Cetrine's POV Nanganak na ako sa aking baby na ipinangalan ko siyang Cross. Kamukha siya ni Master Kaeya pero hindi niya itinuring ang anak ko sa kaniya. Ang nag-aalaga sa akin ay si Ma'am Alicia at lahat nang pangangailangan naming mag-ina ay ibinibigay niya. Alam lahat ng mga tao rito sa mansion na nabuntis ako ni Master Kaeya. Hindi pa ako makakilos dahil kapapanganak ko pa lang at dumedede ang baby ko sa akin. Kasama ko ngayon sina Hellen at Melissa para alagaan ako sa tuwing wala si Ma'am Alicia. Inaalalayan ako ng mga kaibigan ko sa tuwing papunta ako sa banyo dahil nanlalambot pa ako at dumudugo pa rin ang perlas ko. "Cet, hindi ka ba nagsisisi na nabuntis ka ni Master Kaeya?" tanong ni Hellen sa akin. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti habang pinaghehele ko si Cross. "H-Hindi na

