Hindi na alam ni Emerson ang mga sumunod na nangyari, kumakain siya kasama ang kanyang abuelo at abuela ganun din ang kapatid na si Chesca ng bigla niyang nakita sa hindi kalayuan si Lora. Nakatayo ito sa may gilid ng bahay at nakatingin sa kanila. Nang mapansin nitong nakatingin siya dito ay kumaway ito sa kanya. Tumayo siya upang puntahan ang babae pero bigla na lang dumilim ang kanyang paligid. Lahat ay na-blangko sa kanya, wala siyang makita sa sobrang dilim ng kanyang paligid. “Emerson…” narinig niya ang boses ni Lora na tumatawag sa kanya. “L-Lora? Lora asaan ka?” sagot niya sa babae. “Emerson…” muli ay tawag nito sa kanyang pangalan. “Lora, nasaan ka? Sobrang dilim hindi kita makita,” muli niyang tawag sa dalaga. Umiikot-ikot siya sa kinatatayuan, ngunit kahit na anong gawin ni

