Hindi akalain ni Cetrine na magagawa ni Kaeya ang bayaran siya. Walang tigil ang pag-iyak ng sanggol habang buhat-buhat ito ng dalaga. Biglang dumating si Alicia upang pigilan ang anak nito. "KAEYA!!!" pasigaw na tawag ni Alicia sa kaniya. Humarap si Kaeya sa kaniyang mommy at halos saktan ni Alicia ang kaniyang anak. "Wala kang karapatan sa lahat, Kaeya! What's wrong with you?! I am the rules here and you don't have a right para paalisin mo ang apo ko at si Cetrine!" Alam ni Alicia na kontrolado nito ang kaniyang anak na si Kaeya. Umiiyak si Cetrine at nanginginig dahil sa takot. Ibinuhat ni Alicia si baby Cross at nagpatawag siya ng maid para ipangkuha ng tubig si Cetrine. Umalis si Kaeya at mabilis niyang pinaandar ang motorsiklo niya. Sakto naman ay dumating si Hakken at nakita niy

