THIRD PERSON'S POV
Malaki, mabaho, nakakasindak, at nakakapigil hininga. Umatras si Miyo nang umatras hanggang sa tumama ang likod niya sa isang puno. Habol ang kaniyang mga hininga dahil sa kaba. Nanginginig ang kaniyang mga tuhod at mabilis ang t***k ng kaniyang puso dahil sa sobrang takot.
"Aish! Kakagising ko lang tapos ito na kaagad ang bubungad sa'kin? Nasaan ba ako? Argh! Ano ba naman iyan!" inis na sabi ni Miyo at tinadyakan niya ang ugat ng puno.
Isang nakakatakot na nilalang ang nasa harapan ngayon ni Miyo. Ngayon lang si Miyo nakakita ng ganitong nilalang at labis ang takot at kaba na kaniyang nararamdaman ngayon. Umungol nang malakas ang halimaw at nilapitan nito si Miyo.
Wala ng matatakbuhan si Miyo dahil pinapalibutan na siya ng mga halimaw kaya hinanda na lang niya ang kaniyang sarili. Niyakap ni Miyo nang mahigpit ang kaniyang dalang bag at huminga siya ng malalim.
"Huwag kang matakot, Miyo. Gamitin mo ang kapangyarihan mo at ang mga natutunan mo. Mabubuhay ka, makakatakas ka mula sa mga halimaw na ito. Kayang-kaya mo ito," sabi ng dalaga sa kaniyang sarili.
Yumanig ang gubat sa tuwing tatapak ang mga paa ng halimaw sa lupa. Marami na silang nakapalibot kay Miyo, dahilan upang mas lalong kabahan ang dalaga.
Naalala ulit ni Miyo ang puno na nagdala sa kaniya papunta sa lugar na tinatayuan niya ngayon. Kinagat ni Miyo ang kaniyang mga labi nang napagtanto niya na dinala siya ng puno sa isang lugar na hindi niya alam.
"Nasaan ba ako? Anong lugar ba ito? Bakit nasa gubat ako? Wala namang gubat ang Dewshed ah?" tanong ni Miyo sa habang tumitingin sa buong paligid. Wala siyang ibang nakikita kundi mga higanteng puno lamang. Sobrang laki ng mga puno na nakapalibot sa kaniya at halos kasing laki na nito ang isang palasyo.
"Panaginip lang ito…isa lang itong masamang panaginip…" Miyo chanted inside her mind. Muling pinagmasdan ni Miyo ang mga halimaw na nasa kaniyang harapan. Muling umungol nang malakas ang halimaw kaya napalunok si Miyo.
"s**t, hindi ito isang panaginip. Hindi ito panaginip, Miyo!" kinakabahan na sabi ni Miyo.
Gamit ang isang napakalaking batuta, hinampas ito ng isang halimaw patungo sa kinaroroonan ni Miyo at kaagad namang umiwas ang dalaga saka mabilis na tumakbo palayo.
"Gah! Muntik na! Kainis, nasaan ba kasi ako ngayon?!" inis na bulong ni Miyo.
Tumakbo si Miyo ngunit kahit anong takbo at ilag niya ay hindi pa rin siya tinitigilan ng mga halimaw na nakasunod sa kaniya.
"Tigilan niyo na nga ako, mga halimaw! Tulong! Tulungan niyo ako!" sigaw ni Miyo habang tumatakbo. Ngunit nawalan kaagad siya nang pag-asa na may tutulong pa sa kaniya dahil naalala niya na nasa gitna pala siya ng isang gubat na hindi niya alam kung saang lupalop ng mundo makikita. Inis na sumigaw si Miyo at tiningnan niya ang kaniyang mga kamay.
"Ayoko na sanang gamitin ang mahika ko ngunit nawalan na ako ng mga pagpipilian," inis na sabi ni Miyo. Tumigil siya sa pagtakbo at hinarap niya ang mga halimaw. Marami sila ngunit sa halip na makaramdam ng takot si Miyo, hindi niya alam kung bakit ngunit kagalakan ang kaniyang nararamdaman ngayon. Pinagmasdan ni Miyo ang mga halimaw at nakita niya na hindi lahat mula sa kanila a may dalang armas.
"Wala ng maghuhusga sa'kin ngayon," ani Miyo bago marahan na ngumiti, "ako lang ang nandito."
Maya-maya ay naramdaman ni Miyo ang malakas na enerhiya na dumadaloy sa kaniyang buong katawan. Mabilis itong kumalat sa kaniyang sistema na tila mga boltahe ng kuryente.
Naramdaman ni Miyo ang paglamig ng kaniyang mga ugat, ang pagbigat ng kaniyang hininga, at ang paglakas ng kaniyang mga diwa. Bumilis ang pagtibok ng puso ni Miyo. Seryoso niyang tiningnan ang mga halimaw at inisa-isa niya ang mga ito.
Sa isang iglap ay inilabas ni Miyo ang lahat ng kaniyang mga enerhiya na naipon saka sumigaw ng malakas. Umungol ang mga halimaw at inugoy ulit nila ang kanilang mga dalang batuta papunta kay Miyo ngunit bago pa ito makalapit sa dalaga ay inilabas na ni Miyo ang lahat ng kaniyang mahika hanggang sa maubos ito.
Mula sa lupa ay lumabas ang isang liwanag at unti-unti ito naging yelo. Mabilis na kumalat ang yelo patungo sa mga halimaw na tila mga ahas na gutom na gutom. Yumanig ang buong paligid at nagsimula ng lumamig ang buong kagubatan.
Huminto sa pagtakbo ang mga halimaw nang kumalat sa kanilang mga naglalakihang katawan ang mga yelo. Hanggang sa tuluyan ng nabalot ng yelo ang buong paligid at kasama na rito ang mga halimaw. May ilan na kinain ng mga matutulis na sanga ng yelo at may ilan na nasa pinakailalim na bahagi ng yelo, namatay na dahil sa sobrang lamig.
Naging mabilis ang mga pangyayari at naramdaman ni Miyo na unti-unti na siyang nawawalan ng lakas. Nagsimula ng umulan ng niyebe sa lugar dahil sa ginawa ni Miyo at ang hangin ay lumalamig na rin dulot ng mga yelo na nakabalot sa buong gubat.
Dahil maraming enerhiya ang kaniyang inilabas, hindi nagtagal ay bumagsak ang katawan ni Miyo sa lupa dahil sa sobrang panghihina at sa hindi inaasahang pangyayari ay tumama ang ulo ni Miyo sa isang bato, sanhi upang mawalan siya ng malay.
*****
Nagising si Miyo nang naramdaman niyang sumakit ang kaniyang ulo at ang unang bumungad sa kaniya sa pangalawang pagkakataon ay ang puting kisame ng isang kwarto. Kumunot ang noo ni Miyo dahil sa pagtataka.
"Nasaan na naman ba ako?" tanong niya sa kaniyang sarili.
Sinubukang gumalaw ni Miyo ngunit may mga malamig at matigas na bagay ang pumipigil sa kaniyang mga kamay upang hindi niya ito ma-igalaw. Sumimangot ang mukha ni Miyo nang hindi niya matanggal ang mga bagay na nakatali sa kaniyang mga kamay.
Umupo si Miyo sa kama na kaniyang hinihigaan at sinubukan niya ulit na tanggalin ang mga bagay na nakatali sa kaniyang mga kamay ngunit masyado itong matibay at wala siyang sapat na lakas upang tanggalin ito.
May naramdamang mabigat na bagay si Miyo sa kaniyang ulo kaya inilapit ni Miyo ang kaniyang ulo sa kaniyang isang kamay na nakadena at dinama niya kung ano ang bagay na iyon.
"May benda ang ulo ko? Bakit may benda ang ulo ko?" naguguluhan na bulong ni Miyo nang naramdaman niya na may benda ang kaniyang ulo.
Nilibot ni Miyo ang kaniyang paningin sa buong kwarto ngunit walang ibang tao sa loob ng silid kundi siya lang. Walang bintana ang silid at tanging isang puting pinto lamang.
Nahulog sa malalim na pag-iisip si Miyo. "Kinulong kaya ako ng kung sino man ang nakakita sa'kin doon sa gubat?"
Gamit ang kaniyang natitirang lakas ay sinubukan ni Miyo na gawing yelo ang mga kadenang nakatali sa kaniyang mga kamay ngunit huminto si Miyo nang may napansin siya.
"Hindi gumagana ang mahika ko? Masyado bang marami ang enerhiya na nawala mula sa akin?" tanong ni Miyo sa kaniyang sarili.
Biglang bumukas ang pinto ng silid na naging dahilan upang magulat si Miyo. Pumasok ang isang dalaga na nakasuot ng uniporme. Kayumanggi ang balat ng dalaga at mayroon itong mataas at kulay asul na buhok. Kulay asul rin ang mga mata ng dalaga, kagaya ng tubig sa dagat at may maamo itong mukha.
Nakasunod naman sa dalaga ang isang matangkad na binata na may mataas at magulong buhok na kasing kulay ng apoy—pula na may halong kahel. Seryoso ang mukha ng binata at matalim na nakatingin kay Miyo ang kaniyang mga kulay kayumanggi na mata. Kagaya ng dalaga ay nakasuot rin ng uniporme ang binata ngunit gusot ito at nakabukas ang tatlong butones nito sa ibabaw. May suot rin itong hikaw sa kaniyang kaliwang tenga at nakalagay sa bulsa ng kaniyang mga pantalon ang kaniyang mga kamay.
Lalong kumunot ang noo ni Miyo dahil sa sobrang pagtataka. Sino kaya sila?
*****
"Carter Sunfury! Ano ba, tara na sa infirmary. Baka gising na siya," inis na sabi ng dalaga sa binatang kasama niya.
"Ikaw na lang kaya ang pumunta roon, Rain?" tinatamad na sabi ni Carter sa dalaga.
"Ayoko nga. Ikaw ang sinabihan ni Jared na tingnan ang pasyente, so dapat ikaw ang pumunta roon sa infirmary." Rain crossed her arms and looked at Carter with one eyebrow raised.
"Kainis na si Jared ah. Samahan mo na kasi ako. Ililibre kita mamaya," nakangiting sabi ni Carter kay Rain.
"Grrr...sige na nga! Basta jumbo size na burger at times two ha!" sabi ni Rain bago tumawa at tumango lang si Carter kay Rain.
"Oo na! Patay gutom," sabi ni Carter habang umiiling.
Naglakad na sina Rain at Carter papunta sa infirmary kung nasaan nagpapahinga ang estranghero na nakita nila sa gubat noong nakaraang araw. Nang narating na nina Carter at Rain ang infirmary ay binuksan kaagad ni Rain ang pinto ng silid. Naabutan nilang dalawa ang gising na estranghero at naguguluhan itong nakatingin ngayon sa kanilang dalawa. Nakaramdam ng kaba si Carter nang tiningnan niya ang mga mata ng estranghero.
"H-Hindi parehas ang kulay ng kaniyang mga mata?" tanong ni Carter sa kaniyang sarili habang nakatingin sa mga mata ng dalagang estranghero.
Malamig na tiningnan ng estranghero sina Rain at Carter. Inobserbahan niya ang bawat kilos ng dalawa. Palipat-lipat ang kaniyang tingin mula kay Carter at pagkatapos ay pupunta naman ito kay Rain. Naiihi na si Rain dahil sa sobrang kaba. Pakiramdam niya ay hindi tao ang kaniyang kaharap ngayon kundi isang nakakatakot na nilalang na mas nakakatakot pa sa kaniyang mga guro. Umatras ng kaunti si Rain at hinila niya ang manggas ng uniporme ni Carter.
"S-Siya ba ang babaeng sinasabi niyo na nawalan ng malay sa gubat noong isang araw?" mahinang tanong ni Rain at tumango si Carter.
Magulong-magulo ngayon ang buhok ng estranghero dahil sa kaniyang benda sa ulo at idadagdag pa ang kaniyang mga kakaibang tingin kina Rain at Carter na naging dahilan upang matakot ang dalawa. Sinubukan ng estranghero na tanggalin ang mga kadena na nasa kaniyang mga kamay nang biglang nagsalita ang binatang si Carter.
"H-Hindi mo matatanggal iyan kahit anong gamit mo pa sa kapangyarihan mo. Those handcuffs are neutralizers that stops you from using your magic," paliwanag ni Carter at kaagad siyang umiwas ng tingin nang tiningnan siya ng estranghero.
"Tch, mas nakakatakot pa siya kumpara kay Jared," sabi ni Carter sa kaniyang isip bago lumunok.
Natigilan naman ang estranghero dahil sa sinabi ni Carter. Tiningnan niya ulit ang dalawang tao na nasa kaniyang harapan at umatras ulit si Rain dahil sa gulat.
"Sana pala hindi na lang ako sumama," iyak ni Rain sa kaniyang isipan ngunit nawala ang takot ni Rain nang nakita niya ang mga mata ng dalaga.
Nakita ni Rain kung paano nag-iba ang mga mata ng estranghero. Mula sa matalim nitong tingin ay lumambot ito at tila nangungusap na tulungan siya. Lalapitan na sana ni Rain ang estranghero nang biglang siyang pinigilan ni Carter.
"Huwag kang magpadala sa kaniyang tingin, Rain. Hindi natin alam kung ano ang kaya niyang gawin," bulong ni Carter kay Rain habang nakatingin sa estranghero.
"Pero Carter, nanghihina na siya. Wala pa siyang kain simula noong nagising siya," giit ni Rain sa binata.
"Tsk. Huwag ka ng magmatigas, Rain. Hindi mo alam kung gaano siya ka-delikado," Carter hissed in annoyance.
"Bakit, Carter? Ikaw, alam mo ba?" hamon ni Rain at umiling si Carter saka umiwas ng tingin sa dalaga.
"Sus, tingnan mo. Hindi rin pala niya alam," sabi ni Rain at nagsimula na siyang maglakad palapit sa dalaga nang muling magsalita si Carter.
"Ikinumpara ni Jared ang babaeng iyan sa isang makapangyarihan at malakas na halimaw dahil sa kaniyang kakaibang mahika ngunit para sa akin ay mas makapangyarihan pa siya kesa sa halimaw na binabasehan ni Jared," seryosong sabi ni Carter at hindi nakapagsalita si Rain dahil dito. Pumasok sa isipan ni Carter ang nakita niya noon sa gubat kaya sinabi niya ito kay Rain.
"Kung hindi mo pa alam, ang babaeng iyan ang nag-iisang kumitil sa buhay ng maraming halimaw doon sa gubat gamit ang kaniyang mahika," dagdag ni Carter, dahilan upang lalong kabahan si Rain.
"Oh my god…" Umawang ang bibig ni Rain dahil sa pagkabigla. Nawalan na siya ng mga salita dahil sa sobrang gulat.
"Natatakot ba kayo sa'kin?"
Sabay na lumingon sina Carter at Rain sa dalagang estranghero na ngayon ay nakatingin sa kanila. Napalunok si Rain bago sinagot ang dalagang nakaupo sa kama.
"H-Hindi no! H-Hindi talaga! Nope!" sagot ni Rain na naging dahilan para umiling ng dalaga sa kaniya.
"You're scared, you're voice says it all," umiwas ng tingin ang dalagang estranghero, "Huwag kayong mag-alala. Sanay na ako sa mga taong takot sa akin," walang emosyon na sabi nito.
"B-Bakit ka ba kasi ganiyan? Para kang halimaw!" natatakot na sabi ni Rain. Mahinang tumawa ang dalaga, dahilan upang magkatinginan sina Rain at Carter.
"Halimaw naman talaga ako. Your friend even compared me to a monster," sagot nito sa sinabi ni Rain.
"T-Tatawagin ko lang si Jared."
Lumaki ang mga mata ni Rain at mabilis niyang pinigilan si Carter. "T-Teka! Carter! Huwag mo kong iwan—"
Ngunit hindi natapos ni Rain ang kaniyang sinabi dahil lumabas na si Carter at iniwan siyang mag-isa kasama ang estranghero.
"He left you," mahinang sabi ng dalaga sa gitna ng mga paghahampas ni Rain sa pinto.
"S-Shut up! Sa tingin mo ba ay hindi ko alam iyon? Nakita ko siyang umalis kaya hindi mo na kailangan na sabihin pa sa'kin, okay?!" iyak ni Rain at sumiksik siya sa isang sulok ng kwarto.
"Sorry," mahinang sabi ng dalaga at tiningnan niya si Rain.
"Don't look at me like that! Nakakatakot ka!" iyak ni Rain at niyakap niya ang kaniyang sarili.
"I'm sorry kung tinakot kita," malungkot na ngumiti ang dalaga, "dapat na masanay na ako sa ganito dahil ang lahat naman ay takot sa'kin kahit hindi ko naman sila sinasaktan o ina-ano. Ganito na siguro talaga ang magiging takbo ng buhay ko."
Natigilan si Rain dahil sa sinabi ng dalaga at nakita niya kung paano bumagsak ang ilang butil ng luha mula sa kaniyang mga mata. Kinagat ni Rain ang kaniyang labi dahil nakokonsensya na siya sa kaniyang ginawa.
"Ano...sorry kung—" Naputol ang paghingi ng tawad ni Rain nang magsalita ang dalaga.
"Natatakot ka sa'kin, natatakot kayong lahat sa'kin. Dapat masanay na ako pero ang sakit pa rin isipin na walang tumatanggap sa'kin dito sa mundong ito," bulong ng dalaga.
Kahit bulong lang iyon at narinig pa rin ni Rain ang lahat ng mga sinabi ng estranghero. Lalapitan na sana ni Rain ang dalaga nang bumukas ang pinto ng silid at iniluwal nito si Carter na kasama ngayon si Jared at dalawa pang mga kaklase niya.
"Rain! Ano'ng nangyari sa'yo? Ayos ka lang ba?!" tanong ng isang kasama ni Jared nang nakita niya si Rain sa isang sulok ng kwarto.
"A-Ayos lang ako, Hunter," nauutal na sabi ni Rain sa binata.
"Hoy, halimaw! Ano'ng ginawa mo kay Rain?!"
Hindi na nagulat ang estranghero sa biglang pagsigaw ng isang kasama ni Carter. Walang emosyon ang mukha ng dalaga at nakatingin lang ito sa kawalan. Natigilan naman silang lahat dahil sa narinig nila mula sa dalaga.
"Sana namatay na lang ako kasama sina Mama at Papa. Sana nagpakamatay na lang ako roon sa gubat na iyon," bulong ng dalaga habang walang tigil sa pagbagsak ang kaniyang mga luha.
Walang ni isa mula kina Carter ang nagsalita. Nagulat silang lahat dahil sa sinabi ng dalaga. Rain finally fought her fear at nilapitan niya ang estranghero. Niyakap ni Rain ang dalaga at tahimik niya itong pinatahan.
"I'm so sorry..." Rain whispered habang niyayakap ng mahigpit ang dalaga at nahulog sa malalim na pag-iisip si Jared.
"If it wasn't because of this girl, we would be in a critical condition right now. She helped us big time and I think she's not someone who deserves to be judged negatively," sabi ni Jared sa kaniyang sarili.
Bumuntong hinga si Jared bago nagsalita, "If it wasn't because of her, we would be critically injured right now."
Lumingon silang lahat kay Jared at pati ang estranghero ay napatingin rin sa binata.
"She helped us with our mission. Sean, apologize to her for calling her a monster because she's not," may awtoridad na utos ni Jared.
Tumingin si Sean sa dalaga."I'm sorry about earlier. I'm Sean Dean by the way." Nahihiyang kinamot ni Sean ang kaniyang batok.
"I'm Rain Adlery." Ngumiti si Rain sa estranghero.
"I'm Jared Brown. Thank you very much for the huge help. We really owe you a big one." Jared bowed down, showing his sincere gratitude towards stranger.
"I am Hunter Adams. We're really sorry if we called you mean names." Nahihiyang tumawa si Hunter na ngayon nakatayo sa tabi ni Carter.
"I can't believe this…you guys…" Pinunasan ng dalaga ang kaniyang mga luha bago humarap sa kanilang lahat. Inayos naman ni Rain ang kaniyang magulong buhok at ngayon ay maayos na siyang tingnan. Hindi na napigilan ng dalagang estranghero ang kaniyang ngiti dahil sa mga mainit na emosyon na nararamdaman niya ngayon.
"I'm Carter Sunfury. I carried you all the way here from the forest. Heck! you're heavy," sabi ni Carter habang hinihimas ang kaniyang balikat.
Uminit naman ang mga pisngi ng dalaga dahil sa hiya and Carter just rolled his eyes nang sinuntok siya ni Rain sa braso.
"Ikaw? Ano'ng pangalan mo?" tanong ni Rain sa dalaga na kaniyang katabi.
Lumunok mna ng malalim ang dalaga bago sumagot, "M-Miyo... Miyo Fukuyama ang pangalan ko," she said, almost in a whisper.
"Miyo Fukuyama. Wow, ang ganda naman," komento ni Rain nang nakangiti.
"Her name sounds familiar," bulong ni Sean.
"Ano iyon, Sean?" tanong ni Carter kay Sean na ngayon ay nahulog sa malalim na pag-iisip.
"About the name Fukuyama, does it ring a bell to you?" tanong ni Sean kay Carter.
Napaisip naman si Carter at inalala niya ang mga taong may pangalan na Fukuyama ngunit walang pumapasok sa kaniyang isipan kaya umiling si Carter kay Sean.
"Pakiramdam ko talaga ay narinig ko na ang pangalan na Fukuyama pero saan nga ba?" Sean thought.
"Fukuyama," tawag ni Jared kay Miyo.
"Po?" Miyo asked.
"Saan ka ba galing? I mean, saang parte ka ng lugar na ito galing?" tanong ni Jared sa dalaga.
"Miyo na lang. Nakakailang kasi kapag Fukuyama ang itatawag mo sa'kin," nahihiyang sabi ni Miyo kaya tumango na lang si Jared.
"So?" tanong ni Rain.
"Galing ako sa syudad ng Dewshed," sagot ni Miyo na naging dahilan upang tumahimik ang paligid.
"Dewshed? Saan iyon?" tanong ni Sean.
"Dewshed? Ngayon ko lang narinig iyan ah," ani Carter.
"Teka, parte pa ba iyan ng Cwyxgian?" tanong ni Hunter.
Miyo was confused and she asked herself, "Hindi ba nila alam ang syudad ng Dewshed? Bakit? Kilala kaya ang Dewshed bilang isang maliit at maunlad na syudad pero bakit hindi nila alam ang tungkol dito?"
Malalim na nag-isip si Jared dahil pati siya ay nahihiwagaan na sa mga nangyayari.
"I knew it, she's not from here," ani Jared sa kaniyang sarili.
"Say Miyo, did you arrive here by going through an old and odd looking tree?" tanong ni Jared kay Miyo.
Nagulat si Miyo sa tanong ni Jared. "Y-yeah. Actually, the tree sucked me in and then I lost consciousness. I forgot what happened next. When I woke up, I found myself inside a forest with so many giant trees and then those monsters—"
"Trolls. They were trolls," pagtatama ni Jared at tumango si Miyo.
"Yeah. Those trolls appeared at hinabol nila ako and then—" pinutol na naman ni Jared ang pagkukwento ni Miyo.
"Then you blasted a giant ice berg or whatever you call it and killed all of those monsters…in one hit. Tama ba ako?" One of Jared's eyebrow rose up.
"Oo, tama ka. Nagawa ko lang naman iyon dahil gusto pang mabuhay ng katawan ko kahit gusto ng magpakamatay ng utak ko." Umiwas ng tingin si Miyo.
"W-Wait! A giant ice berg? Killed with one hit?! You're kidding right?!" gulat na tanong ni Rain at isa-isa niya tiningnan ang mga taong nakakita sa pangyayaring sinasabi nila.
"Ice..." sabi ni Sean sa kaniyang isipan pero nanatili pa rin siyang kalmado sa labas.
"You might have come from another dimension, Miyo," Jared pointed out at napasinghap sina Rain at ang kaniyang mga kasama.
"A magic user from another dimension? Whoa, ngayon lang ako nakakita ng isang magic user na galing sa ibang mundo." Hunter was stunned with what he had just heard.
"Maruno ka na pa lang mag-biro ngayon, Jared. You know that cannot happen, right?" pagbibiro ni Carter ngunit tumigil rin siya nang nakita niyang hindi tumawa si Jared.
"So seryoso ka nga," dagdag ng binatang si Carter.
"There's no doubt that Miyo came from another dimension. Sinabi niya na isang kakaibang puno ang nagdala sa kaniya papunta rito sa mundo natin, diba?” Hunter crossed his arms.
"Nabasa ko ang tungkol sa mga puno na sinasabi niyo! Somewhere in random places, trees with magical powers are planted to connect the dimensions together," singit ni Rain ngunit walang nakinig sa kaniya kaya bumuntong hinga na lang siya.
"There's no doubt that magic users from other dimension can travel everywhere through those magic trees," sabi ni Hunter at tumingin siya kay Miyo.
"There were wisps too," dagdag ni Miyo.
"Wisps?" Carter was confused at tumingin siya kay Jared.
"So you can see wisps." Lalong naging seryoso ang mukha ni Jared and the puzzle inside his mind was starting to get clear.
"Ano'ng meron sa mga sinabi ko? Bakit parang mas nagiging seryoso na siya?" Miyo asked herself as she stared at Jared.
"Wisps guide the lost people to their destined destination in this world," seryosong pahayag ni Jared at tumango si Rain.
"Yep! Tama ka!" Tumango si Rain.
"Ibig sabihin ay dito talaga ang patutunguhan ko?" tanong ni Miyo sa kanilang lahat.
"Maybe, Miyo. You're story is still a mystery to us pero isa lang ang alam ko, dito talaga ang patutunguhan mo. Wisps don't give fake directions, I know you know that." Ngumiti si Jared kay Miyo.
"Nasaan ba ako?" Miyo asked them.
Ngumiti si Rain. "Nasa Shorewald ka. Shorewald is a town located at the center of the small city of Shimer and Shimer is located at the northern part of Cwyxgian which is the name of this country."
"It's a place where magic users like us truly belong," dagdag ni Hunter at nag-apir silang dalawa ni Rain.
"M-Magic users like us?" Lalong naguguluhan si Miyo dahil sa sinabi ng dalawa.
"Yes, Miyo. Kagaya mo ay mga magic users din kami," Sean said and smiled.
"So hindi pala ako nag-iisa?" A spark of hope grew inside Miyo's heart.
"Nope! Hahahaha!" sagot ni Rain habang tumatawa.
"For now, dito ka muna for further observations. Hindi pa alam ng principal na nagdala kami ng isang estranghero rito sa paaralan at balak namin na sabihin ito ngayon sa kanya," inayos ni Jared ang necktie ng kaniyang uniporme, "babalik kami mamaya o bukas para sabihin sa'yo ang balita."
"Sa ngayon ay aalis na kami," paalam ni Rain.
"S-Sige." Mahinang inangat ni Miyo ang kaniyang isang kamay. Kahit nakakadena ito ay ikinumpas niya pa rin ito at nagpaalam sa kanila.
"See you later, Miyo!" paalam ni Rain at lumabas na sila ng kwarto.
Ngumiti si Miyo. "See you later…"