Cetrine's POV
Laging kausap ni Master Kaeya ang kaniyang girlfriend sa video call. Nakikita ko sa kaniyang cellphone na maganda ito at alam kong wala akong panama sa kaniya. Isa itong napakayaman na babae, may pinag-aralan at nasa kaniya na yata lahat ang hinahanap ni Master Kaeya. Samantala ako ay isang hamak na maid lang at isa pa wala pa akong nagiging achievement sa buhay. Hindi ko maintindihan kung bakit nalulungkot ako kapag kausap nito ang kaniyang girlfriend. Inutusan pala ako ngayon ni Ma'am Alicia para mamalengke dahil darating daw ang kaniyang pamangkin na si Master Hakken. Binili ko ang iniuutos niya sa akin at isinakay naman ako ni master Kaeya sa kaniyang sasakyan.
"Wala bang nanliligaw sa iyo?" nakangiting tanong niya sa akin habang katabi ko siya.
"W-Wala naman po master at saka dapat makatapos muna ako bago ko po isipin iyan."
Lagi siyang nakatingin sa akin at napapayuko na lang ako. Nakapamili na rin ako at masaya siya sa tuwing nakakatawag nito ang kaniyang girlfriend na si Ranma. Tiyak akong napakabait niyang babae upang ma in love si Master Kaeya sa kaniya. Natapos na akong namili at inihanda ko na rin ang mga ipinapaluto sa akin ni Ma'am Alicia. Pumunta naman si Master Kaeya sa private gym dito sa mansion at sadyang napakakisig ng kaniyang pangangatawan.
"Cancel daw ang pagdating ni Hakken, son," malungkot na wika ni ma'am Alicia sa kaniya.
"Okay mom," tanging nasagot ni master Kaeya sa kaniyang mommy.
Hindi natuloy ang pagdating ni Master Hakken at kinaumagahan ay pumasok na ako sa school namin. May professor na lagi akong tinutulungan at matanda lang siya ng dalawang taon sa akin. Siya si sir Jake Alvarez at sadyang napakabait niya sa akin. Sila pala ang may-ari ng school na pinapasukan ko at ang sabi niya ay balak niyang manligaw sa akin. Pero tinatanggihan ko lang siya at hindi pa ako puwedeng mag-boyfriend. Guwapo rin si sir Jake at kinukuha siyang model sa isang brand ng damit.
"Napakaganda mo, Cetrine. Gusto kita at kahit hindi ka na mag-aral, kaya kitang buhayin," seryoso niyang saad sa akin.
Namula ako at hindi ko alam ang isasagot ko. "H-Hindi po muna ako puwedeng mag-boyfriend dahil kailangan ko po makatapos at sa pangako ko po sa mama ko."
Niyakap ako ni sir Jake at bigla niyang hinalikan ang labi ko. Nagulat ako sa nangyari at sa hindi inaasahan, nakatingin pala si Master Kaeya sa aming dalawa. Hindi ko maintindihan kung bakit sinusundo ako ni Master Kaeya.
"So, Cetrine parang sayang lang yata ang pinapaaral ni mommy ko sa iyo?" pang-iinsulto niya sa akin.
Bigla akong hinarangan ni sir Jake at tumingin siya nang napakasama sa kaniya.
"Oh, Kaeya. It's been a long time..." mayabang na wika ni sir Jake sa kaniya.
"So? Why Jake? Do you have a problem?"
"No, no, I don't have a problem. Pero parang nagulat ka yata dahil girlfriend ko na si Cetrine ngayon?!"
"W-What?"
Bigla akong humarang at bigla ako hinila ni Master Kaeya. Napakasakit ng paghawak niya sa braso ko at itinulak niya ako sa sasakyan niya. Habang nakasakay kami sa sasakyan bigla siyang nagtanong sa akin dahil napakaseryoso ng mukha niya.
"Hindi ba ang sabi mo sa akin gusto mong makapagtapos?"
"O-Opo, m-master Kaeya."
"Bakit mo kasama ang lalaking iyon? At kayo na ba?"
"H-Hindi po..."
Bigla niyang sinuntok ang manobela niya at labis ang aking pagkagulat. "You are liar!"
Hindi ko siya maintindihan kung bakit nagagalit siya ngayon. Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan niya at kaagaran kaming nakarating sa mansion nila. Hindi niya ako inimikan at dumeretso na ito sa kuwarto niya.
End of POV
Kaeya's POV
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko dahil magmula nang bumalik ako rito sa mansion. I am very obessesed with her at naiinis ako kapag may kausap siyang iba. Am I jealous? o hindi pa nawawala ang pagkagusto ko sa aking kababata. When she was in the garden, nakita ko siyang nagdidilig ng halaman. Nabasa ang damit niya at nakita ko na nakabakat ang kaniyang bra sa malinaw at puti niyang damit. Napaka-sexy ni Cetrine at napakaganda niya. Kahit sinong lalaki ay mahuhumaling sa kaniya.
"Damn, she is very hot and sexy..." bulong ko sa sarili ko.
Dalawang buwan na pala ako rito sa mansion dahil wala pang binabalita si lolo Obito sa mga gagawin namin. Kinabukasan ay nagpadala ako ng pagkain sa kuwarto ko. Pumasok ang maid namin at ipinatawag ko si Cetrine sa kaniya.
"Call Cetrine at sabihin mong ipinatawag ko siya," utos ko sa matandang maid.
Ipinatawag ko siya habang kumakain ako. Yumuko muna ito sa akin bilang paggalang.
"A-Ano po ang maipaglilingkod ko po, Master Kaeya," malumanay na saad niya sa akin.
Tumayo ako at napansin niyang wala akong pang-itaas na damit. Naka-boxer short lang ako at hindi siya makatingin sa akin ng deretso. Isinandal ko siya sa pader at hinawakan ko ang kamay niya nang napakahigpit.
"Jake is my enemy at siya ang naging dahilan kung bakit ako umuwi rito sa Pilipinas. Tell me, ano ang ugnayan ninyo?" seryoso kong tanong sa kaniya.
"W-Wala po akong ugnayan sa kaniya, master..."
"It is true na boyfriend mo siya?"
"H-Hindi po..."
"But he kissed your lips kung wala kayong relasyon!"
"W-Wala po talaga dahil nabigla rin po ako sa ginawa niya."
Hindi ako nakatiis sa galit ko at marahas kong hinalikan ang labi niya. Pilit niyang tinatanggal ang labi niya sa pagkakahalik ko sa kaniya pero hinawakan ko nang napakahigpit ang pisngi niya. Ipinapasok ko ang dila ko sa loob ng bibig niya at naiyak ito sa ginagawa ko sa kaniya. Hinimas ko ang dibdib niya habang nakadikit ito sa pader. Bigla kong hinila ang damit niya at pilit niya akong itinutulak. Napunit ang T-shirt niya at itinaas ko ang bra niya.
"M-Master K-Kaeya!" umiiyak na wika niya sa akin habang mahigpit kong hinahawakan ang dalawa niyang kamay at patuloy lang ako sa paghalik sa kaniyang labi.
Bigla kong tinanggal ang labi ko sa pagkakahalik ko sa kaniya. "Ganito ba ang ginagawa niya sa'yo? huh? Cetrine!"
Habang hinahalikan ko siya ay biglang pumasok ang mommy ko sa loob ng kuwarto ko. Bigla niya akong pinigilan at napaupo si Cetrine sa sahig.
Bigla akong sinampal ni mommy. "Kaeya, ano ang ginagawa mo?!"
Tumingin ako kay mommy. "She is only a maid mom at sinampal mo ako dahil sa ginagawa ko sa kaniya?"
"Yes, she is a maid pero wala kang karapatan para gawin mo ito sa kaniya! Ano ba ang ginawa ni Cetrine sa iyo?! Maayos naman kayong nag-uusap."
"Tanungin mo siya mom. May kahalikan siyang lalaki sa school nila at ang sabi niya ay mag-aaral siya nang mabuti. Si Jake pa talaga ang boyfriend niya."
Nagulat si mommy dahil kilala niya si Jake. "J-Jake A-Alvarez?"
"Yes mom, lagi niyang kasama ang lalaking gustong pumatay sa iyo!"
Umiiyak si Cetrine at kinausap niya nang masinsinan.
"C-Cetrine, may kinalaman ka ba sa muntikan pagpatay sa akin?"
Umiling-iling siya sa harapan ni mommy. "Maniwala po kayo ma'am wala po akong kinalaman sa mga plano niya. Alam ko lang po instructor ko po siya sa isa naming subject at lagi niya rin po akong tinutulungan."
Naguguluhan si mommy at nagpasya siyang huwag nang pag-aralin si Cetrine. Umalis si mommy at binabalak na rin ni Cetrine na umalis sa mansion namin.
"Where are you going? Hindi ka makakaalis sa mansiong ito, Cetrine."
Umiiyak siya sa aking harapan at hindi ko maintindihan kung bakit naiinis ako sa tuwing may kausap siyang iba. Isa pa, nainis ako dahil kasama pa niya ang aking kinamumuhiang kalaban.
"Pagbabayaran mo ang kasalanan mo sa amin, Cetrine. Alam kong may kinalaman ka sa muntik na pagpatay niya kay mommy!"
Umiyak siya nang umiyak. "M-Maniwala po kayo sa akin Master Kaeya. Wala po akong alam."
Jake is my worst freak enemy. Siya ang pamangkin ni Howard Alvarez na napatay ko sa Casino noon. Naghihiganti siya sa akin at alam kong may kinalaman si Cetrine dito.
End of POV