CHAPTER 4

3168 Words
Katulad ng ipinangako ni Doña Esmeralda sa ina ay dinala niya sa albularyo 'daw' si France. Kahit na siya ay hindi naniniwala sa mga ganoong pamahiin, upang matahimik at kumalma na lamang ang ina ay pinagbigyan niya ito. Tinawas ng albularyo si France. Bahagya pang nanlaki ang mga mata nito ng makita ang mga pigurang lumabas mula sa mga patak ng kandilang sinindihan nito at inorasyunan. Muli itong bumulong sa kandila habang hawak-hawak sa pulsuhan si France, pinaikot-ikot pa nito ang kandila sa harapan ni France bago ito ipinatak sa tubig na nasa isang plangganita. "Madam, tama po ang inyong ina. Napagkakatuwaan po ng isang ligaw na kaluluwa ang inyong anak. Ang mga panaginip po niyang nararanasan ay isang indikasyon na malakas ang impluwensiya ng kaluluwang iyon sa inyong anak," saad ng albularyo kay Doña Esmeralda makaraan ang ilang minuto nitong pakikipag-usap yata sa kandila. Bagamat skeptical pa rin si Doña Esmeralda ay nagtanong pa rin siya sa albularyo, just to indulge him on whatever nonsense he was saying. Lalong-lalo na at kasama niya ang ina sa pagpunta doon. Sinamahan siya nito at si France upang 'ipagamot' nga ang binata dito. "Alam niyo po ba kung sino at bakit pinagkakatuwaan ng kaluluwa ang anak ko?" medyo curious din na tanong niya dito. "She was infatuated with him. Alam kong babae ang naglalaro sa anak niyo base sa pigurang nakikita ko. Pero hindi ko makita ang kanyang mukha o kung sino siya. Blanko po ang mukha niya sa ala-ala ng anak ninyo," paliwanag ng albularyo sa kanila. "Sinasabi ko na nga ba Esmeralda tama ang hinala ko. Hindi maaring malaman ni Emerson ang detalye ng lumang bahay na giniba namin ng ama mo noong binili namin ang lupang kinatatayuan ng bahay natin ngayon. Kahit ikaw ay hindi mo na nga matandaan iyon, kayo ng mga kapatid mo, dahil ambabata niyo pa noon ng lumipat tayo don," saad naman ng ina sa kanya. "Ano po ba ang pwede naming gawin upang hindi na siya lapitan ng kaluluwang iyon Apong?" baling na tanong ng kanyang ina sa albularyo. "Ipasuot niyo po ito sa kanya all the time," saad nito sa kanila. Sabay abot ng isang pulseras na gawa sa mga kulay itim na beads na pinagdugtong-dugtong. Hindi naman halatang mamahalin ang mga beads na iyon dahil kung susuriing mabuti ay walang halaga ang bawat bato nito. Pero sa bawat isang bato ay may nakaukit na kakaibang simbolo o letra na hindi pamilyar sa kanila. "May orasyon po ang pulseras na iyan, huwag na huwag niya pong tatanggalin ang pulseras sa katawan niya kahit na anong oras. May bendita din po ng holy water iyan at nablessingan sa simbahan. Isang mabisang panangga po iyan sa mga nilalang na hindi natin kauri dito sa lupa," paliwanag ng albularyo sa kanilang lahat. Kinuha iyon ni Aling Mameng at pinasuot sa apo. Bagamat ayaw ni France na suutin iyon ay wala itong nagawa, dahil ang kanyang abuela mismo ang may gustong suutin nito iyon, at ayaw nitong idissappoint ang abuela. Pagkatapos manggaling sa albularyo ay inilibot ni Doña Esmeralda ang kanyang mag-anak sa sakop ng kanilang lupain. Ikinatuwa naman niyang halatang nag-enjoy naman ang kanyang pamilya, lalong-lalo na ang kanyang mga anak sa pamamasyal. Dinala niya ang mga ito sa bukid at pinakita kung paano nagtatanim ng ibat-ibang pananim ang kanilang mga trabahador. Dahil na rin umangat na ang kanyang estado ng pamumuhay, maraming lupain na rin na dating karatig ng lupa nila ang kanyang nabili para sa mga magulang. Nagagawa na rin nilang umupa ng maraming tauhan upang mangasiwa sa panananim. Kung susuriing mabuti, isa na ang pamilya Antonilo ang matatawag na sa isang pinakamayamang pamilya sa lugar ng Santa Isabel. Hindi kilala ang apelyido ng kanyang asawa dito sa Sitio Malaut, dahil hindi ito taal na taga-rito. Ang kanyang pamilya, at ang kanyang mga magulang ang talagang tumandok ng Sitio Malaut. Kaya mas kilala si Doña Esmeralda dito sa kanyang apelyidong dala na Antonilo, ang kanyang apelyido sa pagkadalaga. Ang mga Montefalco naman ay taga karatig-bayan. Dating may-ari ng hasyenda sa Bayan ng Santa Monica, ang karatig-bayan ng Santa Isabel, ang mga magulang ni Don Francisco. Pero mukhang tinamaan ng malas ang pamilya nito dahi bigla na lang nalugi ang kanilang palayan at taniman ng kopra, lahat ng kanilang mga inaasahang pananim ay kinain ng mga insekto kaya tuluyang bumagsak at naubos lahat ng kanilang ari-arian. Nang magkakilala silang dalawa ni Doña Esmeralda sa Maynila ay ubos na kayamanan ng mga Montefalco noon, nag-aaral silang dalawa sa isang Unibersidad sa Maynila, lubog sa utang ang kanilang pamilya na siyang dahilan upang atakihin ang ama nito sa puso. Sa huli ang ina ni Don Francisco ay hindi na nakita ang muling pamamayagpag ng anak sa buhay dahil ng makatapos ito ng kolehiyo ay binawian na ng buhay ang ina. Wala ng dahilan si Don Francisco upang muling bawiin ang mga nawalang ari-arian sa kanila sa bayan ng Santa Monica. Kahit na may mangilan-ngilan pa siyang kamag-anakan doon, pero ito ay puro hindi malapit sa kanya. Lahat ng mga ito kasi ay tumalikod sa kanilang pamilya ng unti-unti silang bumabagsak. Kaya pinangako ni Don Francisco na hindi na niya babalikan ang lugar na iyon. Sa halip ay sinuportahan na lang niya ang pamilya ng kanyang esposa. Kaya ngayon ay ikinatutuwa niya ang kinahinatnan ng kanilang paghihirap na mag-asawa. Kung tutuusin mas malawak pa ngayon ang lupain nilang ito sa Sitio Malaut kesa sa dati niyang kinalakihan na hacienda. Masasabi na ring isang hacienda ang sakop ng kanilang lupain, pero dahil sa mapagkumbaba ang kanyang esposa ay hindi na nito pinabago ang anumang nakasanayan ng mga tao doon. Alam ng mga tao doon sa Sitio Malaut kung sino ang nagmamay-ari ng halos three-fourth na parte ng lupain sa Sitio. Samantala si France at si Francesca naman ay namamangha sa mga bagay at lugar na ipinakita sa kanila ng ina. Noong una ay ayaw pang sumama ni Francesca sa kanila, magpapa-iwan na lang daw ito sa bahay, pero ng pinagbantaan ito ng ama na kokompiskahin lahat ng gadget nito ay napilitan na itong sumama. Pero noong nandoon na ito sa bukirin ay parang ito pa ang mas nag-eenjoy sa mga nakikita. Minsan ay sumakay pa ito sa kalabaw habang nagrerecord ng sarili. Ilalagay daw nito sa vlog nito, pero mukhang ini-enjoy niya naman ang mga bagong nae-experience sa buhay probinsiya. Ikinatutuwa naman ng mag-asawa ang mga nakikitang genuine na kasayahan sa mga mukha ng mga anak. Kahit papaano ay nawawala ang kanilang pangamba na baka hindi mag-enjoy ang mga ito sa ganoon aktibidad. Si France naman ay halatang nag-eenjoy din kahit na hindi nito sabihin. Paminsan-minsan ay pinag-bibigyan nito si Francesca sa mga request nito na siya ang humawak ng cellphone nito upang kuhanan ito ng pictures sa lugar kung saan gusto nitong pumwesto. Nang mapagod at magutom sila sa pamamasyal ay inaya ni Doña Esmeralda ang kanyang mag-anak sa isa sa mga kubo doon sa gitna ng parang. Mayroong mga magsasaka na nagtitipon-tipon doon, nang lumapit sila ay agad na nagsipag-bati ang mga ito sa kanila. "Naku huwag niyo po kaming alalahanin magpapahinga lang po kami at kakain ng asawa at mga anak ko dito," saad ni Doña Esmeralda sa mga magsasakang andoon. "Naku ganun po ba Madam, ay naku pagdamutan niyo na po itong aming pagkain at hindi po ito yata gaya sa nakasanayan niyo na," saad ng isang magsasakang siya yatang pinakamatanda doon. "Naku, huwag po kayong mag-alala Mang Berting at maya-maya lang po ay nandito na si Nanay Ason upang magdala ng aming pagkain," saad naman ni Doña Esmeralda dito. "Aba ay ganun po ba Madam? Ay siya halika po kayong lahat dito at maupo na po muna kayo dito sa lilim, kami naman po ay babalik na rin naman sa panananim dahil tapos na rin naman po ang aming break time," magalang na saad ng matandang magsasaka na tinawag ni Doña Esmeralda na Mang Berting. Saka nito niyakag ang iba pang nandoong magsasaka na nakatambay upang bumalik na sa trabaho. Ang tanging naiwan doon ay isang batang lalakeng halos kaedad lang ni Francesca at isang dalagita. Magkatulong ang mga itong nag-imis ng kalat na naiwan ng mga magsasaka doon, ganoon din ng mga pinagkainan ng mga ito. "Napaka-swerte naman ng mga magulang niyo at napaka-sipag niyong dalawa. Sa murang edad niyo ay tumutulong na kayo sa gawain dito sa bukid," saad ni Doña Esmeralda sa dalawang bata na walang sinuman sa kanila ang pinatutungkulan. Nakita niyang bahagya pang nahiya ang mga ito sa kanila. "Marahil ay kilala niyo na rin naman ako at ang pamilya ko, ano ang mga pangalan niyo mga anak?" muling pagka-usap ni Doña Esmeralda sa mga ito. "Ako po si Neneng, siya naman po si Biboy kapatid ko. Anak po kami ni Mang Berting," pagpapakilala naman ng dalagita sa kanila. "Aba, ikaw na pala si Neneng? Marahil ay hindi mo ako natatandaan dahil sobrang bata mo pa nung huling nakauwi ako dito sa Sitio Malaut. Naku ay palagi kang dinadala ng iyong ama sa amin. Lagi mo pa ngang kalaro itong anak kong si Emerson noon," saad ni Doña Esmeralda sa dalagita. "I came here before Mom? Bakit hindi ko matandaan?" biglang singit naman ni France sa pag-uusap nilang dalawa. "Naku napakabata mo pa noon Son, malamang talagang hindi mo na iyon maalala. You were around two to three years old at that time," pahayag naman ni Don Francisco sa anak. Napatango-tango naman si France ng dahil sa sinabi ng ama. Maya-maya pa ay dumating na si Nanay Ason, ang isa sa mga katiwala nila sa bahay, na may dalang pagkain para sa kanilang buong mag-anak. Tinulungan naman ito ni Neneng na maghain para sa kanila kahit na pinipigilan na ito ni Doña Esmeralda. Inaya ni Don Francisco ang dalawang bata na kumain ulit, at pinasabay na si Nanay Ason sa kanilang kumain. Hindi naman tumanggi ang mga ito at nakisalo na rin sa kanila. Masaya silang nagsisipag kwentuhan habang nagsisikain. Halos magdadapit-hapon na ng umuwi ang mag-anak mula sa pamamasyal. Halata naman sa mukha ng mga anak ang pagod at saya sa mga bagong karanasang naranasan sa bukirin. Ikinagulat pa nga nila na pahapon na pala agad, halos hindi man lang nila namalayan ang oras. Matapos makapag pahinga saglit at makapag freshen up ay naisipan ni France na umakyat ulit sa bundok sa may likuran ng bahay. Maganda ang tanawin doon lalo na kapag palubog na ang araw. Wish nga lang niya na sana ay nandoon din ang babaeng nakilala niya kahapon. Hindi niya nakuha ang pangalan nito, kaya kapag nakita niya ito ulit ay magtatangka na siyang alamin ang pangalan nito. Nang nasa bundok na siya at nasa may putol na puno na siya ay iniikot niya ang kanyang mga mata. Tiningnan kung may tao ba roon, nang mapag-tantong walang tao doon ay nilukob siya ng pagkadismaya. Deep inside ay inieexpect niya na andoon ang babae. Napagpasiyahan niyang umupo ulit doon sa dati niyang inuupuan kahapon, maghihintay pa siya ng ilang minuto at baka sakaling dumating pa ito bago tuluyang lumubog ang araw. Nagawa ng mawala ang sinag ng araw, at tuluyan ng dumilim sa kanyang kinapupwestuhan pero hindi man lang nasilayan ni France ang babae. Nanlumo siya dahil hindi man lang ito sumulpot doon. Naisip niyang baka busy ito at susubukan niyang bumalik ulit doon bukas, baka sakaling pumunta na ulit doon ang babae. Napagpasyahan niyang bumaba na ng bundok. Baka hagilapin na naman siya sa kanila, lalo na at malapit ng mag hapunan. Bagamat nanlulumo ay pinasigla na lang ni France ang sarili na marami pa siyang oras upang makilala ang babae. "I had this whole summer anyways," saad niya sa kanyang isip. Lumipas ang mga araw na pabalik-balik si France sa bundok tuwing magdadapit-hapon. Pero katulad ng mga nakaraang araw ay bigo siyang muling masilayan ang babae. Lagi siyang nanlulumo kapag bumababa ng bundok. Hindi niya alam kung bakit, pero sa isang beses nilang pagkikita noon ay nakuha na agad nito ang atensyon niya. He was never hooked on a woman, like he was hooked to this girl that she met in just one time. Parang may kung ano itong kapangyarihang ibinalot sa kanya upang hanap-hanapin niya ang presensiya nito. Hindi niya alam kung bakit lagi siyang nanlulumo kapag umuuwi siyang hindi man lang ito nasilayan. He only know a place where he feel that she can met her once again, at iyon ay ang malapit sa putol na puno doon sa may bundok. Pero kapag tuluyan ng lumubog ang araw at kumalat na ang dilim na hindi pa rin niya nasisilayan ito ay pakiramdam niya ay pinagsakluban na siya ng langit at lupa. Napakabigat lagi ng pakiramdam niya kapag bumababa ng bundok. Isang araw ng muling malapit ng magdapit-hapon ay napagpasyahan ni France na umakyat ulit ng bundok at tumambay sa dating kinapupwestuhan niya. He gave himself another chance, at baka sakaling sa araw na ito ay makita at makausap niya ulit ang babaeng laging laman ng isip niya. If this time ay hindi niya talaga ito makikita sa araw na iyon, he will stop coming here and never came back. "He will move one with his usual life before he met the girl," pangako niya sa sarili niya. Habang binabaybay ni France ang daan patungo sa putol na punong kanyang tinatambayan ay may napansin siyang isang bagay na makinang na nakasabit sa isa sa mataas na puno sa may bandang unahan ng daan. Ang puno ay nasa may bandang kasukalang bahagi na ng bundok. Pero ang makinang na bagay ay parang nang-aanyaya kay France na lapitan niya. Pumasok siya sa kasukalan upang tuluyang makalapit sa may puno. Sa pagpasok niyang iyon sa kasukalan ay sumabit sa isang sanga ang pulseras na suot niya na nanggaling sa albularyo noong pumunta sila doon. Napigtas iyon, nagkalat at nagsipag hiwa-hiwalay ang mga beads nito sa lupa. Bahagyang natigil si France sa paglapit sa puno dahil tiningnan niya muna ang mga napigtas na beads na nagkalat sa lupa. Pinag-isipan kung pupulutin pa ba niya iyon o hindi na, sa huli ay naisip niya na lang na hayaan na lang iyon doon. Magpapaliwanag na lang siya sa kanyang abuela kung sakaling hanapin nito ang pulseras sa kanyang kamay, na simula ng matanggap sa albularyo ay hindi na niya tinanggal sa katawan niya gaya ng habilin nito. Bilang pagsunod na rin sa kagustuhan ng kanyang abuela. Muling inagaw ang atensiyon niya ng makinang na bagay sa may puno. Agad niyang pinuntahan ang pakay doon, nang tuluyan na siyang makalapit doon ay saka niya napagtantong isang silver necklace iyon na may locket na hugis puso. Nakasabit ito sa sanga ng puno, dahil bahagyang may kataasan ang sanga ay medyo nahirapan si France na abutin iyon, kahit na feeling niya ay matangkad na siya sa height niyang six feet at one inch. Nang tuluyang makuha ni France ang kuwintas ay sinuri niya iyon. Bagamat mahahalata na ang kalumaan sa kwintas dahil sa mga bahagyang scratches nito ay hindi pa rin kumukupas ang kulay nito. Nanatili pa ring makinang ang pagka-silver nito na nag rereflect kapag tinatamaan ng sinag ng araw. Napagtanto ni France na it is the kind of necklace na you can put a picture on its locket. Akma na niyang bubuksan ang locket upang tingnan kung sino ang may-ari ng kwintas at baka mahanap pa niya ito at maisoli dito ng may magsalitang isang banayad na tinig mula sa kanyang likuran. "Salamat sa pagkuha ng kwintas ko." Bahagyang nagulat man ay hindi nagpahalata si France. Familiar sa kanya ang banayad na tinig na iyon. He don't want to have his hopes high pero winiwish niya na sana nga ay tama ang kanyang hinala, habang unti-unti siyang humaharap sa may-ari ng tinig. And there she was, standing in the middle of big bushes and trees. Although bahagyang magulo ang mahaba nitong buhok ay hindi pa rin nakabawas iyon sa angkin nitong kagandahan na siyang nakabihag ng atensyon ni France. Hindi naiwasan ni France na mapangiti ng muling makita ang babae. "So this necklace was yours," saad ni France dito. Habang nilaro-laro sa mga kamay ang locket ng kwintas nito. Nakita niyang tumango lang ang babae. "Anong ginagawa ng kuwintas mo sa sanga ng puno?" curious na tanong niya dito. She giggled slightly, pero muling namesmerize si France dito sa bahagyang mahinhing pagtawa nito. "Pinaglalaruan ko kasi kanina yan habang papunta ako doon sa may burol, hindi ko siya suot kasi tinitingnan ko ang larawang nasa loob. Bahagya kong pinaikot-ikot hanggang sa nabitiwan ko ito at tumilapon at sumabit diyan sa may puno. Naghahanap ako ng maisusungkit ko sana diyan ng dumating ka," paliwanag nito sa kanya. "So that's explain the unruly hair," saad ni France sa kanyang isip. Tumango-tango si France sa babae saka unti-unting lumapit dito. "I am France Emerson by the way," pagpapakilala niya sa babae. Sabay abot dito ng kwintas nito. Kinuha naman nito iyon at agad na isinuot sa makinis nitong leeg. "Ako nga pala si Lora," pagpapakilala naman nito ng sarili sa kanya, sabay abot ng kamay nito ng kanang kamay nito sa kanya upang makipag-kamay. "Nice meeting you finally Lora," saad ni France sa babae at agad na idinaop ang kanyang palad sa nakalahad na kamay ng babae. Hindi nakaligtas sa kanyang pakiramdam ang malamig na temperatura ng kamay nito. "Marahil ay dahil sa lamig lang ng panahon kaya napaka-lamig ng kamay nito," saad niya sa kanyang isip. "Likewise Emerson, pwede ba kitang tawaging Emerson na lang?" tanong nito sa kanya. "Yeah sure, why not," pagsang-ayon niya sa babae habang unti-unti na silang lumalabas sa may kasukalan. "Siya nga pala, ngayon ka lang yata ulit nakapunta ng burol upang manood ng sunset?" untag niya sa babae. Ngumiti ito sa kanya ng misteryoso bago ito sumagot. "Nandito ako araw-araw, hindi mo lang ako napapansin," kapagkaraka ay saad nito. Nangunot ang noo niya sa sinabi nito, imposibleng hindi niya ito mapapansin dahil ito ang talagang pakay niya sa bawat pag-akyat niya dito sa bundok at pagtambay sa may bahagi ng burol kung saan nandoon ang putol na puno. Akma na sana siyang magtatanong sa babae ng bigla niyang marinig na may tumatawag sa pangalan niya. Lumingon siya sa pinanggagalingan ng tumatawag at nakita niya ang kanyang ama na may hawak ng flashlight at malakas ang pagtawag sa kanyang pangalan. "I'm here," sagot niya dito sa malakas din na boses. Nakita niya ang ibat-ibang emosyong rumehistro sa mukha ng ama ng makita siya. Relief, pag-aalala, at iba pa. Agad itong humangos sa kinaroroonan niya at bigla siyang niyakap ng mahigpit. "Thank God you are safe," saad nito sa kanya habang yakap-yakap siya nito ng mahigpit. "I'm alright Dad, I was just talking to Lora here," saad niya sa ama ng bitawan na siya nito mula sa pagkakayakap nito sa kanya. Bumaling siya sa kinaroroonan ni Lora kanina pero bigla siyang nagtaka ng hindi na makita doon ang dalaga. "Son," saad ng ama niya na muling nakapag-pabalik ng atensyon niya dito, "There's nobody here, except you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD