Chapter 4 : Section N

4982 Words
THIRD PERSON'S POV "Rain, saan ba tayo pupunta?" Lumingon ang dalagang si Rain kay Miyo na ngayon ay nakasunod sa kaniya na tila isang natatakot na tuta. Ngumiti si Rain kay Miyo at ibinalik niya ang kaniyang tingin sa harap. "Basta. Bilisan mo na lang diyan," nakangiting sabi ni Rain kay Miyo. "Teka Rain, dahan-dahan lang. Matatanggal na ang sapatos ko. Alam mo naman na hindi kasya sa'kin itong sapatos na pinahiram mo," reklamo ni Miyo ngunit hindi siya pinakinggan ni Rain dahil abala siya sa pagtakbo. Lumiko silang dalawa at pagkatapos ay umakyat sila ng hagdan patungo sa ikalawang palapag ng gusali. Binilisan ni Miyo ang kaniyang pagtakbo upang makaabot siya kay Rain na nasa kaniyang unahan. Nakalabas na ng infirmary si Miyo at ngayon ay papasok na siya sa paaralan na pinapasukan ni Rain—ang Silverwest Academy. Pinayagan si Miyo pumasok sa paaralan ni Rain dahil utos ito ng punong guro ng paaralan. Matapos nilang malaman na may kakaibang mahika si Miyo ay pinayagan nila ang dalaga na pumasok sa Silverwest Academy. Pakiramdam ni Miyo ay mababaliw na siya dahil sa laki ng paaralan. Ang mga daan ay patungo sa iba't-ibang direksyon at ganoon rin ang mga nagtataasang hagdan ng mga gusali. Maya-maya ay huminto si Rain sa harapan ng isang pares ng malaking pinto kaya huminto rin si Miyo at nilibot niya ang kaniyang tingin sa buong lugar. Binuksan ni Rain ang mga pinto at bumungad kay Miyo ang isang senaryo na hindi niya inaasahan na makikita niya. "Bumalik ka rito, aswang!" "H-Hoy, teka! Hindi ko naman sinasadya eh!" "Makinig nga kasi kayo sa'kin!" "Pre! Ang laki ng boobs niya oh!" "Ang sarap talaga niya! So hot!" "Bilisan mo! Matatalo na tayo!" "Teka! Kulang ang mga pawns ko!" "Hoy! May sasabihin ako! Makinig kayo sabi!" "Narinig niyo ba ang balita tungkol sa halimaw na nakatakas?" "Let's go! One day! One day!" "F minor naman! One day, hey!" Napakurap nang paulit-ulit si Miyo bago umatras nang kaunti mula sa kaniyang puwesto. Nagkagulo ang lahat ng mga estudyante sa loob ng silid at tila dinaanan ng isang malakas na bagyo ang buong paligid. May naghahabulan, nagsisigawan, nagkantahan, naglalaro at may tumitingin pa sa mga libro na may mga babaeng kulang na lang ay maghuhubad na. Hinawakan ni Miyo ang kaniyang ulo nang naramdaman niyang sumakit ito dahil sa kaguluhan na nasa kaniyang harapan. "Nananaginip na naman ba ako? Jared and Rain are so well mannered but their classmates are way different from them," sabi ni Miyo sa kaniyang sarili at paulit-ulit siyang kumurap. Nakaramdam ng mga presensya si Miyo mula sa kaniyang likuran kaya lumingon siya at nakita niya sina Carter, Jared at Hunter. Bitbit ng tatlong binata ang kanilang mga bag at halatang nagmamadaling silang umalis dahil hinahabol pa nila ang kanilang mga hininga at magulong-magulo pa ang kanilang mga buhok. Pinunasan ni Jared ang kaniyang pawis bago nagsalita. "I know that our classmates look like crackpots but I swear we're not one of them," sabi ni Jared habang hinahabol pa rin ang kaniyang hininga. "It just happened that you saw them in their usual behavior." Hunter laughed nervously at napakamot siya sa kaniyang batok. "Guys!" sigaw ni Rain kasabay ang paglabas ng kaniyang mga ugat sa leeg. Tumingin ang lahat ng mga estudyante sa gawi ni Rain at napako ang kanilang mga tingin kay Miyo. May nagulat, may naibagsak ang dala nilang libro, may nahulog sa upuan, may naibuga ang nainom nilang tubig sa katabi, may nagtataka na halos ang mukha ay hindi na maipaliwanag at mayroong walang pakialam at nagpatuloy lang sa kanilang mga ginagawa. Bumuntong hinga na lang si Miyo dahil sa inaasta ng mga kaklase nina Rain at Jared. "Sino ba ang unggoy na iyan? Tila tinamaan ng isang malaking niyog sa mukha si Miyo dahil sa tanong ng isang lalaki na nakaupo sa gitna ng silid. "Unggoy? Mas mukha pa siyang unggoy kesa sa'kin eh!" sigaw ni Miyo sa kaniyang isipan. "May galit ba siya sa atin? Bakit galit na galit ang mga mata niya?" tanong naman ng isang babae na katabi ng lalaking nagsalita kanina. "Konti na lang talaga ang pasensya ko," sabi ni Miyo sa kaniyang sarili. "Hala! Baka siya ang nakatakas na halimaw na nasa dyaryo na binabasa natin kanina!" bulalas ng lalaki na nakaupo sa likod. "Baka nga! Tingnan niyo oh! Nakakatakot siya!" dagdag ng lalaki na katabi ng lalaki na nasa likod. Tatawa na sana si Carter nang bigla siyang nilingon ni Miyo. Tumahimik si Carter nang nakita niya ang matalim na tingin ng dalaga. Wala ng nagawa si Jared kung hindi ang pumasok na sa loob ng silid. Tumikhim si Jared at ipinakilala niya si Miyo sa kaniyang mga kaklase. "Everyone, this is Miyo Fukuyama at siya ang bagong kaklase natin. You better treat her right if you don't want to be frozen to death," seryosong sabi ni Jared. Pumasok si Miyo at tumabi siya kay Jared. Nakita ni Miyo ang takot sa mga mata ng kaniyang mga bagong kaklase kaya nakaramdam siya ng konting lungkot. "Saan siya galing, President?" tanong ng isang babae na may mahaba at kulot na buhok na kulay berde. "I can't answer that, Kris," magalang na sagot ni Jared kay Kris. "Oh." Kris pouted on her seat. "Miyo, you can take your seat next to Hunter." Tinuro ni Jared si Hunter na nakaupo na ngayon sa pangalawang hanay ng mga upuan mula sa likod kaya agad pinuntahan ni Miyo ang kaniyang upuan at umupo na. "Ayos lang ba ang pwesto?" tanong ni Hunter sa dalaga. Si Hunter ay mayroong kayumanggi na balat at ganoon rin ang kulay ng kaniyang mga mata. Maatas at makapal ang buhok ni Hunter at kulay kayumanggi rin ito. Kasing kulay ng kaniyang mga mata ang buhok ng binata. Tumango si Miyo bilang sagot kay Hunter at ibinalik niya ang kaniyang atensyon sa harap. "What's our first subject?" tanong ni Miyo ngunit tinawanan lang siya ni Hunter. Nagtaka naman si Miyo kaya tinanong niya si Hunter kung ano ang nakakatawa sa tanong niya. "We don't have any subjects or classes here in our room, Miyo. The only thing we do is go on missions," sabi ni Hunter at nakita niyang naguguluhan si Miyo kaya ipinaliwanag niya ang kaniyang mga sinabi ng maayos. "Ang ibig kong sabihin ay walang guro na papasok dito sa classroom natin. Maghihintay lang tayo kung kailan magbibigay ng misyon sa atin ang ating principal," paliwanag ni Hunter at ngumiti siya kay Miyo. "Ah, naiintindihan ko na. Kaya pala chill na chill lang kayo," sabi ni Miyo at natawa naman si Hunter. Napansin ni Miyo ang bakanteng upuan na nasa kaniyang harapan kaya tinanong niya si Hunter kung sino ang may-ari ng upuan na iyon. "Si Hiro Osaki ang may-ari ng upuan na iyan. Wala na siya rito kasi lumipat na siya sa ibang paaralan," paliwanag ni Hunter nang hindi tumitingin kay Miyo. "Bakit?" tanong ni Miyo sa binata. "A-Ah...ano, nagkasakit kasi ang lola niya kaya umuwi siya sa kanila upang alagaan ang lola niya at dahil malayo ang bahay nila rito sa Silverwest Academy, lumipat na lang siya ng ibang paaralan na malapit sa kanila." Hinimas ni Hunter ang kaniyang braso habang nagsasalita. Tumango na lang si Miyo bilang sagot sa binata. MIYO'S POV Pinagmasdan ko silang lahat. Naninibago talaga ako ngayon. Dahil isa akong tao na may kakayahang gumamit ng mahika ay nakatira ako kasama ang mga normal na tao. Sa bahay lang ako nag-aaral noon at hindi ko pa naranasan ang magkaroon ng mga kaklase. Ngayon na naranasan ko na, masasabi ko na ang ganda pala magkaroon ng kasama. Abala si Hunter sa pakikipag-usap kay Carter at ganoon rin si Rain sa kaniyang katabi na hindi ko pa nakilala. Lahat sila ay may ginagawa at ako lang yata ang wala. Nakasandal lang ako ngayon sa aking upuan habang nakikinig ng mga kanta mula sa aking cellphone. Sa Dewshed, kung saan ako lumaki, normal na para sa isang tao ang magkaroon ng isang cellphone o gadget. Doon ay may mga sasakyan, telebisyon at iba pang mga kagamitan na may kinalaman sa teknolohiya. Yeah, they don't have magic but they have advanced technology. Kanina nang lumabas ako ng infirmary kasama si Rain, nagulat talaga ako matapos kong makita ko ang kabuuan ng paaralan. Pakiramdam ko ay bumalik ako sa nakaraan dahil ang paaralan na pinapasukan ko ngayon ay isang napakalaking kastilyo na may makalumang disenyo. I feel like I am someone who belongs to the medieval or the renaissance times. Inilabas ko ang aking cellphone para sana pumili ng kanta nang mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko silang tumingin sa akin. Tumaas naman ang isang kilay ko dahil dito. Hinarap ko sila at saka tinanong. "Bakit?" tanong ko sa kanilang lahat. Tumayo silang lahat maliban kay Jared na may ginagawa ngayon sa kaniyang upuan. Nakita ko na may binabasa si Jared kaya hindi ko na lang siya pinansin. Lahat sila ay pumunta sa gitna at pabilog silang nag-usap. Para silang nasa isang importanteng pagtitipon dahil sa ayos nila. Ano na naman kaya ang pinag-uusapan nila? Dahil tinuruan ako ng aking mga magulang kung paano sadaling basahin ang isip ng isang tao, sinubukan ko ito sa kanila. Isa-isa kong sinubukan na basahin ang kanilang mga isip ngunit masyado itong magulo. Hanggang sa nabasa ko ang isipan ng aking isang kaklase at hindi ko maiwasan ang tumawa ng mahina. Alam ko na mali ito pero hindi ko na kasi mapigilan ang sarili ko. Kating-kati na talaga ako na malaman kung ano ang pinag-uusapan nila. Isa pa, hindi ko naman mababasa ng buo kung ano ang nasa isip nila dahil ang kaya lamang na basahin ng utak ko ay maliit na impormasyon lamang. "Hala, tumawa siya bigla. Siya na nga talaga ang halimaw na ibinalitang nakatakas at nagwala," rinig kong sabi ng isang babae na may paalon-alon na buhok na kulay kape. "Cally, ano ba! Maririnig ka niya! Sabi ni Carter nakakatakot daw siya kapag nagalit!" sabi naman ng katabi ng babaeng nagngangalang Cally. "Teka, ako lang ba ang maririnig niya? Ikaw rin naman ah! Nagsasalita ka rin, bakulaw!" inis na sabi ni Cally at hinampas niya ang babaeng katabi niya. "Guys pwede bang pag-usapan na natin ang dapat nating pag-usapan?" walang gana na tanong ng babaeng nasa harapan ni Cally. Kagaya ni Kris ay kulot rin buhok ng babae ngunit hindi kulay itim ang kaniyang buhok kundi kulay rosas. Kasing kulay ng kaniyang kulot na buhok ang mga rosas na nakita ko kanina sa labas. "Tama si Naeri, guys. Sinabi niyo sa mind link na may pag-uusapan tayong importante kaya pag-usapan na natin ang dapat na pag-usapan," sabi naman ng isang lalaki na hindi ko pa kilala. Okay, I am totally eavesdropping their conversation and I need to stop this but wait, did they just say mind link? Ano ba ang mind link? Ngayon ko lang narinig ang salitang iyon. Kahit mataas ang volume ng cellphone ko ay naririnig ko pa rin sila. Tinanggal ko ang earphones ko at nilagay ito sa lamesa. Umupo ako ng maayos at pagkatapos ay tinanong silang lahat. "May sasabihin ba kayo sa'kin?" Nakita ko kung paano sila nagulat dahil sa biglang tanong ko kaya sinubukan ko na huwag tumawa. Sina Hunter at Rain ay kalmado lang na nakaupo sa kanilang mga upuan at ganoon rin sina Carter at Sean. Mukhang inaasahan na nila na mangyayari ito. "s**t, nakakatakot!" "Bakit biglang lumamig ang buong classroom?" "Takte! Payakap nga, pare! Giniginaw na ako!" "Pre, ang bading mo! Huwag mo kong yakapin!" "Hoy chansing ka!" "Ah! Ako rin payakap!" "Hoy bitawan niyo ko!" "s**t, ang boobs ko! Huwag mong hawakan!" "Pre lalaki ka, wala kang boobs." Mukhang napansin ni Jared na kagagawan ko ang biglang paglamig ng buong silid kasi lumingon siya sa'kin. Tinanggal ko ang aking mahika na nakabalot sa buong silid at patay malisya akong umiwas ng tingin sa kanila nang muli na naman silang nagkagulo. "Oh? Nawala?" "Sayang! Titikman ko na sana ang matigas kong uhog kung lasang uhog ice cream ba." "Pre, ako rin sana!" "Yuck! Kadiri kayo!" "Ugh! Seriously, nakakasuka kayo!" Pasekreto akong ngumiwi dahil sa mga sinasabi nila. Pinagtripan ko lang naman sila nang sandali dahil gusto kong makita ang mga reaksyon nila. Tumingin ulit silang lahat sa'kin. Tumayo si Cally at matalim niya akong tiningnan. "Ikaw!" Tinuro ako ni Cally at napakurap ako ng tatlong beses. "Ikaw ang may kagagawan ng nangyari kanina no?" dagdag ni Cally habang tinuturo pa rin ako. "Ako nga," kalmadong sabi ko sa kanila. Kaya ko ginawa iyon ay dahil tingin ko kailangan nila ng pampalamig kasi ang tindi kasi ng pag-uusap nila. "A-Ako nga pala si Cally Qin." Napakamot si Cally sa kaniyang batok at bumuntong hinga ako. Mukhang tinakot ko siya. Aish, kailangan ko na talagang pigilan ang sarili ko. Tinatakot ko na sila eh. Mawawalan na yata ako ng pag-asa na magkakaroon ng kaibigan. "Oo nga pala, magpapakilala tayo kay Miyo. Iyon ang dahilan kung bakit nag-mind link kami kanina!" sabi ng matangkad na babae na katabi ni Rain. Napansin ko na siya lamang ang nag-iisang babae na matangkad dito sa loob. She's the tallest of all the girls...and well, maybe tallest of the boys too? "Mind link?" naguguluhan kong tanong sa kanila. Kanina ko pa naririnig ang salitang 'mind link' ngunit wala pa rin akong alam kung ano ito. "Mind link ang tawag sa pag-uusap naming lahat gamit ang isip at mahika," paliwanag ni Cally at ngumiti siya sa akin. Ah, naiintindihan ko na. "Aha, parang GC lang." Pinitik ko ang aking nga daliri at ngayon, sila naman ang naguguluhan. Si Jared na tahimik lang na nagbabasa sa kaniyang upuan ay tumingin dito sa gawi ko dahil sa aking sinabi. "Ano?!" sabay nilang tanong nang nakakunot ang noo. "GC. Hindi niyo alam iyon?" Hindi ba nila alam ang GC as in Group Chat? "Ano'ng GC? Nakakain ba iyon?" "GC? Baka Gold and Copper." "Tingin ko libro itong GC na'to." "GC? Parang pangalan ng lugar eh." "Bobo! GC! Ibig sabihin Golden Cow! Pagkain nga kasi iyon!" Pumagitna ang isang lalaki na may buhok na kasing kulay ng bronse. Nakatagilid ang ayos ng kalahating bahagi ng ang kaniyang buhok. Mayroon rin siyang kayumanggi na balat at kasing tangkad lang niya si Hunter. "Eh mas bobo ka pala eh. GC ibig sabihin—" "Ano? Hindi mo naman pala alam eh. Mas bobo ka pala, Clyde!" sabi ng lalaki na katabi ng kaklase ko na nagngangalang Clyde. "Patapusin niyo muna kasi ako, walang hiya! Alam ko na ang sagot kaya ito na makinig kayo," giit ni Clyde. "Ano?" "Sige nga sabihin mo na!" Ngumisi si Clyde. "Galing Co! O diba tama ako? GC ibig sabihin Galing Co!" Nahulog sa nakakabinging katahimikan ang buong silid dahil sa sinabi ni Clyde. Ngumiwi ulit ako nang nakita ko kung paano napakamot si Clyde sa kaniyang batok. I swear I can hear the crickets outside the room, laughing at Clyde. Awkward… "Pakyu, Clyde. Ang bobo mo," sabi ng katabi ni Clyde. Bumuntong hinga ako at pinaliwanag ko na sa kanilang lahat. "GC means Group Chat, kung saan lahat ng mga kaibigan mo ay pwede mong kausapin sa loob ng isang chatroom," paliwanag ko sa kanila. I've experienced this with some people before but it was before, now is different. "Group Chat pala ang tawag kapag nag-uusap tayong lahat," sabi ng isang maliit na babae at sila na naman ang nag-uusap ngayon. Great, kinalimutan na nila ako. "So Group Chat na pala itong ginagawa namin?" tanong ng isang lalaki na hindi ko kilala at tumingin na naman silang lahat sa'kin. "W-Well, you guys are talking in one group so yeah, that's a Group Chat. But I think telepathy or your mind link term would be the best name for that," binulong ko na lang ang huling parte ng aking sinabi dahil nag-uusap na naman sila sa loob ng bilog na kanilang ginawa. "Ang astig naman!" Natawa ako ng mahina dahil sa sinabi ng isa kong kaklase. Ganito pala ang pakiramdam kapag nasa isang classroom ka. Ang ganda sa pakiramdam dahil ang dami kong kasama tapos unti-unti ay kinakausap nila ako ng normal at hindi kagaya sa mga tao roon sa Dewshed na takot akong kausapin. Dito ay unti-unti na nila akong tinatanggap at masayang-masaya ako ngayon. "Miyo? Pwede bang magtanong?" tawag sa'kin ng isang babae na medyo may kaliitan. She's chubby, cute and she had a warm smile on her face. "Pwede naman—" "Nagtanong ka na tapos magtatanong ka pa kung pwede bang magtanong? Ang tanong bago ang iyong tanong, alam na ba niya pangalan mo?" putol ni Carter sa sinabi ko at tumaas ang kaniyang isang kilay. Natawa ako dahil sa sinabi ni Carter. Ang dami namang tanong sa sinabi niya. Nagtawanan din ang iba dahil sa sinabi ni Carter kaya hinampas ng babaeng nagtatanong sa'kin si Carter. "I'm Mary Amanda, pasensya ka na ha," nahihiyang sabi ng babae sa'kin. "A-Ayos lang. Ano nga pala ang tanong mo?" I smiled. "Saan ka ba galing?" Mary asked me and my smile disappeared. Tumingin ako kay Jared at naabutan ko siyang nakatingin din sa akin. Tumango si Jared at alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin. Jared's giving me the permission to tell my classmates about my story. Huminga ako ng malalim bago nagsalita "Actually—" "Teka, teka! Ang pangit naman yata kung ang layo natin sa nagsasalita diba? Para tayong nag-uusap sa pagitan ng pitong bundok," sabi ng isa pang babae na hindi ko kilala. "Ako si Diana Meritts. Nice to meet you, Miyo," sabi ni Diana at ngumiti siya sa'kin. "Nice to meet you too, Diana." I smiled at her. Lumapit naman silang lahat sa'kin. Nag-uunahan pa nga sila kung sino ang unang makakaupo sa upuan na malapit sa puwesto ko kaya napangiti ako dahil sa kalokohan nila. It seems that they're interested about my life and it's a first. Sa totoo lang, nai-excite na ako ngayon kasi akala ko ay ayaw nila sa'kin ngunit ito sila ngayon, gusto pa akong makilala nang husto. Nakita ko na walang pumili sa upuan na nasa harapan ko kaya tinanong ko sila kung wala bang uupo rito. "May upuan pa rito." I pointed the chair that was in front of me. "S-Salamat Miyo, pero ayos na kami sa mga inuupuan namin ngayon," sagot ni Clyde sa akin. Iniiwasan ba nila ang upuan na ito dahil baka magalit sa kanila si—sino nga ulit iyon? Hay. Bahala na nga sila. "Miyo, pwede ka ng magsimula." Nabigla ako nang nagsalita ang isang lalaki na may medyo kataasang baba. "Hoy, Long Chin! Kung makaasta ka para kang prinsipe ah!" sigaw ni Cally. "Ako naman talaga prinsipe rito ah! Prince charming!" Tapos nag-pogi pose ang lalaking tinawag ni Cally na Long Chin at saka nilagay niya ang kaniyang mga paa sa ibabaw ng lamesa. "Tch. Masaksak ka sana ng baba mong mahaba." Cally rolled her eyes and then she looked at me. "Magsisimula na ako." Umayos naman silang lahat ng upo. "Ang totoo niyan—" "Teka, May pagkain ba? Para naman magiging masarap ang storya," putol ni Long Chin kaya nakatanggap kaagad siya ng maraming nakamamatay na tingin mula sa mga kaklase namin. If looks could kill, siguro matagal na siyang namatay. "Pwede ba, Long Chin? Tumigil ka na nga. Ang dami mong request, nakakainis ka na," reklamo ni Kris. "Ihagis niyo nga sa labas ng bintana si Long Chin! Ang ingay niya!" ani Rain. "Ipakain niyo na iyan sa halimaw! Walang hiya!" wika ni Sean. "Nasaan na ba ang pandikit dito? Idikit niyo nga ang bunganga ng lalaking iyan. Pati ang baba niya idikit niyo na rin," reklamo ni Mary. "Tahiin niyo ang bibig at baba ni Long Chin! Pagsamahin niyo na para tumahimik na talaga!" sabi ni Cally. Nawala ang lahat ng aking saya dahil sa inasta ng mga kaklase ko. Tutuloy pa ba ako sa pagkukuwento o hindi? Parang wala na silang plano na tumigil eh. Patuloy pa rin nilang pinapagalitan si Long Chin at nagulat ako nang biglang yumanig ang buong silid. Kumurap ang mga ilaw, ang mga puno sa labas ng silid ay nagwawala at ganoon din ang mga halaman. Ang mga kaklase ko naman ay nagsisimula ng magreklamo at sumigaw dahil sa takot. "Wah! May lindol! Earthquake! Earthquake!" "s**t, pare! Magnitude number one hundred na yata ito! Putangina!" "Nahihilo na ako—burgh!" "Hoy! Huwag mo akong sukahan, leche!" "Titigil ba kayo o hindi?!" sabi ng isang nakakatakot na boses kaya napatingin ako sa kaniya at nakita ko na kung sino ang nagmamay-ari ng mahika na nakikita ko ngayon. It was Hunter. Hunter's eyes were all white and his aura and magic was all over the room. The ground below him cracked and his fists were clenched. Galit na si Hunter at pakiramdam ko ay papatayin na niya ang kaniyang mga kaklase kapag hindi sila tumahimik. Ano ba ang mahika ni Hunter? Bakit ang lakas? Tumatayo na ang mga balahibo ko dahil sa lakas ng awra ni Hunter. "T-Titigil na kami! Titigil na kami!" sigaw ni Carter. "Master! Stop na po!" sabi ni Sean. "Promise, titigil na po talaga kami!" iyak ni Clyde. "Hunter, maawa ka! Ayoko pang mamatay! Gusto ko pang makita ang mga anak ko!" pagmamakaawa ni Long Chin. Pagkatapos no'n ay bumalik na ang lahat sa dati at tumahimik ang buong silid. Si Hunter naman ngayon ay nakangiti na at masaya siyang nakaupo sa kaniyang upuan habang kausap ang isang lalaki na hindi ko pa kilala. Paulit-ulit akong napakurap dahil sa gulat. Ano ba ang meron sa klase na ito? Why is everyone so…I don't know, I can't even explain it. It's like they all have a hidden and dangerous side. "Tell us now, Miyo." Ngumiti si Hunter sa'kin na tila isa siyang bata na nakatanggap ng isang regalo sa kaniyang kaarawan. I swear, Hunter is starting to creep me out. "Well uh…I came from another dimension where the people that live there doesn't have any magic, in short they're all normal people. Ngunit kahit wala silang mahika ay may teknolohiya naman sila. Nalaman ng mga tao roon na may mahika ako and they began to call me a demon kaya umalis ako. I was running away from home when I got sucked by an old tree and then I'm here." I made the long story short. Siguro ay maiintindihan na naman nila iyon. "Ano?!" they all exclaimed in unison, except for those that I met back at the infirmary. Jared stood up from his seat. "That information is enough. Bumalik na kayo sa mga upuan niyo." Inayos ni Jared ang necktie ng kaniyang uniporme at tiningnan niya kaming lahat. Lumunok ako nang naramdaman ko ang isang nakakatakot na awra mula kay Jared at alam ko na nararamdaman din ito ngayon ng aking mga kaklase. Hindi na sila nagpaligoy-ligoy pa at bumalik na sila sa kanilang mga upuan. Ang dating mga upuan na tila dinaanan ng isang bagyo ay maayos na ngayon na nakahanay. Tiningnan ko ulit si Jared at nakita ko na bumalik na siya sa kaniyang ginagawa. Para sa isang class president, ang galing ni Jared dahil nagawa niyang kontrolin at disiplinahin ang buong klase. "Do you disobey him sometimes?" tanong ko kay Hunter na tumitingin ngayon sa isang dyaryo. "Ha?" Hunter asked, his attention is still on the newspaper. "Si Jared. Minsan ba ay—" pinutol ni Hunter ang sinabi ko. "Disobeying the class president means wishing for a gruesome death. We did it in the past and we all ended up getting punished like hell." Hunter closed the newspaper that he was reading and he looked at me with his serious eyes. I gulped. "Ano naman ang mga naging parusa niyo?" "Pasensiya na pero ayokong pag-usapan ang parusa na nakuha ko mula kay Jared. Hanggang ngayon kasi ay nandito pa rin ang takot na nadarama ko noong araw na iyon." Hunter acted like he was about to cry so I nodded my head, understanding his situation. From scary to serious to being a drama king. Does Hunter have mood swings? Well, from what Hunter just said, Jared is most likely to be a beast when he's mad. Remind myself not to make the class president go mad. "Ano nga pala iyang hawak mo?" biglang tanong ni Hunter sa'kin at tinuro niya ang cellphone na hawak ko. "A cellphone." Pinakita ko ito sa kaniya at nagulat ako nang muntik ng mahulog si Hunter mula sa kaniyang upuan dahil sa gulat. Ayos lang ba siya? May takot sa mga mata ni Hunter at hindi niya pa rin inaalis ang kaniyang tingin mula sa cellphone ko. Kung makatingin naman si Hunter sa hawak ko ay parang lalabas na mamaya mula rito si Sadako. "Ayos ka lang?" Inilayo ko kay Hunter ang aking cellphone. "May kapangyarihan ba iyan?!" takot niyang tanong at napatingin si Rain dito sa'min nang may pagtataka. "Wala naman. Hindi naman ito pumapatay ng tao kaya wala kang dapat na ikatakot," sabi ko at inilapit ko ulit ang cellphone ko kay Hunter ngunit sa pangalawang pagkakataon ay lumayo ulit siya. "May kapangyarihan iyan eh. Ayan o, umiilaw siya," natatarantang sabi ni Hunter. Tiningnan ko naman ang sinasabi ni Hunter na ilaw at muntik ko ng masampal ang noo ko. Kaya pala sinabi niya na may kapangyarihan ang cellphone ko dahil pala sa nakabukas na flashlight. "Flashlight lang ito, hindi ito pumapatay ng tao. Ito oh." Nilagay ko sa kamay ni Hunter ang cellphone ko at muntik na niya itong mabitawan, mabuti na lang at nasalo niya ito gamit ang kaniyang isang kamay. "Ang ganda naman nito. Sigurado ka na hindi ito pumapatay ng tao ha?" paniguradong tanong ni Hunter. "No harm, promise," sabi ko. Kung pumapatay ng tao ang cellphone, matagal na sana akong namatay. Maingat na sinuri ni Hunter ang aking cellphone. Mula sa harapan hanggang sa likod at mula sa ibabaw hanggang sa ilalim. Dahil sa ginagawa ni Hunter ay naalala ko na iba nga pala ang Dewshed sa lugar na ito. May teknolohiya ang Dewshed habang ang lugar na ito ay mayroong mahika. Bago pa sa kanilang mga mata ang mga bagay na kagaya ng cellphone ko. Lumingon si Hunter sa'kin. "Ano 'to?" "Volume bottons," sagot ko sa kaniya. "Ito?" Tinuro ni Hunter ang butas na nasa ilalim ng cellphone. "Kung saan isasaksak ang charger," sagot ko. "Ito?" Gusto ko ng mainis dahil sa mga tanong ni Hunter ngunit pinigilan ko kaagad ang sarili ko dahil kailangan kong intindihin si Hunter at isa pa, kailangan ko ring pigilan ang sarili ko dahil baka magwala ang mahika ko. "Iyan ang earphone jack at diyan ilalagay ang mga earphones." Kumunot ang noo ni Hunter dahil sa sinabi ko. "Earphones? Ano na naman iyon?" tanong niya. "Ito oh." Pinakita ko sa kaniya ang mga earphones ko. "Dito isasaksak ang pin." Sinaksak ko ang pin sa earphone jack ng cellphone ko. "Tapos ito," pinakita ko sakanya ang mga earphones, "ilalagay mo ito sa mga tenga mo." Isa-isa kong nilagay ang mga earphones sa tenga ni Hunter at bigla siyang humiyaw na siyang ikinabigla ko. "Gah! Nakakakiliti!" sabi ni Hunter. "Pahiram ng cellphone sandali," sabi ko at binigay ni Hunter sa'kin ang cellphone ko. Pumili ako ng magandang kanta at maya-maya ay nakakita na ako kaya pinatugtog ko ito. Nakita ko kung paano tumalon si Hunter sa kaniyang upuan at mabilis niyang tinanggal ang mga earphones. "May kapangyarihan nga!" sigaw ni Hunter at mabilis akong umiling. "Nagkakamali ka, Hunter. Walang kapangyarihan ang cellphone na ito. Nakikinig ka lang ng isang kanta mula sa cellphone ko. Siguro nagulat ka lang kasi mataas ang volume ng cellphone," sabi ko sa kaniya at binaba ko ng kaunti ang volume. Nilagay ulit ni Hunter sa kaniyang tenga ang mga earphones at maya-maya ay nakita kong tumatango na siya. Hanggang sa unti-unti na siyang sumasayaw habang nakapikit ang mga mata. "Feeling good?" tanong ko kay Hunter at mukhang hindi na niya ako naririnig kasi patuloy pa rin siya sa pagsayaw. "Sinaniban ng masamang ispiritu si Hunter!" Naalerto naman ang mga kaklase ko dahil sa sigaw ni Long Chin kaya natigilan ako. Nagpatuloy pa rin sa pagsasayaw si Hunter at wala siyang kamalay-malay na tiningnan na siya ngayon ng kaniyang mga kaklase. Mukhang nag-eenjoy na nga si Hunter sa pakikinig ng mga kanta "Bakit gumaganyan si Hunter?" naguguluhan na tanong ni Naeri. "Hindi ko alam pero sigurado ako na may ginawa si Fukuyama sa kaniya," sabi ni Long Chin at matalim niya akong tiningnan. Uh-oh... "Ano'ng ginawa mo kay Hunter?" tanong ni Cally at nakahanda na ang kaniyang mga kamay sa ere. She's planning to attack me any moment from now. I'm so dead. "Wala akong ginawa sa kaniya," pag-aamin ko at itinaas ang aking mga kamay sa ere. Pakiramdam ko ay isa akong kriminal ngayon. Wala naman akong ginagawang mali ah. "Anong wala? Bakit gumaganyan ang isang iyan?" Tinuro ni Long Chin si Hunter na kumikembot na ngayon tapos umiiling pa kaya bumuntong hinga ako. "Nakikinig lang si Hunter ng kanta, okay? Ayos lang siya. Sumasayaw lang siya at hindi siya sinaniban ng masamang ispiritu," paliwanag ko. Tinanggal ko ang isang earphone mula sa tenga ni Hunter at tumigil siya sa pagsayaw. "Oh?" inosente tanong ni Hunter at tumingin sa kaniyang paligid. Namayani ang katahimikan at tanging ang tunog ng hangin at mga huni lamang ng mga ibon mula sa labas ng classroom ang maririnig sa buong silid. Hanggang sa nagsalita na si Long chin. "Ayos lang naman pala si Hunter eh. Tara, balik na tayo sa mga upuan natin." Nagkibit balikat si Long Chin at bumalik na silang lahat sa kanilang mga upuan na parang wala lang sa kanila ang nangyari kanina. Umawang ang bibig ko. After all that I had witness in this class, all that I can say is that this is a room full of eccentrics.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD