Alicia's POV
After ng nangyaring insidente sa school na pinapasukan nilang dalawa ni Cetrine, bumalik muna si Kaeya sa Japan. Doon na rin siya nag-aral at alam kong malulungkot ang kaniyang kaibigang si Cetrine.
"Kailan po babalik si Master Kaeya?" umiiyak na tanong sa akin ng batang si Cetrine.
"M-Matagal pa anak, mga ten years siyang mananatili roon. Doon na rin siya magco-college," nakangiting saad ko sa kaniya.
Patuloy ko pa rin pinapaaral si Cetrine ng elementary at lumipas ang mga taon ay nag-high school na rin siya. Lalo pa siyang gumaganda sa pagdaan ng taon at sa ngayon ay 16 years old na siya. Si Kaeya ay lagi ko siyang nakakausap at nagmukha na ngang prinsepe ang panganay ko. He is very handsome gaya ng daddy niya. Napakatipuno rin ng katawan niya dahil ang sabi niya sa akin ay lagi silang nagsasanay ng kaniyang lolo sa bundok ng Taikyoku. Siya na rin ang leader ng organization, ang Crimson Knight Society. Illegal man ang ginagawa niya pero roon kami yumayaman. Pati bangko ay pinasok na rin ng aking anak at marami na rin siyang recruiter ng mga bagong assassin na sumapi sa kaniya. Lumipas pa ang limang taon at nakatapos na ng pag-aaral ang aking anak sa kursong abogado. Sa tuwing may mission siya minsan sa mga illegal na casino, kinakabahan ako o nakikipag-deal transaction sa mga taga-ibang lahi. Kilala siya sa pangalang "Young Master" at hindi alam ng kaniyang kalaban ay isa lamang siyang bata o nasa edarang bente anyos lamang.
Samantalang si Cetrine ay nasa bente anyos na rin pero nasa first year college pa lang ito. Kinukuha niya ay ang kursong guro at bilang pasasalamat sa pagpapatira ko sa kaniya sa mansion namin, naging personal maid ko siya. Namatay na rin ang itinuring niyang nanay Jenica. Pero wala na silang connection ni Kaeya at dahil naka-focus siya sa kaniyang pag-aaral. Heto ang araw na muling pagbabalik ni Kaeya sa mansion at magkakaroon ngayon ng malaking party bilang pag-welcome sa kaniya. May girlfriend na raw siya sa Japan at kaklasi niya noong college. Napakaganda rin ng girlfriend ni Kaeya, si Ranma Saotome.
End of POV
Parating na si Kaeya sa mansion at isa na siyang ganap na adult. Nasa bente anyos na ito at marami na rin siyang achievement na nagawa sa kaniyang buhay. Labis naman siyang ipinagmamalaki ng kaniyang lolo Obito dahil sa sobra niyang talino at galing sa pakikipaglaban. Nagagawa niyang napakahusay ang kaniyang mga mahihirap at madadaling mga mission. Hindi isinama ni Kaeya ang girlfriend niya pauwi ng Pilipinas at tuluyan na rin niyang nakalimutan ang pagtingin niya kay Cetrine. Nang makauwi na siya sa kanilang mansion dito sa Pilipinas sinalubong siya ng kaniyang mommy at ng kaniyang kapatid na si Miya.
"Welcome home, my son..." masayang pagbati ni Alicia sa kaniya kasabay nito ang pagyakap niya sa kaniya.
"Onii-san---" nahihiyang tawag ni Miya sa kaniyang kuya Kaeya.
"Miya!" masayang tawag niya at niyakap nito ang kaniyang kapatid.
Nagpatuloy ang party sa mansion at ang kanilang mga bisita ay ang mga kasapi rin nila sa organization na tumira na sa Pilipinas. Habang nasa kalagitnaan ng party, patuloy lang sa pagse-serve ni Cetrine sa mga dumarating na bisita sa loob ng mansion.
"Siguro, nakalimutan na ako ni Master Kaeya. Pero okay lang bata pa kasi kami noon," malungkot na bulong ni Cetrine sa kaniyang sarili.
Hindi naman pinapansin ni Kaeya ang mga tao sa mansion hanggang sa may lalaking lumapit kay Cetrine. Siya ay si Leonard at isa itong CEO ng sikat na soap brand. Binata pa ito at sadyang napakaguwapo, napakakisig at kilala siya ng mga dalagang bisita ng mga Kozouki.
"Hi, miss. Can you please give me some drink?" malambing na pakikisuyo ni Leonard kay Cetrine.
"H-Heto po sir," mahinahong saad niya at ibinuhos nito ang alak sa baso ni Leonard.
Paalis na sana siya nang hinawakan ni Leonard si Cetrine sa kaniyang braso.
"Wait, beautiful lady. What is your name?" nakangiting tanong nito sa kaniya.
"C-Cetrine p-po sir," malumanay subalit nahihiyang tugon nito sa binata.
Nakita ni Kaeya si Cetrine na kinakausap nito si Leonard. Hindi siya makapaniwala dahil lalo pang tumingkad ang kagandahan ng dalaga. Lumapit si Kaeya sa kanilang dalawa.
"M-Master K-Kaeya, d-drinks po---" kinakabahang saad ng dalaga sa kaniya habang inaalok niya ito ng alak na dinadala niya.
Tumingin nang masama sa kaniya ang binata at inutusan niya ito.
"Go back to your work. Huwag kang makipag-usap sa mga bisita ko," seryosong wika niya sa harapan ni Cetrine.
"O-Opo M-Master----"
Umalis si Cetrine at alam na nga niyang hindi na siya nakikilala ng binata.
"Lalo siyang gumuwapo," saad ni Cetrine sa kaniyang sarili.
Nag-usap naman sina Leonard at Kaeya.
"Your maid is very pretty, Master Kaeya."
"Do you like her?"
"Actually, as an illegal recruiter like you. I want her and I like her."
Biglang nainis si Kaeya sa kaniyang narinig. "Do not touch her or else I will kill you."
"Relax, Master Kaeya. Bibilhin ko naman siya sa iyo. Magkano ba ang maid mong iyon? Bagay siya as asawa ko at kakaiba kasi ang kagandahan niya. She looks like a princess."
Biglang isinabog ni Kaeya ang kaniyang alak kay Leonard. "She has no price idiot."
Pinagtinginan sila at biglang pinatigil ni Kaeya ang musika.
"Stop this party, thank you for coming. I want to rest now!" pabiglang saad niya sa lahat.
Nabigla si Alicia sa ikinilos ni Kaeya at bigla na siyang pumasok sa kuwarto niya. Habang nakahiga ito sa kuwarto niya naalala niya si Cetrine at kailanman hindi niya ito nakalimutan. Pero ayaw niya itong kausapin baka pag-usapan sila sa mansion.
"You are more beautiful today, Cetrine---" bulong nito sa kaniyang sarili habang hawak-hawak niya ang kuwintas na ibinigay ng dalaga sa kaniya.
Pumasok na rin ang dalaga sa kaniyang nag-iisang silid sa labas ng mansion. May maliit na rest house sa mansion at doon namamalagi ang dalaga. Sa rami ng mga maids sa mansion, hindi na siya nagkasya sa room maids quarter. At mabuti na raw ito para hindi siya maistorbo sa kaniyang pag-aaral ayon kay Alicia sa kaniya. Naglibot naman si Kaeya sa rest house nila at nakita niya ang dalaga na nagre-review ng kaniyang mga aralin. Nilapitan ni Kaeya ang dalagang si Cetrine.
"It's been a long time, Cetrine--" nakangiting saad nito sa kaniya.
"M-Master Kaeya--" kinakabahang saad niya habang namumula ang kaniyang mukha.
Pumasok si Kaeya sa loob ng rest house. Lalong kumabog ang puso niya nang ngumiti si Cetrine sa kaniyang harapan.
"Anong year ka na niyan?" tanong nito sa kaniya.
"F-First year college pa lang po m-master."
"Ah, dapat gumraduate ka na."
"N-Namatay p-po kasi si mama kaya noon pong nagkasakit siya wala pong mag-aalaga sa kaniya."
"Ah, ganoon ba? Don't give up, makakatapos ka rin."
"S-Salamat po master. Kumusta na po pala kayo?"
"Heto, ayos pa rin at malapit na rin akong ikasal."
Biglang kumabog ang puso ni Cetrine at ang lalaking hinintay pala niya at minahal ay ikakasal na sa ibang babae.