THIRD PERSON'S POV
Tunog ng mga kabayo na nag-uunahan sa pagtakbo at mga ungol ng mga hindi ordinaryong nilalang ang maririnig ngayon sa buong lugar. Bumuhos ang malakas na hangin at tinangay nito ang mga buhangin mula sa lupa na naging dahilan upang mahirapan ang mga tumatakbong kabayo na makita ang daan na tinatahak nila. Nahihirapan man ay nagpatuloy lang silang lahat sa pagtakbo, makatakas lamang mula sa mga nilalang humahabol sa kanila.
"Squad Brown, regroup now!" buong lakas na sigaw ng isang binata na nasa unahan. Nanatili lang ang tingin ng binata sa unahan at hindi man lang ito tumingin sa kaniyang likuran.
"Seriously?! Hindi pa natin nakuha ang bato tapos regroup na kaagad?!" reklamo ng isang dalaga na isa sa mga kasama ng binata.
"Just shut up and follow the Honcho, Galia," singit naman ng isang lalaki at matalim itong tumingin kay Galia na siya namang ikinainis ng dalaga.
"Ugh! You should shut up, Carter!" galit na wika ni Galia na ngayon ay nakatingin din ng matalim kay Carter. Nagpalitan ng masamang tingin sina Galia at Carter hanggang sa pumagitna sa kanila ang isang lalaki na kasama rin nila.
"Guys, for Pete's sake! May mga halimaw na nakasunod sa atin! Eyes in front!" saway ng lalaki kina Galia at Carter.
"Pasensya na, Hunter. Ang bata kasi, inatake na naman ng kabaliwan," sagot ni Carter sa binatang pumagitna sa kanilang dalawa ni Galia.
"Eyes on the road, people!" galit na sigaw ng binatang nasa unahan.
"Patay, galit na si Honcho," sabi ng lalaki na nasa gilid ni Hunter.
"Ano ba, Sean! Kumalma ka nga riyan! Baka madisgrasya pa tayo dahil sa'yo!" sita ni Hunter kay Sean.
"Ayan! Tingnan niyo, galit na si Jared sa'tin," inis na sabi ni Carter habang nakatingin sa lalaking nasa unahan. Umulong nang napakalakas ang mga halimaw na nakasunod sa kanila at hindi napigilan ni Galia ang sumigaw dahil sa sobrang gulat.
"Kyah! The trolls are behind us!" sigaw ni Galia nang narinig niyang umungol ang mga halimaw na nakasunod sa kanila.
Mas binilisan pa nila ang pagpapatakbo ng kanilang mga kabayo dahil sa mga halimaw na mainit na nakasunod sa kanilang mga buntot. Napakalaki ng mga halimaw dahil yumayanig ang buong lugar sa tuwing nagkaisa ang kanilang mga paa at ang lupa. Lumiko sina Jared at ginamit nila ang pinakamadaling daan—ang daan papasok sa gubat ng mga higanteng puno.
Nakapasok na sina Jared sa loob ng gubat at bumungad kaagad sa kanila ang mga higanteng puno na mas malaki pa sa mga halimaw na humahabol sa kanila. Muling lumiko si Jared at sumunod kaagad sa kaniya ang kaniyang mga kasama.
"Position now! Leave your horses and prepare for combat!" sigaw ng squad leader o mas kilala bilang Honcho na si Jared.
"Okay!"
Lahat sila ay mabilis na itinago ang kanilang mga kabayo sa unahan at isa-isa silang tumalon sa mataas at malalaking sanga ng mga higanteng puno gamit ang kanilang kakaibang lakas. Gamit ang kanilang mga mahika ay mabilis nilang narating ang mga matataas na sanga ng mga puno. Nilingon ni Jared ang kaniyang mga kasama at nang nakita niya na nasa posisyon na ang lahat ay sumigaw siya.
"Commence extermination!" sigaw ni Jared.
"All right!" masayang sigaw ni Hunter at inilabas ang kaniyang kumikinang at matulis na espada.
"Action time na!" hinawakan ni Carter ang lalagyan ng kaniyang espada at tumakbo na paalis.
"Let's kill some trolls!" nakangising sabi ni Sean habang tumatakbo.
"Hoy! Pigilan niyo si Carter! He's going to kill them all and leave the left overs to us! Ayokong maglinis ng mga kalat no!" reklamo ni Galia ngunit walang nakarinig sa kaniya kaya ngumuso na lang ang dalaga at hinanda na lang niya ang kaniyang sarili upang lumaban.
Inilabas ni Carter ang kaniyang dalang espada. Mabilis siyang tumakbo sa kinaroroonan ng isang halimaw at patalon siyang lumipat sa bawat sanga ng mga puno. Nakita ni Jared si Carter kaya kaagad niyang tinawag si Hunter.
"Hunter! Assist Carter, now!" utos ni Jared kay Hunter na nakatayo ngayon sa kaniyang gilid.
"Roger that, Jared." Hindi nagdalawang isip na tumakbo si Hunter patungo sa kinaroroonan ni Carter.
"Respetuhin mo si lider oy!" sigaw ni Sean kay Hunter ngunit nakalayo na ang binata kaya hindi na siya nito narinig.
"It's alright, Sean," pigil ni Jared kay Sean.
"Damn, Carter is being reckless again," naiiritang sabi ni Jared sa kaniyang isipan.
"Galia! Prepare for back up!" utos ni Jared kay Galia bago sumugod patungo sa isang halimaw.
"Roger, Honcho!" Umakyat sa isang puno si Galia at hinanda niya ang kaniyang mga patalim nang may napansin siya.
"Honcho! May paparating mula sa silangan!" sigaw ni Galia mula sa itaas ng puno habang nakatingin sa silangang bahagi ng gubat.
"Tch. Ilan?!" iritadong tanong ni Jared habang nakikipaglaban sa isang halimaw. He dodged the monsters arms and swung his sword, cutting the arm off from the monster's body.
"Apat po, Honcho!" sigaw ni Galia mula sa itaas ng puno.
"Apat? Aish, dehado na kami nito. We need to back off before its too late. Ako ang leader and I am responsible for my group. Kung may mangyayaring masama sa kanila ay kasalanan ko talaga," sabi ni Jared sa kaniyang sarili.
Mariin na pumikit si Jared bago sumigaw, "Retreat! Masyadong delikado ang mga halimaw na umaatake sa atin! Umatras at magtago muna tayo!"
Nakita ni Jared ang isang halimaw na palapit sa kaniya kaya agad niya itong nilapitan at gamit ang kaniyang espada ay sinaksak ni Jared ang leeg ng halimaw at gamit ang kaniyang mahika ay mabilis niyang pinutol ang ulo nito.
Tumalsik kay Jared ang ilang dugo mula sa halimaw at nanghihinang bumagsak ang halimaw sa lupa. Jared hissed in disgust at tiningnan niya ang kaniyang kamay na naliligo ngayon sa dugo ngunit kaagad niya itong binalewala at pinuntahan na ang kaniyang mga kasama.
"Retreat na kaagad?! Honcho naman, dalawa pa lang ang niligpit ko," reklamo ni Carter at kasama niya ngayon si Hunter na hinahabol ang kaniyang hininga.
"We need to retreat. Masyadong marami ang mga halimaw na nakasunod sa atin. Kailangan natin ng bagong plano para maiwasan natin ang mga disgrasya at para makuha na natin ang pakay natin," paliwanag ni Jared at ibinalik na niya sa lalagyan ang kaniyang espada.
"Tss. Kung hindi lang sana sumama ang bubwit na'to na may malaking bunganga ay tapos na sana itong misyon natin," nanggigigil na pahayag ni Carter at binigyan ng isang masamang tingin si Galia.
"Excuse me, are you blaming me?!" naiiritang tanong ni Galia at naglakad siya palapit kay Carter.
"Oo! Kasalanan mo naman kasi! Kung hindi ka sana sumigaw dahil sa sobrang kaartehan mo ay nakuha na sana natin ang batong iyon kanina at tapos na sana itong misyon natin!" galit na sabi ni Carter kay Galia.
"Hindi naman talaga ako sasama sa inyo! Hinila ako ni Sean kaya ako nandito ngayon! Hmp!" Pinagtagpo ni Galia ang kaniyang mga braso dahil sa inis.
"Pwede ba? Tumahimik nga kayo! Puputulan ko talaga kayo ng mga kamay kung hindi kayo tatahimik." Nakatingin lang sa malayo si Jared habang sinasabi niya ang mga salitang iyon.
Umatras dahil sa takot sina Hunter at Sean habang si Carter ay tinakpan lang ang kaniyang bibig at si Galia naman ay napasinghap dahil sa gulat. Kahit hindi nakatingin si Jared sa kaniyang mga kasama ay naramdaman parin nila ang nakakatakot na awra ng kanilang pinuno.
"Tch. Kailangan na talaga natin ng bagong plano," tumingin si Jared kay Sean,
"Sean, tingnan mo ang buong paligid kung may mga halimaw pa ba," utos ni Jared at kaagad ginawa ni Sean ang inutos ni Jared sa kaniya.
Gamit ang 'enhanced vision' na abilidad ni Sean, may kakayahan na makakita ang kaniyang mga mata ng mga bagay na nasa malayo kagaya ng isang teleskopyo. Sinimulan na ni Sean ang pagsuri sa buong gubat.
Nilibot niya ang kaniyang mga mata at huminto siya nang may nakita siya sa isang parte ng gubat. Tila huminto ang buong mundo ni Sean dahil sa kaniyang nakita. Pakiramdam niya ay binabangungot siya ng gising dahil sa senaryong nasa kaniyang harapan.
Nagkalat ang patay na katawan ng mga halimaw sa kanlurang bahagi ng gubat. Ang mga putol na ulo, kamay, paa, at iba pang parte ng katawan ng mga halimaw ay nagkahiwa-hiwalay at halos lahat ng mga puno na nandoon ay nakulayan ng pula dahil sa mga dugo na nagkalat galing sa mga katawan.
Nasusuka si Sean dahil sa kaniyang nakita. Napansin ni Hunter na namumutla at pinagpawisan na ang binata kaya tinanong ni Hunter ang kaniyang kaibigan.
"Sean, ayos ka lang ba? Namumutla ka," tanong ni Hunter sa binata.
Dahan-dahan na lumingon si Sean kay Hunter at itinuro niya ang kanlurang bahagi ng gubat gamit ang kaniyang namumutla at nanginginig na kamay. Kumunot ang noo ni Hunter dahil sa pagtataka.
"Ano'ng nangyari sa'yo Sean? Bakit ang putla mo? Isa pa, bakit parang takot na takot ka?" nag-aalalang tanong ni Galia sa binata.
"S-Sa kanlurang bahagi ng gubat—" Hindi natuloy ni Sean ang kaniyang sinabi dahil hindi na niya napigilan ang kaniyang sarili at tuluyan na siyang sumuka sa kaniyang puwesto.
Kaagad tinulungan ni Hunter si Sean at hinimas niya ang likod ng binata nang paulit-ulit. Lahat sila ay nabigla dahil sa kanilang nakita.
"Ito ang pinakaunang beses na nakita ko si Sean na kinakabahan, nanghihina at wala sa kaniyang sarili. Ano ba ang nangyayari? Ano ang meron sa kanluran?" tanong ni Jared sa kaniyang sarili.
Napunta ang atensyon ni Jared sa kanlurang bahagi ng gubat at nakita niya na walang mga halimaw ang lumalabas mula roon, tanging sa silangang bahagi ng gubat lamang. Dito napagtanto ni Jared na may nangyayari sa kanlurang bahagi ng gubat dahil walang mga halimaw ang lumalabas mula roon at base na rin sa reaksyon ni Sean nang sinuri niya ang lugar.
"Maghanda kayo, pupunta tayo sa kanluran!" anunsyo ni Jared at hinanda na niya ang kaniyang sarili.
"Honcho, huwag!" pigil ni Sean kay Jared ngunit nakaalis na si Jared kaya wala na siyang nagawa kundi ang yumuko at pumikit ng mariin.
"Sana pala ay hindi na lang ako tumingin doon..." Kinagat ni Sean ang kaniyang labi at kumilos na siya upang sumunod kay Jared.
Nagtungo ang buong grupo ni Jared sa kanluran. Kakaiba ang lamig ng hangin na nagmumula sa kanlurang bahagi ng gubat at naramdaman nila ito. Walang ni isang tunog ang nagmula sa mga hayop o ungol man lang ng mga nagtatagong halimaw ang maririnig sa paligid.
Tahimik ang buong lugar at nakakabingi na ito. Lalong lumamig ang buong paligid nang nakalapit na sina Jared sa sentro ng kanlurang gubat at napansin ni Jared ang mga niyebe na tinangay ng malamig na hangin.
"H-Honcho," nanginginig na tawag ni Galia kay Jared habang pinagmasdan ang mga niyebe.
"Bakit may niyebe rito?" tanong ni Carter habang nagmamasid sa buong paligid.
Huminto si Jared at tiningnan niya ang buong gubat. Maya-maya ay sinamahan na siya ng kaniyang mga kasama.
"Sean, ikaw ang may enhanced vision dito sa ating lahat. Ano ang nakita mo kanina?" seryosong tanong ni Jared ay Sean na hanggang ngayon ay namumutla pa rin.
"A-Ayoko ko munang pag-usapan ang nakita ko kanina, Honcho. Paumanhin po." Umiwas ng tingin si Sean kay Jared.
"Ayos lang. Tutuloy na tayo," sabi ni Jared at nagpatuloy na siya sa paglalakad.
Sa kanilang paglalakad ay mas lalo naging makapal ang niyebe na nakabalot sa buong gubat ngunit walang ni isa sa kanila ang huminto sa paglalakad kahit sobrang lamig na ng buong lugar.
Umiwas ng tingin si Sean sa isang puno nang nakita niyang may ulo ng halimaw ang nakasabit doon. Galia gulped when she saw the huge bloodstains on the trees. Everybody felt the chills when they saw the gruesome scenario hanggang sa tumigil si Jared.
"Bakit ka tumigil, Honcho?" tanong ni Galia ngunit wala siyang nakuha na sagot mula kay Jared.
"Ang lamig…" nanginginig na sabi ni Hunter.
Umawang ang bibig ni Carter dahil sa nakita niya. "What the…"
Nakaramdam ulit ng kaba si Sean nang nakita niya ang kaniyang nakita kanina. It was bigger than what he had thought. Napasinghap si Galia nang tumingin siya sa tinitingnan ni Sean. Kinakabahan na lumapit ng konti si Jared sa malaking bagay na nasa kaniyang harapan. Jared touched the object with his hands and he almost cursed when the sharp and cold object came in contact with his skin.
"Ice?!" Jared muttered in shock. His mouth hang open, and his eyes went wide like saucers. Jared couldn't believe what he was seeing!
"A-Ano'ng nangyari rito?" Hunter was lost as he stared at the whole place.
"S-Sino ang gumawa niyan?" Galia gulped while looking at the giant ice berg that stood in front of her.
"H-Halimaw kaya?" Carter muttered while deep in thoughts.
"Nakakatakot..." Sean thought and he gulped.
The ice berg was gigantic and its shards that grew out from its body were like newly sharpened knives. Umatras silang lahat nang biglang yumanig ang buong paligid. Bumagsak ang isang bloke ng yelo sa lupa at sa laki ng yelo na nasa kanilang harapan ay halos natatakpan na nito ang kalahati ng kanlurang bahagi ng gubat.
Jared was dumbfounded. "Sino kaya ang gumawa nito?"
Inikot ni Jared ang kaniyang paningin dahil baka sakaling may halimaw na nagtatago sa likod ng mga puno.
"We've been to a lot of missions but this is my first time seeing this kind of magic," sabi ni Galia.
"Ako rin," dagdag ni Hunter.
"Looking at this giant ice thingy makes me want to pee," ani Carter.
Ngumiwi naman si Galia. "Ew! Kadiri ka!"
"Compared to the other elemental magic, ice is one of the rarest magic that can be bestowed to a magic user and as far as I know, there are only a few who have this kind of magic. Another thing is that this kind of ice is so different. It's like the color of the deep sea," komento ni Sean habang hinihimas ang malamig na yelo na nasa kaniyang harapan, "so mysterious."
There are tons of monsters that were stuck and trapped inside the giant ice berg and some were looking like barbecue because of their bodies pierced into the sharp and pointed ice. Umiwas na lang ng tingin si Galia upang hindi na siya makaramdam ng hilo.
"Honcho! Tingnan niyo!" Tawag ni Carter at tinuro niya ang isang katawan na nakahiga sa lupa malapit sa malaking yelo.
Tumingin silang lahat sa katawan na itinuro ni Carter at napasinghap si Galia habang kumunot ang noo ni Jared. Isa itong babae na walang malay. Duguan ang ulo ng babae at yakap nito ang dala nitong bag. Nilapitan nina Jared ang katawan ng babae at maingat nila itong tiningnan at inobserbahan.
"Sa tingin niyo, siya kaya ang may gawa niyan?" Jared pointed his hands at the huge ice berg that was in front of them.
"Maybe, Honcho. Pero pwede rin na isa siyang biktima," pagsasabi ni Hunter sa kaniyang opinyon bago tiningnan ang babaeng walang malay.
"Mahina ang babaeng iyan para gumawa ng ganiyan kalaki na ice berg…ice shard o kung ano man ang tawag sa bagay na iyan," rason ni Carter bago umiling, "and besides, parang hindi naman siya isang ice magic user eh. Mukha siyang dayuhan na nagnanakaw ng mga ginto."
Tahimik lang si Sean habang nakatayo sa likod ni Jared. Palipat-lipat lang ang kaniyang tingin mula sa babae at sa malaking yelo. Pumikit nablang si Sean at nag-iwas ng tingin. Tingin niya ay biktima lamang ang babae at pwede rin na ang babae nga ang may kagagawan ng malaking yelo na nasa harapan nila ngayon. Bumuntong hinga si Sean at itinabi niya ang kaniyang mga naisip.
"Honcho, dalhin natin siya sa academy at ipagamot doon. Masyadong malalim ang kaniyang sugat sa ulo. Ayaw tumigil sa pagdurugo. Kailangan po niya ng isang healer," sabi ni Galia kay Jared habang nilalagyan ng tela ang ulo ng dalaga.
"Sige, dadalhin natin siya sa academy at kapag nagising na siya ay tatanungin natin siya. May nararamdaman akong kakaiba sa kaniya." Hindi pa rin inaalis ni Jared ang kaniyang tingin mula sa dalaga.
"I've never seen her before and I've never seen this kind of ice magic before too," sabi ni Jared sa kaniyang sarili bago tumingin ulit sa higanteng yelo.
"Tingin ko ay may nangyaring kakaiba rito," ani Carter.
"She's an outsider, so better keep an eye on her for she might be hostile. We can’t trust strangers that easily, especially if they have magic like us,” Jared warned and looked at Carter na ngayon ay nakatingin sa malaking yelo.
"Carter you'll be in charge of her." Umalis na si Jared, leaving Carter surprised.
"A-Ano?! Honcho naman!" reklamo ni Carter at nagmaktol siya na parang bata na inagawan ng kendi. Natawa nang mahina sina Hunter at Sean kaya tiningnan sila ni Carter.
"Oy, tulungan niyo naman ako oh!" tawag ni Carter sa kanila pero iniwan lang siya ng kaniyang mga kasama at sumunod na kay Jared.
"Tch. Bwisit. Humanda ka sa'kin kapag gising ka na," inis na sabi ni Carter sa babaeng walang malay.
Carter lifted the unconscious girl from the ground. He placed her on top his shoulders and began to carry her like a sack. Carter cursed nang napagtanto niya na mabigat pala ang dinadala niya. Napailing na lang si Carter at nagsimula nang tumakbo papunta kay Jared.