MIYO'S POV
"It's Saturday!"
"Alam namin, Cally. Kaya please, shut up," reklamo ni Hunter habang tinatakpan ang kaniyang mga tenga.
"Come on, guys! Sabado ngayon!" Cally waved her hands in the air repeatedly and she was smiling so bright.
"We know," bagot na sagot ni Diana habang nagbabasa ng diyaryo tungkol sa balita kahapon.
"It's Satur—" Cally was cut off when a notebook landed on her face. Hindi ko nakita iyon ah.
"Aray! Bakit mo ako binato ng notebook?!" daing ni Cally habang hinihimas ang kaniyang noo.
"Para kang sirang plaka riyan kaya tumahimik ka," sabi ni Van habang nakatingin nang masama kay Cally.
Si Van pala ang nagbato ng notebook na iyon kay Cally. Dahil yata sa inis ni Van ay nagawa niya iyon kay Cally. May tinatagong violent side pala itong si Van.
Nandito kasi kaming lahat ngayon sa main living room ng dorm, except kina Jared, Mary at Kris na may pinuntahan sa campus. May kakausapin daw kasi silang teacher tungkol sa isang project. Hindi ko alam kung bakit at ano pero siguro nagkaproblema sila. Sinasagutan ko ang word search ng isang dyaryo ngayon habang nasa tabi ko naman si Rain na nagbabasa ng libro na hiniram niya sa'kin.
"Ano ba ang magandang gawin ngayon?" rinig kong tanong ni Clyde at halata sa kaniyang boses ang pagkabagot.
"Hulihin mo ang utot mo," sabi ni Sean at binato niya si Clyde ng unan.
"Wala ba kayong TV?" I asked them at sabay silang tumingin sa'kin saka nagtaas ng isang kilay.
Great, don't tell me hindi nila alam kung ano ang TV? We have a refrigerator here inside the dorm but we don't have a TV. They know what's a fridge but they don't know what's a TV? How is that possible?
"Ano iyan?" tanong ni Galia sa'kin at tinapon niya ang hawak niyang libro sa kaniyang likuran.
"Aray ko!" daing ni Uriel nang tumama sa kaniyang ulo ang libro na itinapon ni Galia.
"TV? Sa pagkakaalam ko ay nakamamatay iyan na sakit ah. Uso iyan sa mga matatanda rito. Mostly old people who have no magic," Carter shrugged at tinapon niya kay Sean ang unan na hawak niya.
"Bobo. TV, iyon ang—" hindi natuloy ni Clyde ang kaniyang sinabi dahil pinutol ito ni Daryl.
"Not another dumb statement," Daryl glared at Clyde and Clyde looked away from Daryl. Nakakatakot naman itong si Daryl.
Daryl cleared his throat at tumingin siya sa aming lahat. "TV is a piece of equipment with a screen that receives images and sounds by a wire or through space. It's a pretty common thing for the humans that live on other dimensions that have no magic," he explained.
Umawang ang bibig ko dahil sa mga salitang lumabas mula sa bibig ni Daryl. Holy—how did he? He knows about other dimensions? I am so speechless. Nagka-noseblood este nosebleed na yata ako.
"TV or Television is an electronic system of transmitting transient images of fixed or moving objects together with sound over a wire or through space by apparatus that converts light and sound into electrical waves and reconvert them into visible light rays and audible sound. It's a product of what normal people call technology." Inayos ni Naeri ang kaniyang salamin at tumingin siya sa aming lahat. Isa pa itong si Naeri, hindi rin nagpapahuli. Diyos ko, ang mga matatalino talaga.
Ang tahimik ng living room. Tanging ang pag-utot lamang ni Clyde ang narinig namin and I swear, gustong-gusto kong tumawa nang malakas kasi ang tunog ng utot ni Clyde ay parang tunog ng isang barko na malapit na sa pier. I can't blame them kasi ang talino nitong dalawa—I'm referring to Daryl and Naeri, okay?
"Sayang ang opportunity, bro," sabi ni Sean nang may lungkot sa kaniyang boses.
"Lumabas na ang utot mo pero hindi mo hinuli. Sayang, pre." Uriel shook his head habang tinatapik si Clyde.
"Boys are so gross." Diana rolled her eyes in disgust.
"Pigs," Rain muttered at tinakpan niya ang kaniyang ilong gamit ang libro na hawak niya.
"How did you know about televisions?" tinanong ko kina Daryl at Naeri.
"We read books that are from the other dimensions," they said in a deadpan voice. Wow, sabay pa talaga? How can they be so serious and cool at the same time?
"They can buy the things that they want, even if it is an illegal thing. They're filthy rich, you see." Tumawa si Carter ngunit huminto rin siya nang tiningnan siya nina Daryl at Naeri nang matalim.
"I was just kidding," Carter said and he chuckled nervously while raising both of his hands in the air like a criminal.
"Kung ako ang bibiruin ng ganiyan, susuntukin ko na iyan," asar ni Sean bago humagalpak nang tawa. Bakit parang ginagalit ni Sean sina Naeri at Daryl? Pffft.
"Okay, matagal ko na ito gustong itanong sa inyo kaya magtatanong na ako. How come there are things here in this world that come from the other dimensions? Kagaya na lamang ng refrigerator natin sa kusina and its not even powered by electricity, it's powered by magic. How come?" tanong ko.
Ah, it feels so good to let that questions out of my mind. Ang gaan na ng isip ko. Sa totoo lang ay matagal ko na talaga iyon gustong itanong sa kanila. Narinig kong tumikhim si Naeri kaya tumingin ako sa kaniya.
"I know you know about the magical trees that serves as passageways towards the other dimensions. You see, may mga mangangalakal na may pahintulot mula sa nakatataas na maglakbay sa ibang mundo at bilang bayad sa pahintulot na nakukuha nila ay magdadala sila ng mga gamit galing sa ibang mundo at pagdating ng mga bagay na iyon dito sa atin, the experts will modify those things so that it will be powered by magic," paliwanag ni Naeri at ngayon ay maliwanag na sa akin ang lahat. Kaya pala…
"Guys!" rinig naming sigaw ni Cally mula sa kusina.
"Ano na naman?!" Van shouted back in annoyance and I swear I heard a growl in Van's voice.
"Kanina pa itong babae na ito ah," reklamo ni Uriel at inis siyang lumingon sa kusina kung nasaan si Cally. Lumabas ang ulo ni Cally sa pintuan ng kusina at ngumiti siya sa aming lahat.
"Wala na tayong pagkain!" masayang sabi ni Cally sa amin. Ha? Ano'ng sabi niya?
"Sus, iyan lang naman pala eh." Tumawa si Uriel pero maya-maya ay tumigil siya sa pagtawa at wala pang ilang segundo ay mabilis niyang nilapitan si Cally saka hinawakan sa balikat at inalog nang paulit-ulit.
"Ano'ng sabi mo? Wala na tayong pagkain? Bakit mo inubos, baboy ka! Ano na lang ang kakainin natin?!" sigaw ni Uriel sa pagmumukha ni Cally at muling nagwala.
Nagulat kami nang sinuntok ni Cally si Uriel sa mukha at nabitawan ni Uriel si Cally. What the hell?!
"Walang hiya ka, baboy ka! Huwag mo akong alugin kasi nalulula na ako! Bwisit!" Inayos ni Cally ang kaniyang buhok na ginulo ni Uriel.
Bakit parang mga takas sa mental hospital itong mga kasama ko? Kawawa na tuloy si Uriel kasi walang tigil sa pagdurugo ang ilong niya. May sanaw na nga ng dugo sa puwesto niya ngayon dahil sa dami ng dugo na lumalabas mula sa ilong niya. Uriel’s nose looks pretty damaged and I think he really needs to go see a healer of something.
"Geez, Uriel. That looks so messed up," nakangiwing sabi ni Clyde habang nakatingin sa ilong ni Uriel.
"Looks like kailangan na nating pumunta sa Pandoria," Rain announced.
Tumaas naman ang isang kilay ko dahil sa sinabi ni Rain. Pandoria?
"Hmmm, oo nga. Matagal-tagal na rin simula noong huli tayong lumabas ng campus." Diana stood up from the couch and she began to walk around the living room.
"Anong oras na ba?" tanong ni Van kay Naeri.
"Ten fifteen ng umaga," sagot ni Naeri habang nakatingin sa kaniyang relo.
Teka naguguluhan na ako promise. Anong Pandoria? Ano ba ang pinag-uusapan nila?
"Teka, teka! Anong Pandoria? Can someone explain to me what's going on?" Hindi ko na napigilan ang sumingit sa usapan nila.
"Pandoria is the heart of Shorewald. It is where the shops and other buildings are located. We always go there when we need to buy something," Galia explained to me. Oh, that makes sense.
"That's it, guys!" Rain snapped her fingers in excitement and I turned to her.
"Ano?" tanong ni Carter at sumandal siya sa couch.
"Since wala na tayong foods ay bibili tayo ng stocks tapos ipasyal na rin natin si Miyo sa Pandoria!" Rain clapped her hands in delight. I like that idea.
"Oh em gee! Ang ganda ng naisip mo, Rain!" sabi ni Galia at nag-apir silang dalawa ni Rain.
"Screw it. Dito lang kami. Kayo na lang ang umalis." Kinumpas ni Clyde ang kamay niya at tinaboy niya kami. Hala?
"Shut up, Clyde. Lahat ay lalabas," sabi ni Van at tumayo na rin siya mula sa pagkakaupo.
"Sus. Isasama niyo lang naman kami para gawing tagabitbit ng mga binili niyo. Ble!" Carter stuck out his tongue on us.
"Huh? May sinabi ba tayo na ang boys ang magdadala ng mga binili natin?” Rain smiled devilishly at us pero nakatalikod siya mula kina Carter. I know she's planning on letting the boys bring the things that we will be buying and there's no denying that.
"Wala naman." Galia giggled at ganoon rin si Diana.
"Sino'ng nagsabi no'n? Pangit ang nagsabi no'n." Cally whistled innocently. They're convincing the boys in a very weird manner, but I think it's working.
"Fine! Sasama na kami," Sean sighed in defeat.
"Awe, that's so sweet of you boys," kunyaring puri ni Van sa kanila.
"Syempre, mga gentleman kami eh." Nag-pogi pose si Carter at muntik na akong masuka. He needs to stop doing that pose, seriously.
"Kung ganoon, ano pa ba ang hinihintay natin? Tara na! Magbihis na tayo." Dali-daling tumakbo si Cally patungo sa hagdanan. Bago pa siya makaakyat ay pinigilan ko na siya.
"Wait! Paano sina Jared?" tanong ko.
"We'll meet them sa labas na lang." Van smiled.
"Nag-mind link na ako sa kanila at sabi nila ay maghihintay daw sila sa gate ng campus," Rain announced.
"It's settled then. Now, magbihis na tayo!" excited na sabi ni Galia.
I scratched the back of my neck. Hope this day won't make me tired as heck.
*****
I was speechless. Pandoria is so huge! Ang daming mga shops at magagandang pasyalan na nandito! I feel like nasa Dewshed ako. Dahil maraming shops at mga pasyalan ang nandito sa Pandoria, sasakit talaga itong katawan ko dahil wala yatang balak na bitawan nina Galia at Rain ang mga kamay ko. Kanina pa kasi nila ako hinihila sa kung saan nila gustong pumunta at gustong-gusto ko na talagang magpahinga.
"Sa Happy Worm naman tayo!"
Hinila ako nina Galia at Rain papunta sa sinasabi nilang Happy Worm. I have no idea kung ano ang Happy Worm na pinagsasabi nila. They are practically dragging me everywhere! Para tuloy akong aso dahil sa sitwasyon ko.
Ang mga braso ko ay sumasakit na dahil sa kakahila nilang dalawa. The rest obediently followed behind at ang saya pa nila na nakikita nila akong naghihirap sa mga kamay nina Galia at Rain. How cruel!
Nakarating na kami sa sinasabi ni Galia na Happy Worm. I was shocked dahil akala ko pet shop ang Happy Worm na sinasabi nila. What? It says 'Happy Worm' so I was thinking na baka pet shop nga. Though worms aren't considered as animals because they're annelids.
So here we are in front of a building na tinatawag ni Galia na Happy Worm. Happy Worm is a diner, a huge diner to be exact and its not a pet shop like what I had in mind. Even if it was huge and spacious, it was still pack with people, making it look small. Sikat yata ang diner na ito kasi dinadagsa ng mga tao eh.
Tiningnan ko si Rain and I raised a brow. "Anong gagawin natin dito?" I asked her.
Tumawa si Rain bago ako sinagot, "We're going to eat here!" tumingin siya sa likod at iwinagayway niya ang kaniyang kamay, "guys! Come on!"
"Wohoo! Lunch time!" Sean howled at nauna siyang pumasok sa loob ng diner.
"Yes! Makakain ko na rin ulit ang favorite meal ko!" Clyde cheered and trailed after Sean.
The boys we're all bouncy and happy except for Daryl and Jared, of course. Daryl just followed the other boys silently pero hindi nakatakas sa aking mga mata ang malaking ngiti na nasa kaniyang mga labi at ganoon rin ang ekspresyon ng mukha ni Jared.
Bakit ganoon ang reaksyon nila? Pangit ba ang lasa ng pagkain sa Dining Hall ng Silverwest Academy dahil ang saya nila na muli silang kakain dito sa Happy Worm? Or baka na-miss lang talaga nilang kumain dito? Hmmm...
Nang nakapasok na ako sa loob ng diner ay nagulat ako dahil malayong-malayo ito sa iniisip ko kanina. I thought it would be small but it was beyond my definition of spacious!
"Don't worry, Miyo. You'll get used to it." Jared patted my shoulder na siyang ikinabigla ko. Hindi ko siya napansin ah.
"Oy, kayong dalawa!"
Sabay kaming lumingon ni Jared sa gawi ni Uriel and my jaw dropped because Uriel was sitting on the spine of the couch here inside the diner. What the?! Why is Uriel sitting on the couch's spine?! Feel niya ba maging si King Kong ngayon? Hindi ba siya nahihiyang umupo ng ganoon? We are in a public place, gosh!
"Dali na!" Uriel's hand ushered us to come to where he was, quickly.
Section N used two long tables that were moved next to each other. The boys were on the left side while the girls sat in the right side. I sat beside Naeri while Carter was sitting in front of me. Kahit medyo siksikan ay ayos lang basta magkasama kami. I believe that meals are tasty when you are with your friends.
"Nasaan na ba order natin?" naiinip na tanong ni Clyde.
"Bakit? Umorder ka na ba?" Daryl asked the boy with an eyebrow raised.
Natigilan si Clyde dahil sa tanong ni Daryl. "Ha? Hindi pa pala kayo nag-order?" Clyde was lost on his seat.
"Idiot. Sino'ng oorder kung nag-uunahan kayo sa pag-upo?" Pinaikot ni Kris ang kaniyang mga mata pero kita pa rin ang ngiti sa kaniyang mga labi. True though.
"Ako na ang o-order," Cally insisted and smiled. Akala ko ay tatayo si Cally para mag-order pero nagulat ako nang tumikhim siya at biglang sumigaw nang buong lakas.
"SECTION N! SPECIAL MEAL!"
I swear tumahimik ang mga customers na nandito sa loob ng Happy Worm. Nakatingin silang lahat sa amin na parang mga takas kami sa mental hospital. Tunog lang ng nahulog na tinidor ang narinig ko dahil sa nakakabinging katahimikan. Geez, nakakahiya.
"COMING RIGHT UP!" biglang sigaw ng isang chef sa amin nang nakangiti. Mukhang kilala na ang mga kaklase ko sa diner na ito.
"Oh diba? Easy peezy." Cally winked at us.
"I never knew na napaka-importante pala ng bunganga mo, Cally." Rain clapped her hands in amusement.
Soon, kaming lahat na ang nagpalakpakan. Tumayo si Cally at nag-bow saka nag-thank you sa amin.
"Ang hangin! Tinatangay na ako!" asar ni Carter at binato niya si Cally ng napkin na nasa lamesa.
"Ew! Huwag mong ibato sa'kin ang napkin na may tae mo!" maarteng sigaw ni Cally at binalik niya kay Carter ang napkin na hinagis ni Carter sa kaniya kanina.
"Hoy! Malinis ko iyang tinapon sa'yo! Ikaw lang ang nagsabi na may tae mo iyan!" Humagalpak nang tawa si Carter. Seriously, these two never stop teasing each other.
"Che! Ang baho ng pwet mo!" asar ni Cally.
"Ikaw! Mabaho ang—"
Sabay na tumigil sina Cally at Carter nang nagpalabas ng nakakatakot na awra si Jared. Ako nga ay natakot din dahil umiilaw ang mga mata ni Jared tapos may maitim na aura ang nakapalibot sa kaniya. Ito na yata ang sinasabi ni Hunter sa akin. Nakakatakot nga si President Jared kapag nagalit. I gulped.
"Baka gusto niyong sapilitan ko kayong palalabasin rito?" malamig na sabi ni Jared. I gulped again. So scary…
"Siya ang nauna!" tinuro nina Carter at Cally ang isa't-isa, takot na takot habang kaharap si Jared.
"Shut up!" galit na sabi ni Jared at lalong lumakas ang nakakatakot niyang itim na awra.
"Yes, President!" Carter and Cally both zipped their mouth.
"Ayan kasi." I stuck my tongue at Carter but he just rolled his eyes and laughed silently.
"Section N Special Meal!" The waiter came at binigay na niya ang order namin.
Sa isang malaking plato ay merong kanin, chicken, and then mayroong mga meat balls, tapos parang pancit kaso medyo brown siya. Meron pang ibang mga pagkain pero hindi ko na alam ang pangalan nila. All in all, Section N Special Meal is an all in one plate kind of meal and I'm speechless again kasi ang dami! Hindi ko alam kung mauubos ko ba ito.
"Ihanda mo na ang tiyan mo, Miyo, dahil sigurado akong mabubusog ka talaga ng sobra," sabi ni Carter sa'kin and then he started to dig in his meal.
Sana naman po ay hindi ako masusuka nito.