Kaeya's POV Naging masama na ang tingin ko kay Cetrine dahil pinaghihinalaan ko siyang kasabwat siya ni Jake Alvarez sa pananangka sa buhay ni mommy. "Hangga't wala akong napapatunayan, hindi ka makakaalis sa mansiong ito, Cetrine!" pagalit na saad ko sa kaniya habang patuloy lang siyang nagmamakaawa sa aking harapan. Hindi na siya pinaaral ni mommy dahil nasira na ang tiwala nito sa kaniya. Naalala ko tuloy noong napatay ko ang kaniyang tiyo Howard dahil sa isang malawakang sugal sa casino. (Flashback) Nasa Japan kami noon at natalo ko siya subalit hindi siya tumupad sa aming napagkasunduan. Ang halaga ng kaniyang natalo ay nasa 500 million yen. "I know you very pro in this game," seryosong wika ni Howard sa akin. "Uhmp, what game is that? So do you want to become a pro, too?"

