MIYO'S POV
"Mama! Ayoko na po!"
"Stop shouting, Cally!"
"MAMA!"
"Shut up, damn it!"
Kanina pa kami rito sa loob ng isang madilim na kwarto. Nang nagising ako kanina ay akala ko nakapikit pa rin ako pero iyon pala madilim lang ang kwarto na kinalalagyan namin. Akala ko nga rin ako lang ang kinuha dahil ako naman ang pakay ng kung sino man ang dumakip sa'kin pero pati rin pala ang mga kaklase ko ay dinamay nila. Paano ko nalaman? Well, ang ingay kasi ng mga kaklase ko kaya nalaman ko kaagad na pati sila ay dinakip rin.
My hands were tied at ewan ko na lang sa iba kung ganoon din ba sa kanila. Cally was crying and shouting her mother's name for help. I couldn't help but roll my eyes. As if Cally's mother is going to hear her. I bet Cally’s mother is miles and miles away from here. Nakakarindi man pero tumigil na kami sa pagpatahan kay Cally dahil ayaw niya talagang tumigil at tumahimik. She's stubborn as heck!
"Grabe ang ingay," rinig kong sabi ng isang malalim na boses hindi malayo mula sa aking puwesto.
"Ikaw ba iyan, Carter?" I asked the voice near me. Para kasing si Carter eh. Just want to ask to be sure.
"Yeah," sagot ni Carter. Okay, tama ang hula ko.
"Nakatali ka rin ba?" tanong ko.
"Oo. Para akong manok na pang sabong dito dahil sa pagkakatali sa'kin," sabi ni Carter and I couldn't help but laugh at his remark.
Cally was still calling for her mother in the background pero hindi ko na lang siya pinansin. I was busy thinking of a plan on how to get out of here and save my classmates.
After all, it's my fault why we're all here. Biglang nagliwanag ang buong silid kaya tumingin kaming lahat sa pinagmulan ng liwanag. Tumigil si Cally sa kakasigaw at umawang ang kaniyang bibig nang nakita niya ang liwanag. Is this the light from heaven? Just kidding.
"Kumusta, Section N?" tanong ng isang boses na hindi ko kilala at ngayon ko lang narinig.
"Lance," I heard Jared spat with venom. Ah, akala ko nasa langit na kami. Pero ano'ng sabi ni Jared? Lance? Kilala ni Jared ang taong dumakip sa amin?
There were four silhouettes standing at the doorway of room. The light inside the room suddenly turned on at nakita ko ang mga mukha ng mga dumakip sa amin. Seeing their proud and raised faces, I already know them.
"Maydoom." Daryl glared at the four people standing at the doorway.
"Such a bunch of bloody immatures," Carter snarled in anger.
I didn't know na ganito pala kalaki ang galit ng Section Maydoom at Section Naryena sa isa't isa. I know that my classmates are serious about this but seeing Carter and Jared growl in anger like wild untamed beasts, it really made me shiver. The rest were just quiet at ganoon rin ako. I badly want to rip off those stupid smirks on their faces. Nakakairita kasi kaso kailangan kong magpigil muna dahil hindi ko pa kilala ang mga taong ito.
Tumingin sa gawi ko ang babae na medyo chubby ang katawan. Tumaas ang kaniyang kilay at nilapitan niya ako. I had a guess na may alam na siya na ako ang sumuntok sa kaklase niya. Well, I did not regret what I did.
I slowly froze the rope that tied my hands para madali ko lang itong matanggal using my strength in case the situation gets worse. I learned this technique from my father. He told me that strength is very important at times like this. Besides, madali ko lang rin itong gawin kasi may ilaw na at makikita ko na ang mga kamay ko.
"Well, if it isn't the newbie," sabi ng matabang babae at tumawa na parang isang evil witch.
Okay? So, uso rin pala sa mundong ito ang mga evil witch sa school. I had read tons of books about high school clichés and I guess characters like this witch who is standing here right in front of me never gets old.
"Back off, Esha." Carter growled in anger.
"Easy there, Sunfury. I won't hurt the newbie." The girl named Esha smirked. She crouched down para matingnan niya ako nang maigi. She caressed my face using her fingers that had nails covered with disgusting neon colored nail polish. Wala ba siyang taste in color? Neon talaga? Ang sakit naman sa mata.
"I never knew that a weakling like you can throw the first punch," she said with full of hate and anger. Bigla niyang hinawakan ang baba ko. Her nails were digging unto my skin and I swear nakaramdam ako ng malamig na bagay na bumababa mula sa leeg ko. Is she drooling on me or is it blood coming out of my skin? Damn her.
"Hands off, Esha Jane!" sigaw ni Rain habang pilit na kumakawala mula sa pagkakatali niya.
"Shut up, b***h!" galit na sigaw ni Esha kay Rain.
Itinaas ni Esha ang ulo ko at pilit niya akong pinatingin sa kaniya. She smirked and raised her hand. She was about to slap me pero mas mabilis pa ako sa kaniya.
Nakawala ako mula sa pagkakatali dahil binangga ko sa pinakamalapit na pader ang lubid na ginawa kong yelo. Nang palapit na ang kamay ni Esha sa akin upang sampalin ako ay kinuha ko kaagad ang kamay niya at buong lakas ko siyang pina-ikot. Now it looks like she is trapped within her own arms as I held her.
"Oh? Gulat na gulat ka?" Now it was my turn to smirk. Buti na lang talaga ay malapit lang ako sa pader.
"Argh!" Sinubukan na kumawala ni Esha mula sa pagkakahawak ko sa kaniya pero it was no use. Strength is what matters here. Sorry ka na lang Esha dahil mas malakas pa ako sa'yo.
Mukhang nagulat din sila Jared dahil nakawala ako. With my other hand, I made an ice shard and shot Rain's rope with my ice at nakawala kaagad si Rain. Ganito rin ang ginawa ko sa iba kaya ang resulta, lahat kami ay nakawala na mula sa mga tali namin. Turning on the lights was a bad move, Esha.
"Bakit hindi mo ito ginawa kanina noong wala pa sila?!" tanong ni Clyde sa akin.
"I couldn't see, dumbass!" sabi ko at hinigpitan ko ang aking pagkakahawak kay Esha. Aish, she’s really trying hard to escape from my grip.
"There's no light kanina, remember?" Galia rolled her eyes at Clyde.
"Ay? Oo nga pala no?" Kinamot ni Clyde ang kaniyang batok.
"s**t," A girl from Maydoom cursed.
"Everybody position!" sigaw ng lalaki na kasama ni Esha.
Bumukas ang mga nakasaradong bintana ng silid at isa-isang pumasok na parang mga ninja ang mga kasama ni Esha. Ninja, yes. They entered the room like ninjas. Pinalibutan nila kaming lahat pero hindi ako kinabahan kasi alam kong kaya namin silang lahat kahit konti lang kami kumpara sa dami nila.
"Oh? Is newbie scared?" I was caught off guard nang biglang sinuntok ni Esha ang tiyan ko. s**t! Hindi ko nakita iyon ah! Ang sakit…
Bumagsak ako sa sahig habang hawak ang tiyan ko dahil sa sobrang sakit. Argh, ang sakit talaga. Naramdaman ko na may humawak sa aking bewang at tinulungan niya akong tumayo.
"Thanks, Van." I smiled at her.
"Anytime." Van smiled back.
"Maydoom," anunsyo ni Jared. "We're not here to fight. We're here to talk and settle things with you. So, stop playing games now and let's do this the right way."
"Oh really, Brown?" The boy named Lance smirked. His eyes were sparkling with mischief. s**t, ayoko sa tingin niya.
"I'm serious here, Lance." Jared's voice became cold.
"Gil," Lance called before nodding his head at the boy that was standing beside him. He must be Gil.
Two students from Maydoom suddenly got a hold of Galia and Mary. Kikilos na sana kami nang nagpalabas ang mga estudyante ng Maydoom ng kanilang mga kapangyarihan. Damn it, one wrong move from us at mapapahamak talaga sina Mary at Galia.
Gil held up Galia's chin and then he stared into her eyes. Gil's eyes turned to gold and ganoon din ang mga mata ni Galia. Oh no, I know that magic, don't tell me—
"Tell me the truth." Gil smirked while looking into Galia's eyes. Shoot! This isn't right!
"We're here to destroy all of you," diretsong sabi ni Galia at walang emosyon ang kaniyang mukha habang blanko naman ang kaniyang boses.
I gritted my teeth in anger. Galia is under that Gil's hypnotizing spell. Gil's in control of Galia's brain. He's manipulating her with his hypnotizing magic. Tch, what a bastard!
"Galia!" Kris called for Galia to wake up.
"Galia!" Uriel called out Galia too.
"Nagsinungaling ka, Brown," sabi ni Lance nang may ngiting tagumpay sa kaniyang mga labi.
Damn these Maydoom students. They are playing dirty! They are turning things around! If I knew na ganito pala sila kadumi kung makipaglaban ay hindi ko na sana dinamay pa ang buong Section N. Ako lang ang pakay nilang lahat at hindi sila, hindi ang mga kaibigan ko.
Dahil sa galit ko ay naghagis ako ng ice ball kay Gil. Sa sobrang abala niya sa kakatitig sa mga mata ni Galia ay hindi niya napansin ang ice ball na tinapon ko sa kaniya at ang resulta ay nabitawan ni Gil si Galia at bumagsak si Gil sa sahig nang duguan ang ulo. It was not a snow ball but an ice ball. Matigas na bola na gawa sa yelo...gets? There's a big difference between the two. Ice ball is hard while snow ball isn't.
"What did you do?!" Esha screamed at me. Her veins were popping out from her neck.
"Pinalamig ko lang ang ulo ng kaklase mo," sagot ko kay Esha nang hindi man lang tumitingin sa kaniya. Nakatingin pa rin kasi ako kay Gil. Nakokonsenya kasi ako sa nagawa ko eh. Ang dami na kasing dugo sa noo niya.
"Damn you!" Esha screamed and then she started throwing balls at us. Wait, balls?
Colorful balls made its way towards us pero bago pa sila makalapit sa amin, I quickly raised my palm and summoned an ice wall and this froze Esha's balls in mid air. That was close.
"H-How?" gulat na tanong ni Esha habang umaatras.
"Nice magic, neon nails," I looked at Esha.
Mukhang natatakot na siya. "Sucks to be you," sabi ko sa kaniya at hinagisan ko rin siya ng isang ice ball kaya ayon tulog na rin siya kagaya ni Gil.
Soon, kaming lahat ay nag-aaway na. Jared had Lance as his opponent. Ako naman ay kahit sino na lang ang tinatapunan ng ice ball. Naaawa nga ako kasi nagkaroon na sila ng mga bukol sa ulo nila pero nawalan na rin ako ng pakialam kasi sila naman ang nagpasimuno ng away na'to. We're supposed to talk things out but thy chose the violent way of settling things.
"Sumuko ka na kasi." Sean smirked at Lance. Halos lahat ng mga estudyante ng Maydoom ay bagsak na at konti na lang ang natira sa kanila. That includes Lance.
"No!" sigaw ni Lance. Okay boy, you're pride is higher than your height.
"Ay matigas ang bungo ni kuya," komento ni Diana na naiinis na.
"Miyo, tapunan mo nga ng ice ball." Carter smirked at me. Nagkibit-balikat lang ako saka nagpalabas ng isang makinang at malamig na ice ball. Pinakita ko ito kay Lance at natakot naman siya.
"Karma's a b***h, Lance," sabi ni Rain.
"We're supposed to talk but we didn’t regret what we did kasi para iyon sa pambubully niyo sa amin." Takot na tumingin si Lance kay Mary matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon.
"I'm sorry!—we're sorry! Please! Spare me!" Napaluhod si Lance kaya nagkatinginan kaming lahat.
"Ayan kasi, mali ang mga binangga niyo. Mga bulok, tsk!" Uriel shook his head while clicking his tongue.
"Akala niyo siguro mga mahihina kami." Clyde crossed his arms.
"Diyan kayo nagkakamali," dagdag ni Van nang nakangiti.
"Na-surprise ka namin no?! Hahahaha!" tawa ni Cally. Ang laki talaga ng bunganga ni Cally.
"Please! Forgive me!" Yumuko si Lance at ang ibang estudyante mula sa Maydoom na natira.
"Galia." From the corner of my eye, nakita kong gumising na si Galia at yakap siya ngayon ni Mary at Kris. We waited for Jared's decision at maya-maya ay nagsalita na siya.
"We'll let this pass and forget that this happened. Promise us that you'll never bully other students and look down on them," Jared said with authority.
"We promise!"
"That's cool," I muttered and chuckled. Ang bilis ah. Kung kanina pakiramdam nila ay ang lakas nila tapos ngayon ay parang mga tuta na takot sa leon.
"Let's go, Section N."
"Yes, President!"
When we passed by the remaining Maydoom students, I saw Sean and Carter cracking their knuckles at binibigyan nila ng nakamamatay na tingin ang mga estudyante ng Section Maydoom. Seriously, these guys.
"That ended well," I said out of the blue.
"Oo nga no?" Diana agreed and laughed.
Soon, all of us were laughing carelessly and reminiscing what had happened today. Well, today was eventful. So, who wouldn't reminisce to that?