MIYO'S POV
Two weeks later.
All of us stared at the letter that was on top of my desk. It was a letter from Maydoom at hindi ko maintindihan kung bakit nila ako pinadalhan ng isang liham. What's up with them? It's been two weeks after I punched one of their classmates at ngayon lang sila nagpadala ng letter? Ang late naman yata?
Pagpasok ko ng classroom kanina kasama si Rain at Naeri ay nagulat kaming tatlo dahil ang ibang classmates ko ay naabutan namin na nakapalibot sa aking lamesa. Lahat sila ay may pangamba sa kanilang mga mukha. I was curious kaya nilapitan ko sila.
I found out na ang tinitingnan pala nila ay isang white envelope na may nakasulat na 'Letter Of Doom' using an animal blood—kung hindi ako nagkakamali. Ang amoy kasi ng dugo ay hayop na hayop talaga ang dating. Sa ibabang parte naman ng liham ay nakasulat ang pangalan ko, which was also written using the same animal blood.
Seriously, it was the lamest death threat I have ever received. Idagdag pa ang pagkakasulat ng pangalan ko. I get it na nag-effort sila dahil sa dugo ng hayop but seriously, ang pangalan ko ay wrong spelling pa talaga? Come on. Instead of feeling threatened and scared, I am actually feeling amused.
"Hindi ka ba natatakot, Miyo? Kanina ka pa nakabungisngis diyan." May bahid na takot ang boses ni Galia.
Tumaas naman ang isang kilay ko. "Why would I be scared?" I looked at all of them.
"Kasi pinadalhan ka ng Letter Of Doom?" Diana was trembling habang nakahawak sa braso ni Hunter.
"Bakit takot na takot kayo? Diba dapat ako ang dapat na matakot kasi ako ang pinadalhan ng liham?" Iwinagayway ko ang envelope na hawak ko sa ere.
"We're scared of what they will do to you, Miyo. Parte ka na ng section na ito at kaibigan ka namin. Syempre nag-aalala kami sa'yo," sabi ni Mary sa akin.
Tumingin ako sa letter na hawak ko. They all care for me? I should also start to think about them and not just think about myself. Tama si Mary. Parte na ako ng section na ito at kung ano man ang gagawin ko, kung ano man ang magiging desisyon ko ay maaapektuhan sila.
Kinagat ko ang aking labi at binuksan ko ang envelope. Binasa ko ang liham pero hindi ko na talaga napigilan ang nadarama ko. Seryoso na sana ako kaso hindi ko na talaga napigilan ang tumawa.
"Wherever you are, we will find you," I read the message. There was a skull and a letter X below the sentence. Nag-effort sila sa dugo ng hayop, wrong spelling pa ang pangalan ko tapos ganito lang kaliit ang laman ng liham?
"Seryoso?" I asked in disbelief. Maydoom, what are you up to?
"Miyo, don't take this too lightly." Jared was serious at ang tingin niya sa'kin ay seryoso na rin.
"I'm sorry Jared but look, I know you're scared of what's going to happen but guys have you forgotten who we are?" I folded the letter and ripped it to small pieces.
"We're Section N, remember?" I smiled proudly at them all.
Kahit sandali ko pa lang silang nakilala, alam ko na mas malakas pa sila kumpara sa mga estudyante mula sa Maydoom. Ayaw lang talaga nilang ipalabas ang totoong lakas nila dahil sa tingin ng ibang estudyante sa amin. They see us as the lowest section and a bunch of weaklings but that was just for show because the truth is, we're stronger than all of them because of experience and training.
I learned all of that because of the past two weeks and I had been observing each one of them as those two weeks passed by. We had been training together, studying new stuffs together and discovering new techniques together at sa nakikita ko ay kaya sila ang pinapadala sa mga misyon ay dahil iyon sa kakayahan nila.
They are strong at hindi na nila kailangan ang isang guro para turuan sila kasi kaya na nila—no, kaya na namin dahil malakas kami.
"You've changed after your two weeks of training, Miyo." Jared smiled.
"It was all thanks to you guys." I grinned and they all started to howl like wolves. Ang ingay! Hahaha!
"Ayieee! Ano ba, Miyo! Kinikilig ako!" tili ni Sean at hinampas niya si Daryl na nakatayo sa kaniyang tabi.
"Tigilan mo ako, Sean," banta ni Daryl at binigyan ng isang nakamamatay na tingin si Sean.
"Wew! Ang kati! Ang mga allergies ko ay kinikilig!" Umaktong nangangati si Carter habang tumatawa.
"Hahahaha! Mga abnormal!" sigaw ni Kris habang tumatawa.
Nagtawanan kaming lahat nang biglang sumigaw si Clyde nang matinis na siyang ikinatigil naming lahat. Hawak ngayon ni Clyde ang isang eroplanong papel na may bahid ng dugo. Okay? Ano na naman ito?
"Nakita ko itong lumipad kanina kaya kinuha ko." Parang batang naiiyak na sumbong ni Clyde sa amin.
"Buksan mo," utos ni Daryl kay Clyde at gamit ang kaniyang mga nanginginig na kamay ay binuksan ni Clyde ang eroplanong papel.
"Magkita tayo sa likod ng Paramount Building mamayang alas tres ng hapon." Matapos basahin ni Clyde ang mensahe ay tumingin siya sa amin nang may takot sa kaniyang mga mata.
"Bakit parang ina-aya nila tayo ng away?" Van crossed her arms.
"Well, obviously they really are inviting us to a fight," Daryl stated the obvious nang wala man lang reaksyon mula sa kaniyang mukha.
"Kung ganoon, ano'ng gagawin natin?" Cally started to panic.
"Whoa. Kalma ka lang, babae." Kris patted Cally's head.
"Ayan kasi, kape ka pa para nerbyusin ka pa lalo," Carter teased na naging dahilan upang mainis si Cally sa kaniya at batuhin siya ng sapatos.
"We're going." Jared announced with authority na siyang ikinagulat ko. What the?!
"ANO?!" sabay naming tanong dahil sa gulat. Nahulog tuloy sa kaniyang silya si Uriel dahil sa sobrang pagkabigla.
"I'm going to agree with Jared," Naeri declared saka tumango.
"Ako rin," sabi ni Rain at umakbay siya kay Naeri.
"Bakit? Bakit tayo tutuloy?" Nagbanggaan ang mga kilay ni Sean.
"Kung hindi tayo magpapakita, baka lalong lumaki ang mga ulo nila at mas magiging mayabang pa sila dahil akala nila ay takot tayong magpakita sa kanila," Jared explained.
"So now, let's prove to them na sila dapat ang matakot sa atin," dagdag ni Jared.
Ngumiti ako ng palihim. Looks like this is will be good.
*****
"Are we really going to do this?" rinig kong tanong ni Cally.
"For the tenth time, Cally. Yes! And stop panicking will you?" Kris was growing annoyed because of Cally.
"Bawas-bawasan kasi ang pag-inom ng kape," inosenteng sabi ni Carter at tumingin siya kay Cally na ngayon ay nakatingin na sa kaniya ng masama.
"Naglalakad pa lang tayo patungo sa kanila pero ito ka na, Cally. Takot na takot ka na parang gusto mong magtago sa ilalim ng saya ng nanay mo," malamig na sabi ni Daryl at may halong inis ang kaniyang boses.
Lahat kami ay napahinto sa paglalakad at tumingin kay Daryl na parang may lumabas na pangalawang ulo mula sa kaniya. Daryl's face was blank at wala man lang makikitang emosyon sa kaniyang mga mata. Wow, I think that was the longest sentence that Daryl had ever spoke out today.
"Dude? Ayos ka lang ba?" Sean asked Daryl strangely.
"Ayos na ayos," Daryl deadpanned and he stared at Sean blankly.
Okay? Ang seryoso naman kasi nitong si Daryl. Parang pasan niya ang buong mundo. Once in a blue moon ko lang siya nakikitang tumawa at kung may nakakatawa man ay tatawa lang siya nang maliit tapos mamaya ay babalik na naman sa pagiging seryoso. He really needs a dose of some happiness, I think?
"Guys, ako lang ba o nagiging super duper eerie na ang atmosphere?" Rain asked habang tumitingin sa paligid.
"I noticed it too," Naeri agreed beside me.
"I have sensed some auras," Clyde announced in a hushed voice while looking ahead.
"Malapit lang sila." Kris became alert.
"Is there a possibility na a-ambushin nila tayo?" I asked them in a small voice.
"Maybe? Maybe not?" Jared was unsure habang sinasabi niya iyon.
"With this atmosphere? I have a hunch that fifty percent out of one hundred probabilities, they're going to ambush us," Naeri declared at inayos niya ang kaniyang salamin na pababa na ng ilong niya.
"A hunch is a hunch. It can't be true unless it's proven," Sean debated at tumingin siya kay Naeri.
"But it can still happen. With the fifty percent, there is still a huge chance." Naeri adjusted her glasses again.
Ako lang ba? Or sa tuwing nagiging seryoso si Naeri ay inaayos niya ang salamin niya?
"Tama na, please? Dumudugo na ang mga ilong namin eh." Cally wiped her nose at ganoon din sina Hunter at Clyde. Nagdurugo talaga ang ilong nilang tatlo? Whoa, good thing hindi nagdurugo ang sa'kin.
"Perks of being a smartass." Van chuckled beside Galia.
"Guys may naririnig akong mga tunog mula sa kaliwang bahagi ng pasilyo. I heard murmurs and footsteps of three people." Kris had a hand on her left ear. Half elf nga pala si Kris, muntik ko ng makalimutan. Kaya pala madali lang siyang makarinig mula sa malayo.
"I don't like this," Diana muttered.
Tahimik lang akong nakatayo sa isang gilid habang sila ay alerto at handang-handa nang umatake. I must say, they are so cool when they look like that—all serious and full of determination. Nakikita ko talaga na sanay na sanay sila sa mga sitwasyo na ganito.
"Bakit nga ulit tayo nandito?" Napalingon ako kay Carter dahil sa kaniyang tanong. Kinamot niya ang kaniyang batok habang nakatingin sa aming lahat. Seriously, Carter?
"We're here to settle things with Maydoom. We are going to stop their stupid games, remember?" Mary stated in a-matter-of-fact voice.
We've discussed this before tapos ngayon ay magtatanong na lang siya bigla kung bakit kami nandito? Saan ba galing itong si Carter? Nagtatago ba siya sa ilalim ng bato kanina noong nag-uusap kami? Napailing na lang ako. He really needs to take these kind of things seriously.
Sumenyas sa amin si Kris na ayos na at wala na siyang naririnig na mga tunog kaya nagpatuloy na kami sa paglalakad. Lumiko kami sa kaliwa patungo sa likod ng Paramount Building.
Walang nagsalita sa amin at pinakinggan lang namin ang buong paligid. Tahimik ang likod ng building kaya nakakapagtaka dahil dito kami pinapuntang Section Maydoom.
"Cally," tawag ko kay Cally na nasa tabi ngayon ni Kris.
"Bakit?" she asked me.
"Since you can turn invisible, maybe you can sneak towards where these Maydoom students are," I suggested.
"Ha?!" Cally was taken back.
"Oo nga! She can be our spy. Great idea, Miyo." Galia snapped her fingers and smiled.
"Parang ginawa niyo na akong sakripisyo sa kaaway!" naiiyak na sabi ni Cally at hinawakan niya nang mahigpit ang kaniyang buhok. Sasabunutan na sana ni Cally ang kaniyang sarili pero kaagad ko siyang pinigilan.
"Shh! Huwag kang sumigaw!" Van shushed as she placed a finger on her lips.
"Sorry." Nag-peace sign si Cally.
"Come on, Cally. Ikaw lang ang makakagawa nito," Naeri urged her.
"Tama si Naeri, Cally," sabi ni Kris with a pleading look on her face.
Ilang sandali ay nag-sip si Cally at maya-maya ay tumango siya. She closed her eyes and in a matter of seconds ay nawala na siya sa paningin namin and even her shadow disappeared.
Cally's invisibility is a different case. She had complete control over her power. Her invisibility enables her to be entirely invisible and not. She can hide her shadow and scent and then she can also show it at the same time and also, everything that she holds also turns invisible. It's actually pretty amazing.
Naghintay kami ng ilang minuto at maya-maya ay biglang lumitaw si Cally sa harapan namin. Habol ang kaniyang hininga at may hawak siyang papel. Nagsimula na akong kabahan dahil sa hindi malaman na dahilan.
"Wala sila! Wala akong nakita na mga estudyante mula sa Maydoom! Ito lang ang nakita ko!" Cally gave Jared a paper. Binasa naman kaagad ni Jared ang laman ng papel and fear dominated his face.
"It's a hoax! Everyone, retreat!" sigaw ni Jared na ikinagulat naming lahat. What?! A hoax?!
"They had deceived us with the letter that they gave to Miyo. Retreat now! Before they ambush—"
But Jared couldn't finish what he was saying dahil biglang may kumalat na usok sa buong paligid at kasabay nito ay ang pagkawala ng malay ko.