Nang makauwi sila sa mansion, nanginginig si Cetrine pababa sa kotse ng binata. Napakatalim kasi ng titig nito sa kaniya at hindi mapigilan ng dalaga ang maiyak dahil nahawakan ni Kaeya ang maseselang bahagi ng kaniyang katawan. Iniisip niya kung bakit ganoon na lang siya kung paghinalaan ng pamilyang Kozouki at hindi nito alam na matindi pala nilang kalaban ang pamilyang Alvarez. Biglang umalis si Kaeya gamit ang motor nito at hindi alam ng dalaga kung saan ito pupunta. Mabilis naman ipinatakbo ni Kaeya ang kaniyang motor papunta sa university na kung saan nagtatrabaho si Jake Alvarez. Habang papadaan si Jake sa kalsada para puntahan ang kaniyang sasakyan, muntikan na siyang mabangga ni Kaeya. "You bastard!" pagalit na sigaw ni Jake sa lalaking naka-motor. Tinanggal naman ni Kaeya ang

