Today is the last day ni Emerson sa hospital, his father went out para asikasuhin lahat ng papeles niya at bayarin para tuluyan na siyang makalabas ng hospital. He stayed at the hospital for two days para ma-obserbahan pa daw ang pag se-seizure niya. Sabi nga ng doctor sa kanyang ama at ina ay kailangan siyang dalhin sa mas advance na hospital upang malaman ang dahilan ng kanyang pag-seizure. He almost died because of it, pero ang alaala ng kanyang near death experience ay nanatiling nakatatak sa kanyang isipan. Hindi niya nga lang magawang sabihin sa mga magulang ang kanyang naranasan, dahil ayaw na niyang dagdagan pa ang pag-aalala ng mga ito sa kanya. Pero kapag nakikita niya ang ama ay hindi niya maiwasang isipin muli ang tungkol sa kanyang panaginip, kung panaginip nga bang matatawa

