umiwas siya ng tingin kay Sean na ngayon ay tumatawa dahil sa kaniya. Ibig ba nitong sabihin ay may gusto si Rechel kay Daryl? Omo! I can't help but smile. Ang cute lang kasi nilang tingnan. Rechel seems to be a nice girl. She's cheerful and pretty and Daryl's the cold and silent type. Awe, opposite attracts talaga. No doubt kung may magkakagusto kay Daryl. With his white skin, charming looks and prince-like posture. Surely, many girls would fall for him. Though Daryl’s attitude seems to be a bit of a problem. Ang sungit kasi niya tapos ang cold pa. Parang allergic sa mga babae, shesh. "Ayan na, pwede na kayong umalis." Binigay ni Rechel ang resibo kay Galia dahil siya ang malapit kay Rechel. Umalis na si Rechel na pulang-pula ang mukha and I even saw her sneak a look at Daryl who was still reading. Awe, puppy love. Nag-uunahan sa paglabas ng diner ang mga lalaki. Tumayo ako at sumunod na sa kanila palabas ng Happy Worm. Today's meal was so good, iyon nga lang hindi kinaya ng tiyan ko. In result, si Carter ang umubos ng pagkain ko which is totally okay. Nang nakalabas na kaming lahat ng Happy Worm ay nakaramdam ako ng pagtataka dahil sa aking nakita. A boy about our age—no, I think he's a year older than us and he's talking to Daryl. It looks like he is teasing Daryl dahil namumula ang mga tenga ni Daryl at inis siyang nakatingin sa lalaki. Sina Carter at Sean naman ay walang tigil ang pang-aasar kay Daryl. "Bakit ba kasi ayaw mong pansinin si Rechel, ha? Daryl?" tanong ng lalaki kay Daryl. He was tall—tingin ko ay parehas lang ang height niya kina Carter at Van. He also had a long and messy brown hair and he was wearing some casual clothes and an…apron? "Ayoko lang," walang emosyon na sagot ni Daryl at umiwas siya ng tingin. Lumapit naman ako kay Naeri para magtanong. "What's going on?" tanong ko kay Naeri. "Jake is teasing Daryl about what happened back inside the diner." Inayos ni Naeri ang kaniyang salamin at pagkatapos ay ibinalik niya ang kaniyang tingin kina Daryl at doon sa lalaki na tinawag niyang Jake. "Tumigil ka na nga. Baka gusto mong sirain ko itong negosyo mo?" Daryl threatened the tall boy. Whoa! Okay? Sabi ko na nga ba delikado itong si Daryl kapag nagalit na. He's just like Jared. "Joke lang naman 'yon! Easy ka lang!" Tumawa si Jake. "Whatever, Jake." Daryl rolled his eyes and placed his hands inside the pockets of his pants at naglakad na paalis. "Pagpasensyahan mo na Jake ah. May dalaw yata eh." Tumawa si Clyde sabay yakap kay Jake. It was a bro hug actually. Clyde gave Jake a bro hug at sumunod na siya kay Daryl. Susunod na sana kami ni Naeri kina Clyde nang biglang tumingin sa gawi ko ang lalaki na nagngangalang Jake. Kinabahan naman ako nang nakita ko kung paano nagbanggaan ang kaniyang mga kilay. "Oh? Sino naman ito? Bago niyong classmate?" tanong ni Jake sa mga classmates ko nang napansin niya akong nakatayo sa tabi ni Naeri. "Ah oo, bagong kaklase namin siya. Siya si Miyo Fukuyama." Pagpapakilala ni Hunter sa'kin at with gestures pa. Geez, nakakahiya. Hindi naman niya kailangang gawin iyon. "Fukuyama? Pamilyar ah," sabi ni Jake and he fell into deep thoughts. Nagtaka naman ako dahil sa narinig ko mula kay Jake. Does that mean na nagkita na kami noon? Pero wala akong matandaan na tao na kamukha ni Jake o ala-ala man lang na nagkita na kami noon. Bakit naman kaya naging pamilyar si Jake sa apelyido ko kung hindi pa kami nagkita noon? And besides, tingin ko ay hindi naman ako isang sikat na tao para makilala ng lahat diba? Jake was in the middle of his thoughts nang bigla siyang tumingin ulit sakin. "Nice to meet you, Miyo. Ako nga pala si Jake Reed, ang may-ari ng Happy Worm." Jake smiled at me warmly at nagulat ako. S-Siya ang may-ari ng Happy Worm? Pero—what the? He looks so young! Magka-edad lang yata kami! "I know na nagtataka ka kung bakit ang bata ko pa but I'm actually three years older than you guys. Baby faced lang talaga ako," sabi ni Jake at mahina siyang tumawa. "Oh," was all I said. Mas matanda talaga siya sa amin, confirmed. I am still shocked with Jake’s confession. Jake and I both shake our hands and let go at the same time. Something's strange. Bakit kaya pamilyar kay Jake ang last name ko when all my life is nakatira ako sa ibang dimension? "Huwag mo ng isipin ang mga sinabi ko kanina. Baka guni-guni ko lang iyon kaya kung ano-ano na lang ang lumalabas mula sa bibig ko." Ngumiti si Jake sa'kin. "Medyo naging busy kasi ako sa diner nitong mga nakaraang araw at nawalan na ako ng oras para matulog. Pasensiya na kung nagulat kita ha?" Nahihiyang kinamot ni Jake ang kaniyang batok. Ngumiti na lang ako sa kaniya at nagpaalam na. I also didn't forget to thank Jake for the delicious food. "Balik ulit kayo rito ah!" Jake waved his hand. "Oo naman, Jake! Hindi namin ipagpalit ang mga luto mo!" Sean waved his hand goodbye. "So, saan tayo sunod?" I asked all of my classmates. "Of course, Miyo. Sa banko tayo," Rain stated in as a-matter-of-fact tone. "Ano'g gagawin natin doon?" tanong ko ulit. "Syempre, magpaparehistro," Mary answered this time. "Pero hindi naman ako mula rito sa mundo niyo. Galing ako sa ibang mundo, remember?” malungkot kong sabi. I'm not a natural born citizen from this world. I doubt kung pwede ako magpa-rehistro sa banko nila. "It's okay. Gagawan namin ng paraan iyan." Jared gave me an encouraging smile. ***** "Ms. Elyn!" masayang niyakap ni Mary ang isang dalaga na nakasuot ng pormal na damit which is a black suit and mini skirt. Okay, not literally na dalaga but I think she's in her early thirties? Sa tingin ko lang. "Naparito kayo?" tanong ng babae o mas kilala bilang si Ms. Elyn sa amin. Is she working here? "Ah, may ipaparehistro lang po sana kami na kaklase," sabi ni Rain. So, she really is working here. Ang slow ko talaga. Grabe ka, Miyo. Tumingin silang lahat sa'kin kaya napakurap ako. Okay? Napansin ko lang, bakit tumitingin sila sa'kin pagkatapos nila akong ipakilala? Hindi ba pwedeng ipakilala na lang nila ako nang diretso at huwag na akong tingnan pagkatapos? Nakakahiya na kasi. Hindi ako sanay. "Miyo Fukuyama po." I bowed. I need to show some respect, baka hindi pa ako ma-rehistro sa banko na ito. Wala akong pera kapag nangyari iyon. Hindi ako pwedeng humingi sa mga kasama ko. Mas lalong nakakahiya iyon. "You're a Fukuyama? Hmmm, I see..." Ms. Elyn was smiling at me with pride. What's with her and my last name? Kanina si Jake Reed ng Happy Worm, ngayon ay si Ms. Elyn na naman. Anong meron? Pakiramdam ko ay kilala ako ng lahat dito sa Shorewald and it’s giving me the chills. Pakiramdam ko ay may hindi ako alam tungkol dito. Pakiramdam ko ay may kulang sa pagkatao ko. "You don't need a registration, iha," Ms. Elyn said na siyang ikinagulat ko. "H-Ha?" I blinked in surprise at narinig kong tumawa nang mahina si Ms.Elyn. "Registered ka na rito sa Shorewald Bank, iha. Matagal na," nakangiting sabi ni Ms. Elyn sa'kin. "Po?!" Nalaglag ang panga ko. Tumawa nang mahina si Ms. Elyn and ushered me to come forward kaya nahihiya akong lumapit sa kaniya. "I'll be returning to you after I talk to her," sabi ni Ms. Elyn sa mga kasama ko. Iniwan namin ni Ms. Elyn ang mga kaklase ko na naguguluhan na ngayon. "Kamusta ka na, Miyo?" Ms. Elyn suddenly asked me. "A-Ayos lang po. Naninibago pa rin po sa mundong ito," sagot ko. This is creeping me out. Ms. Elyn is actually talking so casually to me like we've met years ago. Naninibago ako sa mga kilos niya. "It's actually amazing that you got both of your parent's eye color," mahinang sabi niya, iyong sakto lang na maririnig ko. I stopped on my tracks. My eyes are not the same in color. The other eye is blue while the other eye is red. Disgusting right? Hindi ko alam kung bakit naging ganito ang mga mata ko. My parents never told me the truth. Nawala na lang sila sa mundong ito, hindi ko pa rin nalaman ang sagot. "Red from your mother and blue from your father." Ms. Elyn smiled like a memory popped inside her mind. "H-How did you know?" naguguluhan kong tanong kay Ms. Elyn. Totoo na ang asul kong mata ay nakuha ko mula sa aking ama at ang pula naman ay sa aking ina. Pero paano iyon nalaman ni Ms. Elyn? "Let's just say na kilala ko ang mga magulang mo." Ms. Elyn winked at me. Nagpatuloy na kami sa paglalakad. We entered a chamber where a huge steel rope is attached from above and the walls were made of glass. This looks like an elevator—a magical elevator. "Where are we going?' I asked Ms. Elyn as she casted her palm and uttered some words that I couldn't understand. "To where your parents left their treasure for you," sabi ni Ms. Elyn sa akin and this made me feel something warm inside my chest. A streak of golden light appeared before Ms. Elyn’s palm and the elevator started to go up. It's actually amazing kasi mula sa kinatatayuan ko ay nakikita ko sina Jared at Mary na nag-uusap sa baba habang sina Clyde at Sean naman ay naghahabulan. Immature but that's them being themselves. Hindi ko napigilan ang sarili ko na ngumiti. "You seem to be very close to them," I heard Ms. Elyn say. "Yeah. Two weeks pa lang po ang nakalipas simula noong aksidente po akong nakarating dito sa mundong ito pero naging malapit na po kaming lahat. Tinanggap po nila ako kaagad." I smiled while remembering what happened two weeks ago. "I'm glad that you made it here safe, Miyo," sabi ni Ms. Elyn at nawala ang aking ngiti. Ano ba ang pinagsasasabi ni Ms. Elyn? This conversation is getting mysterious. Was she really expecting me to come here? Tatanungin ko na sana ulit si Ms. Elyn pero naunahan na niya akong magsalita. "Come along. We don't have much time," she said as we made out of the magical chamber. Naunang maglakad si Ms. Elyn sa'kin at kaagad akong sumunod sa kaniya kasi baka mawala ako rito sa lugar na’to. Ang laki pa naman nitong Shorewald Bank, parang isang kastilyo lang pero mas malaki pa rin talaga ang Silverwest Academy. The hallway was wide and big at may mga pinto ito sa gilid. Sa bawat pinto ay mga nakaukit na numero. Para tuloy akong nasa isang hotel at wala sa isang banko. Lumiko si Ms. Elyn at palipat-lipat niyang tiningnan ang mga numero na nakaukit sa bawat pinto na nadaanan namin. Maya-maya lang ay tumigil si Ms. Elyn sa harap ng isang pinto na nasa pinakadulo ng hallway. Napansin ko na ibang-iba siya sa mga nadaanan kong mga pinto. The doorframe was colored in rose gold and the door was just plain white. Below the numbers that were engraved on the door was my name, Miyo Fukuyama. "Here it is." Humarap si Ms. Elyn sa akin. "Whoa…" I gaped. "I know. It's pretty, right? Your parents chose that design." Biglang hinagis ni Ms. Elyn patunog sa'kin ang isang susi kaya sinalo ko ito but sadly, hindi ko siya nasalo kaya pinulot ko na lang ito sa sahig. I should really improve my catching skills. "Maiwan na kita. Babalikan ko lang ang mga kaklase mo," nakangiting sabi ni Ms. Elyn at inayos niya ang kaniyang uniporme. Tumango ako. "Sige po." "You know your way out." Umalis na si Ms. Elyn. Nang nawala na si Ms. Elyn sa paningin ko ay dito ko tiningnan ulit ang susi. Nakalagay din sa susi ang apelyido ko at kaparehas nito ang kulay ng pinto. Pinasok ko na ang susi sa keyhole at agad bumukas ang pinto. Wow, I thought there would be some dust na babati sa'kin dahil ilang taon na itong hindi nabuksan pero wala, tsaka automatic rin pala itong pinto. Ibang klase talaga ang mga bagay na ganito pagdating sa mahika. Pumasok na ako sa kwarto at umawang ang aking bibig dahil sa aking nakita. "Oh my god."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD