MIYO'S POV
"Ano?!" Hindi ako makapaniwala dahil sa aking narinig.
"Pasensiya ka na, Miyo. Ito na lang kasi ang natitirang suite na may bakanteng kwarto tsaka isa pa, magkahiwalay naman ang dalawang kwarto eh," Rain explained to me slowly.
Nandito ako ngayon sa maliit na salas nitong bakanteng suite na ipinapakita ni Rain. Sinabi kasi ni Jared sa'kin na utos daw ng principal na patitirahin ako sa dormitoryo ng Section N. Ayoko sana kaso naalala ko na wala na pala akong matitirhan dito sa Shorewald kaya kahit dalawa kaming occupants sa isang suite, tinanggap ko na lang ang offer at ito na ako ngayon, nakatayo sa loob ng suite na itinuro nina Rain at Hunter.
Dalawa kasi dapat ang gagamit sa isang suite ng dorm, in short by pair. Lahat ng aking mga kaklase ay may kapares na sa kanilang mga suite at tanging si Hiro Osaki lamang ang nag-iisa sa suite na ito kaya binigay nila sa akin ang kwarto na katabi ng kwarto ni Hiro Osaki.
Akala ko ay babae ang magiging kapares ko, kagaya ni Rain ngunit si Hiro Osaki pala. Hindi ako sanay sa ganito. Ayos lang naman kasi magkaiba kami ng kwarto at alam ko na hindi na rin babalik si Hiro Osaki rito sa Silverwest Academy pero nasa isang suite pa rin kasi kami. Paano kung babalik siya? Ako talaga ang maglilinis ng buong suite dahil sigurado ako na hindi iyon marunong maglinis. Boys don't do the cleaning, I had experienced it before.
"I am so sorry, Miyo," paghingi ni Rain ng paumanhin.
"Don't apologize, Rain. Ayos lang." Kailangan ko itong tanggapin dahil wala naman akong choice. I can't be choosy here.
"Ayos lang iyan, Miyo. Mukhang hindi na yata babalik si Hiro rito kaya wala kang dapat na ikabahala pagdating sa mga kalat." Tumawa si Hunter.
"Oo nga. Sa'yong-sayo na ang suite na ito." Tumango sa'kin si Carter at inakbayan niya si Hunter.
"Gusto mo tulungan kita sa pag-aayos ng mga gamit mo?" alok ni Rain at mabilis akong umiling sa kaniya.
"I can manage, Rain," sabi ko at pumasok na ako sa kwarto ko. Narinig kong tumunog ang pinto sa labas kaya alam ko na nakaalis na sila.
Nilibot ko ang aking tingin sa buong kwarto at nakita ko na kulay puti ang mga pader ng silid habang ang kisame naman ay kulay abo. May isang bintana sa gilid tapos may sariling CR pa. Sa isang sulok ay mayroong malaki na kama at may lamesa rin sa gilid nito. May walk-in wardrobe pa at malaking cabinet na pwede kong lagyan ng mga damit at iba pang mga gamit. Malaki ang lugar at kontento na ako sa kwarto na ito.
Inayos ko na ang mga gamit na dala ko. Mula sa mga libro na babasahin ko hanggang sa mga gamit na dala ko. Mabuti na lang dahil hindi ito nasira noong nakipaglaban ako sa mga halimaw. Pagkatapos kong ayusin ang mga libro at gamit ko ay sinunod ko naman ang aking mga damit. Pagkatapos kong mag-ayos ay nagpahinga na ako sa kama ng aking kwarto. Humiga ako rito at nagisip-isip. Ano kaya ang posibleng mangyari sa akin kung hindi pa ako napadpad dito?
Naputol ang aking pag-iisip nang biglang may kumatok sa pinto ng aking kwarto. Tumayo ako at mabilis akong naglakad papunta sa pinto. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin si Naeri na inaayos ang kaniyang salamin.
"Hey," bati ko kay Naeri at ngumiti ako sa kaniya.
"Yo." Tumango si Naeri sa'kin at nabigla ako dahil hindi ko alam na malalim pala ang boses niya sa malapitan. Para sa isang babae, ang boses niya ay parang isang lalaki.
"Sorry about that," nahihiyang sabi ni Naeri.
"Ayos lang. Ang lalim pala ng boses mo," komplemento ko sa kaniya at namula naman si Naeri dahil sa sinabi ko
"Salamat. Oo nga pala, hinahanap ka na ng iba dahil sabay tayong kakain sa Dining Hall ng academy at sabay rin tayong pupunta roon," sabi ni Naeri at inayos niya ang kaniyang salamin. Naeri's round framed glasses really suit her. Ang cute niyang tingnan.
"Ganon ba? Teka, magbibihis lang ako," sabi ko at tumango si Naeri sa'kin.
Kaagad akong nagtungo sa walk-in wardrobe at nagbihis na. Sinuot ko ang aking gray na t-shirt at isang pares ng pantalon. Sinuot ko ang aking sapatos at huli kong sinuot ang aking itim na hoodie. Lumabas na ako at sinarado ko na ang aking suite. Nauna ng maglakad si Naeri at sumunod lang ako sa kaniya. Nang nakababa na kaming dalawa ni Naeri ay naabutan ko ang iba na nagkagulo sa salas.
Nakasakay si Long Chin sa likod ni Van at sumisigaw siya na tila isa siyang cowboy dahil sa kaniyang ginagawa. Sina Cally, Diana at Clyde naman ay binabato si Long Chin gamit ang kanilang mga tsinelas. Van ang pangalan ng babae na nakilala ko kanina. Siya ang pinakamataas sa lahat ng mga babae. Nalaman ko ang pangalan niya mula kay Rain. Narinig kong sumigaw si Van kaya napangiwi ako. Ayos lang ba sila? Mukhang gutom na talaga sila kasi nagwawala na sila eh.
"Nandito na sina Miyo at Naeri!" sigaw ni Long Chin nang hindi pa rin bumababa mula sa likod ni Van. Come to think of it, hindi ko pa alam ang totoong pangalan ni Long Chin.
"Walang hiya, Uriel Shin! Bumaba ka nga! Ang laki mong kalabaw tapos sasakay ka pa sa likod ko! Ang bigat mo kaya," reklamo ni Van at kaagad naman bumaba si Long Chin. Ah, So Uriel Shin pala ang pangalan ni Long Chin.
"Kumpleto na ba tayo?" tanong ni Jared at tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa.
"Yeah. Tara na," sagot ni Sean at inakbayan niya si Jared.
Lumabas na kaming lahat ng dorm at nasilayan ko kaagad ang malaking pigura ng paaralan. Hindi ko napigilan ang mamangha dahil sa sobrang laki nito.
"Ang ganda talaga ng Silverwest Academy no?" sabi ni Diana habang nakatingin sa unahan.
"Yeah, it's so breathtaking." Cally inhaled some air and then she exhaled it.
"Puta! Ang baho na ng hangin, Cally. Ilang dekada ka na bang hindi nagsipilyo?" Tinakpan ni Carter ang kaniyang ilong habang nakatingin ng masama kay Cally.
"Tangina mo, Carter. Ikaw, ang baho ng tae mo!" sigaw ni Cally at humagalpak nang tawa sina Sean at Clyde.
"Ikaw! Anak ka ng mahirap na—"
"Subukan mong ituloy, Carter Sunfury, at paparusahan talaga kita," putol ni Jared sa sinabi ni Carter at napalunok naman si Carter dahil dito.
Mukhang may sasabihin si Carter na hindi maganda dahil binantaan siya ni Jared. Man, they sure are so loud but they're not bad.
May lumapit sa'kin na babae. Para siyang isang grade one student—just kidding. I think Mary and her have a similarity when it comes to height. Hanggang dibdib ko ang babae at may kulay caramel brown siyang buhok. Her hair was tied into pigtails making her look so adorable.
"Hi, Miyo! I'm Galia Tarbs, kung sakaling hindi mo pa alam ang pangalan ko." Inilabas ni Galia ang kaniyang kamay at inilahad niya ito sa'kin.
"Nice too meet you, Galia." Ngumiti ako sa kaniya at bumungisngis si Galia.
"We're here!" anunsyo ni Mary mula sa unahan. Tumigil silang lahat sa paglalakad kaya tumigil din ako. Galia was still beside me at diretso lang ang kaniyang tingin.
"Ano'ng meron? Bakit hindi pa sila pumapasok sa loob ng Dining Hall?" tanong ni Galia sa'kin habang tumatalon sa kaniyang puwesto. I guess she can't see what was going on because of her height.
"Hindi ko rin alam, Galia. Hindi ko kasi makita ang harapan eh. Ang tangkad kasi nina Carter at Van," sabi ko sa kaniya.
"I hate my height," inis na sabi ni Galia bago ngumuso.
"Hindi pa tayo makakapasok sa loob kasi may dalawang estudyante mula sa Maydoom ang nagbabantay sa pinto ng Dining Hall at hinaharangan nila sina Mary at Jared," paliwanag ni Diana sa'min ni Galia.
"Kausapin natin sila. Hindi tama ang ginagawa nila," sabi ko kay Diana at malungkot siyang umiling sa'kin. Huh?
"Kung pwede lang sana gawin iyan." Malungkot na ngumiti si Diana at nagtaka naman ako.
"Bakit?" I asked Diana, worry was now evident in my voice.
"Mataas ang tingin ng Maydoom sa kanilang mga sarili. Mapagmalaki sila at mayabang. Ang section kasi nila ang nasa unang antas at kinikilala rin sila bilang mga pinakamalakas na estudyante rito sa Silverwest Academy. Mahirap silang pakiusapan," paliwanag ni Diana habang nakatingin sa unahan.
Tumingin ako sa harap at nakita ko sina Jared at Mary na kaharap ang dalawang estudyante na nakasuot pa ng uniporme at nakita ko na iba ang kulay ng kanilang necktie. Kung ang kulay ng necktie namin ay kulay asul, sa Maydoom naman ay kulay berde. Mukhang ito ang palatandaan ng paaralan pagdating sa kung anong pangkat galing ang isang estudyante at tingin ko ay mayroon pang ibang mga kulay ng necktie dahil sa iba pang mga estudyante na nag-aaral dito sa Silverwest Academy.
"Look, ayaw namin ng gulo. So, please let us pass," rinig kong pakiusap ni Jared ngunit tinawanan lang siya ng dalawang estudyante na nagmula sa Maydoom.
They were both boys ngunit para sa'kin ay madali lang silang matakot. Halata naman sa mga mukha nila eh. Cowards are still cowards inside even if they are tough on the outside.
"Sigurado ka ba na ang mga estudyante ng Maydoom ang pinakamalakas dito sa Silverwest? Parang ang dali lang takutin ng dalawang iyon eh." Tinuro ko ang dalawang lalaki na kausap nina Jared at Mary.
"Malakas sila, Miyo. Don't judge the book by its cover nga diba?" sabi ni Galia.
"Palagi ba nila itong ginagawa sa inyo?" tanong ko at tumango si Diana.
"Palagi nila kaming ginaganito kasi mababa ang tingin nila sa amin at sa section natin kaya minsan kung hindi kami sinuswerte ay sa dorm na lang kami kumakain," paliwanag ni Diana at hindi ko na naiwasan ang mag-alala.
Ilang minuto pa kaming naghintay at nakita ko na kahit anong pakiusap nina Jared at Mary ay hindi talaga pumapayag ang dalawang lalaki.
Hanggang sa nakaramdam na ako ng matinding gutom at hindi ko na napigilan ang aking sarili na pumunta sa harap. Bahala sila kung irereklamo nila ako o ano basta sila ang nagsimula ng gulo at kami ay mga biktima lamang na nagugutom na.
Naabutan ko ang dalawang lalaki na hagalpak ang mga tawa dahil sa pagmamakaawa nina Jared at Mary. Naiiyak na si Mary habang si Jared naman ay naiinis na.
Hindi ba sila naaawa? Ganoon na ba talaga ang tingin nila sa section namin? Sa section na kinabibilangan ko? Mababa, mahina at wala ng karapatan sa paaralan na ito?
Kalmado kong nilapitan sina Mary at Jared. Ayokong magpadalos-dalos lalo na't nandito si Jared. Ayokong makatanggap ng parusa mula sa kaniya. Bago pa lang ako rito at gusto ko pang manatili rito ng matagal ngunit mukhang sinusubukan talaga ako ng tadhana dahil nauubos na ang pasensiya ko dahil sa dalawang lalaki na ito mula sa Maydoom.
"Look who's here. Bagong mukha, pare," sabi ng lalaki na may kayumanggi na buhok at naabutan ko siyang nakatingin sa'kin. Lumingon sina Mary at Jared dito sa gawi ko kaya nahihiya akong tumingin sa kanilang dalawa. Aish…
"Alam niyo naman siguro kung ano ang ginagawa namin sa mga bago diba?" Tiningnan ng lalaki na may itim na buhok si Jared at nakita ko kung paano nag-alala si Jared. Bakit, ano ba ang gagawin nila?
"Hoy, babae! Yumuko ka at magbigay ka ng respeto sa'min," utos ng lalaki na may kayumanggi na buhok. What?
"Y-Yumuko?" Alam ko na mayabang ang mga estudyante ng Maydoom dahil sinabi na rin ito ni Diana pero hindi ko alam na ganito pala sila kayabang. Lagpas langit yata ang kayabangan nila.
"Bingi ka pala, newbie? Yumuko ka na! Gusto mong pumasok sa loob ng Dining Hall diba? Ano pa ba ang hinihintay mo? Magbigay ka na ng respeto sa mga mas malakas pa sa'yo." Tumawa ang dalawang lalaki.
Tch, bakit ba sila ganito? Sila dapat ang nagpapasimuno ng mga magagandang bagay dito sa Silverwest Academy hindi ang ganito na ipinapahiya nila ang mga mahihina.
Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ako nang malalim. Mukha wala na akong ibang magagawa kundi ang sundin kung ano ang gusto nila. Gutom na kaming lahat at kailangan na talaga naming kumain ng hapunan. Tch, nakakainis naman...
Naglakad ako palapit pa sa kanila. "Ito na, gagawin ko na—"
"Miyo, no! Don't do it!" Jared shouted kaya napahinto ako at mabilis akong lumingon sa kaniya.
"Miyo, huwag mong palakihin ang mga ulo nila," rinig kong sabi ni Hunter mula sa likod ni Jared.
"Miyo, huwag mong sundin kung ano ang gusto nilang mangyari," sabi ni Rain kaya napalingon ako sa kaniya.
"Ngunit hindi tayo makakapasok—"
"Just don't do it, Miyo," pakiusap ni Mary sa'kin.
Tiningnan ko ang iba kong mga kaklase at nakita ko na pati sila ay ayaw rin na sumunod ako sa gustong mangyari ng dalawang lalaki mula sa Maydoom.
Lahat sila ay nag-alala sa'kin at hindi ko maiwasan ang ngumiti nang marahan. Nag-aalala silang lahat sa akin at natutuwa ako dahil dito.
Hinarap ko ang dalawang lalaki na nakatingin ngayon sa'kin. Seryoso ko silang tiningnan at nakita ko kung paano sila nataranta. Ha, tingnan niyo nga naman. Sinasabi ko na nga ba, madali lang takutin ang mga ganitong tao eh. Malakas pala ha…
"Ano'ng hinihintay mo? Yumuko ka na!" sabi ng lalaki na may kayumanggi na buhok.
"Ito na," sabi ko at saka yumuko ngunit hindi ako tuluyan na yumuko.
Dinuraan ko ang kanilang mga sapatos at pagkatapos ay tiningnan ko sila. Umawang ang bibig ng dalawang lalaki at mula sa gilid ng aking mga mata ay nagulat sina Jared at Mary dahil sa ginawa ko. Ayoko sanang gawin ito pero sumusobra na sila eh.
"How dare you spit on us, b***h!" galit na sigaw ng lalaki na may itim na buhok.
"Just like what the golden rule says, 'treat others the way you want to be treated.' Tinatrato ko lang kayo kagaya ng pagtrato niyo sa akin at sa mga kasama ko." Ngumiti ako sa dalawang lalaki. Serves them right.
"M-Miyo..." rinig kong tawag ni Mary sa'kin ngunit hindi ko muna siya hinarap.
"Sino kayo para maghari-harian dito sa Silverwest Academy? Kagaya namin ay mga estudyante rin kayo kaya huwag kayong magmayabang," dagdag ko.
"Miyo, tama na," rinig kong sabi ni Jared ngunit hindi ako nakinig sa kaniya.
"Tch, gusto mo yatang mabugbog ah." Masama akong tiningnan ng lalaking may itim na buhok ngunit hindi ako natatakot sa kaniya. Sa totoo lang, walang nakakatakot sa kaniya. Nakakatawa siguro meron, pffft.
"Sige, bugbugin mo ako. Kaya mo ba?" Tiningnan ko rin siya nang masama. Nilagay ko ang aking mga kamay sa bulsa ng aking hoodie. Ah, nagugutom na talaga ako. Masarap kaya ang mga pagkain dito? I haven't eaten anything good since I arrived here.
"Hoy, babae! Naririnig mo pa ba iyang mga pinagsasabi mo? Mas malakas pa rin kami kesa sa'yo. We're from Maydoom at kami ang pinakamalakas dito sa Silverwest Academy," sabi ng lalaki na may kayumanggi na buhok.
"Hindi mo kami kayang labanan." Nagpalabas ng kaniyang kapangyarihan ang lalaki na may itim na buhok at ngumisi siya sa'kin. Sige nga, tingnan natin kung gaano ka kalakas?
"Try me," hamon ko sa kanila at natigilan sila dahil sa sinabi ko. Let see kung hanggang saan ang kaya niyo.
"Tch, huwag kang magmayabang!" Sumugod ang unang lalaki sa'kin at bago pa siya makalapit sa akin ay mabilis ko siyang sinuntok sa panga gamit ang aking nagyeyelo na kamay. Yeah, ice fist.
"Ack!" Bumagsak ang unang lalaki at nagdurugo ang kaniyang mga labi.
Naghintay ako ng ilang minuto at nakita ko na hindi na tumayo ang lalaki. Tiningnan ko ang isa pang lalaki at natakot naman siya kaya kaagad niyang kinuha ang kaniyang kaibigan at inakay ito paalis. Sinasabi ko na nga ba. Ang taas ng kanilang tingin sa sarili pero ang hina naman.
I turned to my classmates but I stepped back when I saw their reaction. Jared had a hand on his mouth while Mary was still shocked that her mouth was wide open. The others had the same expression just like them and I scratched my head awkwardly. Nakakahiya naman ito. I think my hunger got the best of me.
"Uh, guys? Tara na sa loob ng Dining Hall? Gutom na gutom na talaga ako," sabi ko sa kanila na naging dahilan upang bumalik na sila sa kanilang mga sarili.
"Holy—" Tinakpan ni Sean ang kaniyang bibig.
"What just happened?" tanong ni Diana.
"Kinain ba ng isang halimaw ang buwan?" Napakurap si Van.
"Panaginip lang yata ito...yup! I am just dreaming!" ani Rain.
"Holy s**t…" Gulat akong tiningnan ni Uriel.
"Mukhang nagse-sleep walk lang ako." Sinampal ni Galia ang kaniyang sarili.
"Nababaliw na ba ako dahil sa gutom?" tanong ni Cally.
"Dang! What was that?!" Gulat na gulat pa rin si Carter.
"Guys? Kain na tayo, gutom na kasi ako," pag-uulit ko sa sinabi ko kanina at tumingin sila sa'kin.
"T-Tara na nga." Naunang pumasok sa loob si Jared at sumunod kaagad sa kaniya si Mary.
"Adobong manok! That was epic!" sabi ni Rain at pumalakpak siya nang maraming beses.
"Yeah, right! Matakutin pala ang dalawang iyon? Isang suntok lang ay bumagsak na ang isa tapos ang isa naman ay tumakbo." Nagtawanan sina Cally at Van.
Nagulat ako nang may isang kamay ang biglang humawak sa balikat ko. Si Jared pala.
"Thanks for punching that guy, Miyo. Hindi mo naman kailangan na gawin iyon," mahinang sabi ni Jared sa'kin.
"Nagugutom na kasi ako at ayaw ko talaga kapag ginugutom ko ang sarili ko," paliwanag ko saka tumawa.
"Jared, ang sama ng tingin nila sa'tin," bulong ni Mary na nasa gilid ni Jared.
Tumingin si Mary sa gawi ng mga estudyante na nakasuot pa ng mga uniporme at mga kulay berde na necktie. Sila yata ang mga kaklase ng dawalang lalaki na iyon. Ang sama ng tingin nila sa section namin at hindi ko maiwasan ang manliit sa aking puwesto. Their presence is way different than those Maydoom students that I punched moments ago.
"Akala kasi nila ay hindi tayo makakapasok sa loob ng Dining Hall," mahinang sabi ni Jared.
"Bakit ayaw nila tayong papasukin dito? Para naman sa lahat ng mga estudyante ang Dining Hall diba?" I asked Mary.
"Kasi Miyo, ang section natin ang may pinakamababang antas dito sa Silverwest Academy. Mga mahihina ang tingin nila sa atin at naniniwala sila na wala tayong karapatan na pumasok dito sa Dining Hall dahil mag salot tayo ng paaralan," paliwanag ni Mary.
"Pero kung tayo ang nasa pinakababa at mahina lamang tayo, bakit ang section natin ang pinapagawa ng mga misyon?" Hindi ko na napigilan ang magtanong tungkol sa mga misyon na sinasabi ni Hunter sa akin kaninang umaga.
Sinabi kasi ni Hunter sa akin kanina na ang section namin ang laging inaatasan na gumawa ng mga misyon sa labas ng campus at sa labas ng bayan.
"Nilagay tayo ng principal sa pinakamababang antas dahil diyan. Ang totoo naman kasi ay hindi naman talaga tayo mga mahihina. Pinapalabas lang na mahina tayo at nilagay tayo sa baba dahil ayaw ng principal ng maraming atensyon kapag lalabas tayo ng academy para gumawa ng mga misyon." Kumindat si Mary sa'kin at naintindihan ko na ang lahat.
Kaya pala. Pinapalabas lang na ang section namin ang pinakamahina at nilagay kami sa baba upang hindi kami mahihirapan kung sakaling may misyon man na ipapagawa sa amin. It's like we are undercover elite students of this academy. Naintindihan ko na ang lahat ngunit bakit naman ako kabilang sa section nina Jared at Mary? Hindi naman ako malakas kagaya nila.
"Bakit ako kabilang sa section niyo? Hindi naman ako malakas kagaya niyo. Mga apat na spells lang yata ang alam ko." Tiningnan ko si Mary.
Lumingon naman si Jared sa akin. "There's something in you that made the principal put you in our section, Miyo. She knows how strong you are after what you've done back at the forest," paliwanag ni Jared, dahilan upang magulat ako.
"G-Ganon ba? Ah," nahihiya kong sabi. Naalala ko na naman ang gulo na ginawa ko sa gubat. Nakakahiya talaga iyon.
"Ano ba ang masarap kainin dito?" tanong ko kay Rain saka umiwas ng tingin kina Jared at Mary. Nahihiya na kasi ako sa kanila.
"Masarap? Hmmm, ano.." Nahulog sa malalim na pag-iisip si Rain.
"Masarap lahat dito. I swear! Mabubusog ka talaga," singit ni Cally nang may malaking ngiti sa kaniyang mga labi.
"Talaga?" tanong ko kay Cally.
"Yeah! Kaya kung ako sa'yo, Miyo, ihanda mo na lang ang tiyan mo kasi alam kong marami ang kakainin mo ngayon." Kumindat si Cally sa'kin at naglakad siya patungo sa lamesa kung saan nakaupo ang mga kaklase ko.
The table my classmates were sitting at was located near the walls of the Dining Hall. I thought we could sit were we want to sit but I was wrong. There was a specific table where our section was obliged to sit. Our table was made of old oaken wood and the name 'Section Naryena' was carved on the middle of the table.
"Naryena?" Kumunot ang noo ko.
"Naryena is the real name of our section. Section N is just the shorter term for it," paliwanag ni Hunter sa'kin na nakaupo ngayon sa harapan ko at katabi niya si Sean.
"Cool…" Ngumiti ako. Nilibot ko ang aking paningin sa buong Dining Hall at nakita ko ang iba pang mga estudyante ng Silverwest Academy.
Everyone was sitting according to their sections. Some where still wearing their uniforms and some were already in their casual clothes. I saw that there is a class of elves, dwarves, fairies and other creatures that I know that only exists in the books that my parents let me read. Astig. Naagaw ang atensyon ko nang biglang may pumalakpak mula sa amin.
"Our food has arrived!" anunsyo ni Galia at natigilan ako.
Teka? Dumating na kaagad ang mga pagkain namin? Hindi pa nga ako nakapag-order tapos dumating na? Ang bilis naman yata?
"Bakit gulat na gulat ka riyan, Miyo?" tanong ni Uriel sa'kin.
Uriel was already devouring his meal and he had this odd sitting position where his foot was on the chair while the other was on the floor. He was actually sitting like a hunchback human right now and his long chin was almost colliding with his knee.
"H-Ha? Ano kasi…" Hindi ko na alam kung ano ang aking sasabihin dahil sa dami ng mga naisip ko.
"Okay, girl. Ganito kasi iyan, hindi mo na kailangan pang umorder kasi lahat ng nasa menu nila ay ibibigay na ng diretso rito sa table natin at libre ito lahat," paliwanag ni Cally at saka humagikgik. Libre? L-Lahat?!
"Don't worry Miyo. You'll get used to it." Napatingin ako sa babaeng may kulot at kulay berde na buhok. Classmate ko siya pero nakalimutan ko ang pangalan niya. What was her name again?
"I'm Kris Sagecrest and I'm a Night Elf. Nice too meet you." Kumindat si Kris sa'kin.
Naalala ko na. Siya ang babae na nagtanong sa akin kanina. Namula naman ako dahil sa hiya. Ang ganda niya kasi. Pero ano daw? Night Elf siya?
"You're a Night Elf? Bakit hindi ka kasali doon sa mga—" Umiling si Kris sa akin dahilan upang huminto ako. Tinuro niya ang mga elves na nasa unahan namin gamit ang hita ng manok na kinakain niya ngayon.
"They're pure blooded elves," Kris took a bite of her chicken, "habang ako ay isang half blood lamang. My father's a pure Night Elf while my mother's a pure human. You see, I'm the aftermath of a sacred romance."
"S-Sorry about that." Ikaw naman kasi, Miyo. Padalos-dalos ka lang kung magsalita. Narinig kong tumawa si Kris at nagulat ako nang hinagisan niya ako ng isang piraso ng manok. Mabuti na lang at nasalo ko ito gamit ang aking plato.
"Ayos lang, Miyo. It's no big deal. Kumain ka na lang diyan, baka maubusan ka pa ng mga baboy na'to." Tinuro ni Kris ang mga kaklase namin na parang mga baboy kung kumain, maliban na lamang kina Mary at Jared na seryosong nag-uusap.
Kumain na ako at nakisabay sa kanila. Susubo na sana ulit ako nang muntik kong mailabas ang aking kinakain dahil sa kalokohan na ginawa nina Uriel at Carter kina Cally at Galia. Tinapunan kasi nina Carter at Uriel ng mga buto ng manok sina Cally at Galia sa mukha kaya napailing ako bago tumawa. Hindi naman sila masama. May mga sayad man sila pero mabait naman. Nang natapos na kaming kumain ay sabay kaming umalis ng Dining Hall.
"Pffft—aminin mo na kasi, Cally. Ikaw ang naglabas ng mabahong hangin kanina sa Dining Hall." Tumawa si Clyde at binatukan naman siya ni Cally.
"Pwede ba, tumigil na nga kayo. Kanina pa kayo sa loob, nakakarindi na ang mga boses niyo."
Nabigla ako nang nagsalita ang lalaki na inaakbayan ni Hunter ngayon. Kanina ko pa siya napapansin na tahimik lang na kumakain sa tabi ni Jared doon sa Dining Hall. Matangkad siya at maputi. His hair was gray and the other half of his hair was tossed a bit to the right. He had this pair of cold sharp gray eyes that made me feel the chills. Ang seryoso niya kasi kaya natatakot ako na kausapin siya. Tingin ko siya yata ang pangalawang lalaki na matino kasunod ni Jared.
"Ayan galit na tuloy si Baby Daryl," asar ni Sean at nagtawanan sila habang ang lalaki na tinatawag ni Sean na Daryl ay pinaikot lang ang kaniyang mga mata.
Maya-maya ay nakarating na kami sa dorm. Dumiretso ako sa aking suite at pumasok na sa aking kwarto. Nagbihis na ako ng pantulog at ginawa na ang mga dapat kong gawin bago matulog. Pagkatapos ay humiga na ako sa aking kama hanggang sa nakatulog na ako.