Kaeya's POV Hindi ko maintindihan kung bakit nakapasaya ko nang hawakan ko si Cross. Minsan ayoko nang umalis sa mansion dahil tinitingnan ko siya habang gumagapang. Nasa damuhan siya at si Cetrine ay busy siya sa pagdidilig ng mga halaman. Inaakala niya ay abala ang bata sa akin kaya minsan ay pinapalayo niya sa'kin. Minsan ay ibinuhat ko siya at isinakay ang baby sa motorsiklo ko. Pinaandar ko ito at naglibot-libot kami sa paligid nang napakalawak naming mansion. Nakangiti ang baby at hindi ko akalaing anak ko siya kay Cetrine. Bigla siyang umiyak dahil siguro ay nagugutom na siya. Kinuha siya ni Cetrine sa akin at ipinagtimpla niya ito ng gatas. Biglang nagsalita si Cetrine sa aking harapan. "P-Pasensiya na po kayo k-kung i-inaabala po k-kayo ni C-Cross. K-Kapag n-nakaipon n-na po ako

