TRIGGER WARNING! Explicit details of an act of s*x is contained in this chapter. Parental Guidance is adviced. ****** Ipinilig ni Don Francisco ang kanyang ulo at iki-nurap ang mga mata. Nang muli niyang tingnan ang anak sa tabi, ay si Chesca na ang naka-yakap sa kanya. “Pinaglalaruan na yata ako ng aking paningin,” saad niya sa sarili. “Sa kaiisip ko sa nakaraan kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko at nagma-manifest na yata sa paningin ko,” napabuntong-hininga na lang siya, bago inayos ang pagkaka-higa ng anak. Saka siya umayos na rin ng higa at niyakap si Chesca. Bagamat binabagabag ng mga isipin ay unti-unti na rin siyang ginupo ng antok at unti-unti na ring nakatulog. “FRANCISCO…” narinig ng Don na tawag ng isang malumanay na boses sa pangalan niya. Umungol lang siya bilang pag

