Laging kasama ni Cetrine si Kaeya kahit ang tingin ng iba ay meron itong kapansanan. Isang araw, habang nanunuod ng mga naglalaro sina Cetrine at Kaeya sa gym ng school hindi sinasadyang natamaan ni Lucas si Kaeya ng bola. Nagalit sa kaniya si Cetrine pero si Lucas ay nananatili itong tulala dahil nagandahan siya sa kaniya.
"Ikaw, bakit hindi mo tinitingnan ang bola mo?!" pagalit na sigaw ni Cetrine sa kaniya.
Umiling-iling si Lucas at nilapitan niya ang dalawa. Hinawakan ni Lucas ang mukha ni Kaeya.
"Heto ba ang ipinagtatanggol mo? Ang prinsepeng abnormal na ito?" pang-iinsultong saad ni Lucas sa harapan ni Kaeya.
Sinampal ni Cetrine si Lucas. "Wala kang karapatan para awayin mo ang master ko!"
Tumawa nang napakalakas si Lucas at biglang lumapit si Manong Edgar na battler ni Kaeya at hinawakan nito nang napakahigpit ang kamay ng batang si Lucas. "Huwag na huwag mong idadampi ang marumi mong kamay sa mukha ni master Kaeya!"
Itinulak papalayo ni Cetrine ang wheelchair ni Kaeya at pumunta sila sa garden ng school. Pinunasan ni Cetrine ang mukha ni Kaeya. "N-Naku, huwag mo na silang pansinin master Kaeya, inggit lang sila kasi mas guwapo ka sa kanila!"
Biglang bumuka ang bibig ni Kaeya. "C-Cetrine..."
Nagulat ang batang si Cetrine at labis ang tuwa nito dahil nabibigkas na ni Kaeya ang pangalan niya. Lumipas ang isang buwan at ganoon pa rin ang kalagayan ni Kaeya. Hindi niya alam ay lumipad ang kaniyang mga kalaban patungo rito sa Pilipinas para hanapin siya. Nalaman nilang nag-aaral ang bata sa pribadong paaralan at nagsagawa sila ng paglusob. Sumama ang anak ni Nobunaga na si Kannon upang tugisin ang batang si Kaeya. Nagulat ang lahat ng mga tao sa paaralan dahil hinostage nila ang buong eskuwelahan. Tinutukan ni Kannon ng barril ang ulo ng head teacher sa paaralang ito. Lahat ay nakabantay ang mga assassin sa mga classroom. Alam ni Manong Edgar kung sino ang pakay nila at patuloy lang sila sa pagtatago kasama ang batang si Cetrine. Hindi alam ng mga teacher kung sino ang hinahanap ng mga sindikato. Iniisip naman ng mga sindikato na huwag nilang ipaalam sa mga narito kung sino ang hinahanap nila baka makatakas pa. Naharang ng mga sindikato sina Kaeya, Manong Edgar at Cetrine papatalon ng gate. Idinala nila ang tatlo sa harapan ni Kannon.
"Anata wa koko ni iru dake desu! (narito ka lang pala bata!)"
Sinabunutan niya si Kaeya at nagsigawan ang mga guro at mga bata dahil balak nilang saktan ang batang si Kaeya. Humarang naman si Cetrine sa harapan ni Kaeya at si Manong Edgar ay patuloy na lumalaban subalit sinuntok siya ni Kannon at nahimatay ito.
"Ugh! D-Don't hurt the kid!" nanginginig na wika ng head teacher nila.
Sinipa ni Kannon ang batang si Kaeya subalit tila wala pa rin ito sa kaniyang katinuan. Natilapon ang bata sa mga teacher at niyakap nila ang batang si Kaeya.
"Please.. don't hurt this kid. He has a disability. Please, Mister..." umiiyak na saad ng kanilang adviser.
Hinarap ni Kannon ang kanilang guro. "You know nothing about this child, teacher!"
Naghanda naman sina Hinata at Obito para pumunta sila sa eskuwelahan kasama ang kanilang mga assassins, ang Crimson Knight. Umuwi sila sa Pilipinas dahil nabalitaan nila ang nangyari at sakay nila ang Kozouki Private Plane.
"Kaeya is in danger! Hurry up!" utos ni Hinata at patungo sila sa school ni Kaeya.
"Nakikiusap po ako, iligtas ninyo si Kaeya!" umiiyak na pakiusap ni Alicia sa kanila.
Sumabat naman si Cetrine kay Kaeya at siya ang nasipa ni Kannon. Nawalan ng malay ang batang si Cetrine dahil natilapon ito at tinamaan siya sa pader.
"C-Cetrine.... C-Cetrine..." mahinang saad ni Kaeya at nakita niya na dumugo ang labi ng kaniyang kaibigan.
"Please, don't hurt those kids. Have mercy on them!" wika nilang lahat at nagugulat na lang sila dahil sa mga nangyayari.
"Come on, freak kid, fight me!" paghahamon ni Kannon sa batang si Kaeya.
Tinutukan ni Kannon ng barril si Cetrine habang nakahandusay ito sa lapag ng sahig.
"CETRRINEEEE!!!!!" sigaw ni Kaeya at saka ito tumayo.
Kinuha nito ang guting na dala ni Lucas at mabilis niyang napatay ang mga guwardiya ni Kannon. Natakot ang lahat sa ginawa ni Kaeya at napapikit ang kanilang mga mata. Nagulat si Kannon dahil sa sampung segundo napatay niya ang pitong guwardiya na nakapalibot sa kanilang mga hostage. Sinaksak nito ang kanilang leeg gamit lamang ang matulis na gunting. Duguan ang kaniyang mukha habang hawak nito ang gunting. Nanginginig lahat ng kaniyang mga kamag-aral at guro dahil sa mga nangyayari.
"Finally, the freak kid is alive!" pang-iinsultong wika ni Kannon sa kaniya.
Dumura si Kaeya dahil may dugo siya sa kaniyang bibig.
"Naze anata wa koko ni iru no desu ka? (bakit ka narito?)" seryosong tanong ni Kaeya kay Kannon.
"Because of you!"
Sininyasan ni Kaeya si Manong Edgar na ilayo si Cetrine at ilagay siya sa loob ng classroom. Nang dahil na rin sa takot, pumasok ang lahat sa classroom at taimtim na nagdarasal. Naiwan sa labas ng second floor building sina Kaeya at Kannon. Ang iba naman ay nanunuod sa kanilang dalawa. Mayroong isang gurong pinipigilan niya si Kaeya dahil sadyang mapanganib ang manatili sa labas pero binantaan siya ng bata.
"Sir, hindi mo ba nakikita. Ako ang pakay nila. Umalis ka sa harapan ko baka ikaw ang mapatay ko!"
Biglang sumugod si Kannon at naharangan ni Kaeya ang kaniyang guro na si Mr. Valdez. Nasangga naman niya ang pagsaksak sana ni Kannon sa kaniya gamit lamang ang gunting na hawak niya. Sinipa niya si Kannon at natilapon ito sa hagdan.
"S-sir pumasok ka na! Hayaan mo ako rito!" sigaw niya.
Pumasok ang kaniyang guro at labis ang kaniyang takot. Hindi siya makapaniwala dahil ang 9 years old na bata ay napakataas na ng kaniyang antas sa pakikipaglaban. Parang nanunuod daw siya ng action movie sa t.v. Tinanggal ni Kaeya ang kaniyang uniform pang- itaas dahil nahihirapan daw siyang gumalaw. Nagulat si Kannon dahil sa edad na siyam na taong gulang ay leader na siya ng Yakuza o siya na ang Oyabun na kapalit ng kaniyang amang si Kenzou. Nakatatak kasi sa kaniyang likuran ang kanilang simbolo. Nagulat din ang lahat dahil sa murang edad niya ay may tattoo na siyang itinatago. Biglang dumating ang kaniyang tiya Hinata at kasama niya ang kaniyang lolo Obito.
"KAEYA!" tawag ni Obito at ibinato nito ang samurai niya kay Kaeya. Nasalo naman ito ng bata.
Naglalaban din sa labas ang mga Crimson Knight (tauhan ng mga Kozouki family).
Naglaban sina Kannon at Kaeya.
"You will die this day!" pagalit na saad ni Kaeya sa kalaban.
"You are killer! You are freak! You killed my father! Taste my punishment on you!"
Hai, watashi wa imaya furiiku desu. Anata no otousan wa totemo yowai ikimono nanode, watashi wa anata no otousan o koroshi mashita! (Oo, isa na akong freak at pinatay ko ang tatay mo dahil napakahina niyang nilalang!)"
Slash! s***h! s***h!
Pareho silang may hawak na patalim sa kanilang mga kamay.
"Kore wa shindeiru! (patay ka na!) Augghhhhhh"
Natasak ni Kaeya si Kannon sa kaniyang leeg. Tumulo ang dugo mula sa kaniyang leeg at umagos ito sa kaniyang damit. Hinayaan naman nina Obito at Hinata na makipaglaban lang ang kanilang pamangkin. Dinilaan ni Kaeya ang kaniyang samurai blade at sumisiritsit naman ang dugo ni Kannon na tila nawawalan nang hininga. Hindi pa siya nakuntento at kinuha nito ang baril na hawak ni Kannon. Nag-quiet sign si Kaeya. Itinutok niya ito sa noo ni Kannon ang barril habang nakahiga siya sa sahig.
"Shhhhh.... shhhh....once you are going to die keep quiet! " pabulong na saad ni Kaeya kay Kannon.
Nakikita ni Kaeya ang takot sa mga mata ni Kannon sa kaniya. "Anata wa shinu junbi ga dekite i masu ka? (handa ka na bang mamatay?)"
Biglang ipinaputok ni Kaeya ang kaniyang barril. Pinatay niya si Kannon at tumayo si Kaeya. Umupo siya sa wheel chair niya habang pinagmamasdan nito ang pagtulo ng dugo ni Kannon na umaagos sa sahig.
"His blood is very red, hindi ba, Oji-chan?" nakangiting tanong ni Kaeya sa kaniyang lolo.
Bumalik na ang Kaeya na nakilala nila. Isang malupit na bata at walang kinatatakutan. Ngumiti lang ang kaniyang lolo subalit labis pa rin ang pag-aalala niya sa bata.
"Manong Edgar!" tawag ni Kaeya sa kaniya.
Mabilis itong tumakbo sa kinaroroonan niya. "Y-Yes Master?"
"Itulak mo itong wheel chair ko at dalhin mo ako sa classroom na kung nasaan ni Cetrine," utos nito.
Itinulak ni Manong Edgar ang wheel chair na kung saan nakasakay si Kaeya. Takut na takot naman ang kanilang mga kaklasi at guro kay Kaeya.
"Bakit kayo natatakot sa akin? May disabilities ba ako? Gulat kayo no? Hindi ba kayo makapaniwala ang batang hindi ni'yo nabibigyang pansin ay isang criminal sa bansang Japan?" at saka ito tumawa nang napakalakas.
"Konran o kuriin'appu! (linisin ninyo ang mga kalat!)" utos muli niya sa kaniyang mga assassin.
Tiningnan niya nang napakasama ang mga guro at kinalong niya si Cetrine habang nakasakay sila sa wheelchair. Binayaran ng pamilyang Kozouki ang eskuwelahan upang walang magsalita sa totoong nangyari. Sinabi ng Head Teacher na mayroon lamang silang school play nang araw ring iyon. Idinala naman ni Obito ang nasawing mga assassin sa Japan at alam niyang bawat assassin na tauhan ni Kannon ay may mga pamilya. Pati si Kannon na napatay ni Kaeya ay itinapon nila sa dagat. Bumaba si Kaeya sa kaniyang wheelchair at ipinasan niya si Cetrine patungo sa kuwarto niya. Nagising si Cetrine dahil narinig niyang may nagpa-piano.
"M-Master Kaeya----" tawag niya rito.
"Cetrine, you're awake!" saad niya.
Naramdaman ni Cetrine na parang napakasakit ng katawan niya. Pero napakasaya niya dahil normal na ang kaniyang master. Hindi niya mapigilan na yakapin ang kaniyang kaibigan.
"Huwag kang mag-alala sa akin. Okay na ako, Cetrine."