Simula ng magkwento sa kanilang mag-asawa ang anak na si Emerson ay hindi na maalis sa isip ni Don Francisco ang mga sinabi nito. Hindi niya lang pinahalata sa asawa at anak, pero bigla siyang kinabahan ng i-describe sa kanila ni Emerson kung ano ang itsura ng babaeng kinatagpo nito sa bundok. Ganoon na rin ang mga pangyayaring kinuwento nito sa kanila. Hindi siya naniniwala sa multo o sa anumang mga bagay na hindi kayang ipaliwanag ng siyensiya. Pero naguguluhan din siya kung paanong nalaman ng kanyang anak ang mga bagay na may kaugnayan sa kanyang nakaraan. Matagal na panahon niya ng kinalimutan ang mga bagay na iyon, parte na lang iyon ng kanyang nakaraan. Pero bakit parang minumulto siya nito ngayon, at pati ang kanyang anak ay nadadamay pa ng dahil dito? Tama ba ang naging desisyon ni

