Nadala na ng medics pauwi sina Emerson at iba pa. Ang tanging naiwan na lang doon sa gitna ng kabundukan ay sina Don Francisco, si General Borja at mga tauhan nito. “Ayos ka lang ba compadre?” tanong sa kanya ng General. “Hindi ko alam,” makatotohanang sagot niya dito. Gulong-gulo ang isip niya sa mga nangyari. “Minsan sa buhay natin may mga bagay talaga na hindi tayo maipaliwanag, Compadre,” saad sa kanya ni General Borja. Saka nito tinapik-tapik ang balikat niya. “Maraming salamat sa tulong mo, Compadre.” pasasalamat niya dito. “Walang anuman iyon, Compadre. Utang ko sayo kung nasaan ako ngayon,” nakangiting saad nito sa kanya, “Paano? Sasabay ka ba? Paakyat na ang mga tauhan ko, nakuha na nila ang labi ng ex mo. Mabibigyan mo na rin siya ng maayos na huling hantungan,” dugtong na
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


