CHAPTER 15 “Emerson, anak,” bulalas ni Don Francisco ng makita ang anak sa may labas ng bilog na likha ni Apong. Tumahimik na ang paligid at wala na ang mali-liit na ipo-ipong umiikot sa kanila kanina. Ang pag-o-orasyon ni Apong ay tuloy-tuloy pa rin pero hindi na ito masyadong napapansin ni Don Francisco. Ang mata niya ay nakatuon lamang sa anak. HIndi niya man matukoy ay parang mayroong kakaiba kay Emerson. Naka-ngisi ito sa kanya na parang nakakaloko, habang pinaglalaruan nito sa kamay ang bolong hawak-hawak. Akma sana siyang hahakbang upang puntahan ang anak, ng may mga kamay na pumigil sa kanya. Napatingin si Don Francisco sa mga kamay na humawak sa kanya. Si Tatay Jose at ang anak ni Apong ang pumigil sa kanya. Hawak siya ng mga ito sa magkabilaan niyang kamay. Tiningnan niya ang m

