CHAPTER 3

3401 Words
Still France couldn't believe his eyes, bagama't nagtataka siya kung paanong hindi niya namalayan ang presensiya nito ay hindi naman mapuknat-puknat ang mata niya sa katitig dito. Lalo na ng ngumiti ito sa kanya. Napakaganda ng maamo nitong mukha, ang mga mata nito ay parang nangungusap. Lalong nakakapag patingkad sa kagandahan nito ang glow na animo dumikit na sa balat nito na nagmula sa papalubog na sinag ng araw. "Hi," nakangiting bati sa kanya ng babae, "Pasensya na kung naistorbo yata kita." "Ah no...no...bahagya lang akong nagulat. Hindi ko akalaing may ibang tao pala dito bukod sa akin. Mukhang ako yata ang naka-istorbo sa'yo dito." mabilis na sagot ni France dito. Ayaw niyang isipin ng babae na istorbo ito sa kanya. "Libangan ko na ang panonood ng paglubog ng araw dito. Napakaganda ng tanawin dito lalo na kapag ganitong mag takipsilim na. Katulad mo nakakapagbigay din ng katahimikan at kasiyahan sa isip at damdamin ko ang makita ang ganda ng paglubog ng araw." pahayag ng babae habang muli nitong ibinaling ang tingin sa direksyon ng palubog na araw. Hindi ito nag-abalang umupo, nanatili lang itong nakatayo. Mula sa kinauupuan ni France Emerson ay kitang-kita niya ang napakagandang profile ng babae. Sa tingin niya ay hindi nagkakalayo ang kanilang edad. Walang ka bahid-bahid ng anumang make-up ang mukha nito. Malaya niyang pinagmasdan ang kabuuan nito dahil hindi nakatuon ang pansin nito sa kanya kundi sa tanawin sa harapan nila. Mula sa napakahaba nitong buhok na simpleng naka-ponytail lang hanggang sa cute nitong mga ilong na hindi bahagyang katangusan pero binagayan ito ng dark brown na kulay na mga mata. Ang maninipis pero natural na mapupulang labi nito ay lalong nakakapag-padagdag sa angking kagandahan ng dalagang nasa kanyang harapan. Kung susumahin ni France Emerson ay isang tipikal na dalagang-pilipina ang kabuuang anyo ng babae. Lalong-lalo na at bumagay ang suot nitong puting bestida sa kasimplehan ng anyo nito. He had a fair share of women surrounding him, na animo mga gamo-gamo na lumalapit sa apoy. Kaya pakiramdam ni France ay it's a breath of fresh air ang makita ang babae sa kanyang harapan. Hindi ito katulad ng mga babaeng nakilala niya sa iba't-ibang bansang kanyang napuntahan. He can tell that she was pure and naive. Nang sumulyap ito sa kanya ay agad na ibinaling ni France ang tingin sa palubog na araw. Ewan ba niya kung bakit pero sa edad niyang ito ay para pa rin siyang teenager na kinikilig sa kanyang crush. He wants to know her more, pero natotorpe siya. Umihip ang banayad na simoy ng hangin. Dahil sa papadilim na ay bahagyang malamig na ang dampi nito sa balat ni France. Hindi niya maiwasang mapa-pikit upang muling namnamin ang pagdampi ng sariwang hangin sa kanyang balat. Nagulat siya ng may maramdamang kamay na humawak sa balikat niya. "Señorito France, aba ay gabi na po. Ano po ang ginagawa niyo dito? Kanina pa po namin kayo hinahanap ng mga magulang mo," bungad sa kanya ni Mang Jose ng maimulat niya ang kanyang mga mata. "Huh?" nag palingon-lingon si France sa paligid. Napaka-dilim na pala kung saan siya naroroon. Kung hindi lang dahil sa flashlight na hawak ni Mang Jose ay wala ng maaninag si France sa paligid. "Anong oras na po ba Lo?" tanong niya sa matandang lalake. "Aba ay magaalas-otso na ng gabi Iho," sagot ng matanda sa kanya. "Alas-otso? Magaalas-sinko y medya lang ng pumunta siya dito kanina. Halos magtatatlong oras na pala siyang nakaupo doon? Pero bakit pakiramdam niya ay ilang minuto pa lang siyang nandoon? At saka yung babaeng kausap niya kanina. Oo nga yung magandang babae, hindi niya naitanong kung ano ang pangalan nung magandang-dilag na kasama niya dito kanina," saad niya sa isip niya. "Lolo Jose yung kasama ko pong babae, may kasama po akong babae dito kanina. Nakita niyo po ba siya?" tanong niya sa matandang lalake. "Sinong babae ang sinasabi mo Iho? Aba ay wala akong nakitang babae dito kanina. Ikaw lang ang nakita ko ditong naka-upo sa putol na puno. Akala ko nga ay kung napaano ka na at hindi ka man lang gumagalaw sa pwesto mo. Nang tingnan kita ay nakapikit ka. Nakatulog ka yatang nakaupo," saad ng matandang lalake. "Po? Hindi po ako natutulog dito Lo. May kasama po akong babae kanina dito, nag-usap pa nga po kami. Maganda siya, halos kasing edad ko lang din, naka-bistida po siyang puti, kayumanggi, hindi katangkaran pero cute siya dahil bagay sa kanya ang height niya, tsaka mahaba ang buhok. Akala ko nga po ay anak siya nung isa sa mga bisita kanina doon. Sabay pa nga po naming pinagmasdan ang paglubog ng araw," pag-describe niya sa matandang lalake ng tungkol sa dilag na kausap niya kanina. Hindi siya maaring magkamali, imposibleng natutulog siya dahil napaka-detalyado sa kanyang isip ng lahat ng nangyari kanina. "Naku Iho eh baka nanaginip ka lang. Wala akong napansing babae na kasama mo dito kanina. Nung naghahanap kami sayo ng magulang mo ay dito ako pumunta agad. Walang maaring ibang daanan ang mga taong aakyat at bababa dito kung hindi doon lang sa daang tinahak mo kanina. Sobrang sukal na ng bundok upang madaanan paakyat at pababa. Kaya kung may kasama ka man dito dapat ay makakasalubong ko siya," pag-explain ni Mang Jose sa kanya. "Pero…" hindi na natuloy ni France ang sasabihin dahil hinawakan na siya ng matandang lalake sa braso. "Naku, tumayo ka na po diyan Señorito at tayo ay umuwi na. Kanina pa po nag-hihintay ang iyong mga magulang. Kahit ang lolo at lola mo ay nag-aalala na sa iyo," saad sa kanya ng matanda at hindi na siya pinatuloy pa sa kung ano ang sasabihin niya. Walang nagawa si France kundi ang sumunod dito. Bagamat naguguluhan sa mga nangyari ay tama naman ang sinabi ng matandang lalake. Sobrang madilim na at hindi na ito ang tamang panahon at oras upang makipag-argumento siya sa kanyang naranasan. Pero alam niya sa sarili niyang hindi isang panaginip ang nangyari kanina. Pakiramdam niya nga ay nakatatak na sa kanyang isip ang anyo ng babaeng hindi niya man lang nakuha ang pangalan. Ipinangako niya sa kanyang sarili na babalik siya dito kinabukasan. Naalala niya ang sinabi nitong gustong-gusto nitong panoorin ang paglubog ng araw. Kaya magbabakasakali siya bukas ng ganoon pa ring oras. Papatunayan niya kay Mang Jose na hindi isang panaginip lang ang babae. Aalamin niya bukas ang pangalan ng babae, at sana 'cross finger' ay dalaga pa ito. Pagka-uwi nila sa bahay ng kanyang mga abuelo ay agad silang sinalubong ng kanyang mga magulang. "France, Iho saan ka ba nagpupunta? Labis mo kaming pinag-alala ng mommy mo. Hindi ka man lang nagpa-alam sa amin," agad na sita ng kanyang amang si Don Francisco sa kanya. "Sorry Dad, sorry Mom, masyado po kasing maraming tao kanina kaya naghanap po ako ng lugar na medyo tahimik. Pasensiya na po at hindi ako nakapagsabi sa inyong dalawa dahil alam ko naman pong pare-pareho kayong busy," hinging paumanhin niya sa mga ito. "It's okay anak, but next time try to tell us where you will go. We are worried because you are new to this place, and we are surrounded by forest. Hindi mo pa naman kabisado ang lugar na ito," malumanay na saad ng kanyang ina na halatang nakahinga ng maluwag ng dahil sa naka-uwi na siya. "Yes Mom, i'm sorry. It won't happen again. I was just at the hilltop at the back. Hindi naman po ako lumayo. Pinanood ko lang po ang paglubog ng araw, without knowing that I fell asleep there. Kaya hindi ko na po namalayan ang oras," pagpapaliwanag niya sa mga ito. "Luckily your sister saw you going in the forest, kaya agad kang pinuntahan doon ni Tatay Jose," basta next time Iho don't wander alone. Specially at night here, there are wild animals still living in the forest," pagpapaalala sa kanya ni Doña Esmeralda. "Yes Mom, I will," pagsang-ayon ni France sa ina. Nang gabing iyon ay hindi pa rin naalis sa isip ni France ang nakilalang babae sa bundok. Kahit na sa oras ng kanyang pagtulog ay hindi pa rin niya maiwasang isipin ang anyo ng babae. Nakatatak na yata sa isip niya ang pagmumukha nito. Ito pa rin ang nasa isip niya hanggang sa unti-unti ng bumigat ang talukap ng kanyang mga mata at tuluyan na siyang gupuin ng antok. Nang magmulat ng mga mata niya si France ay kinabigla niyang nandoon siya muli sa bahay na iyon. Ito ang bahay sa panaginip niya noong nasa sasakyan sila pauwi sa bahay ng grandparents niya. Katulad ng unang kita niya sa bahay na iyon, sense of familiarity of the place was crept on him. "Bakit ako nandito? I remembered that we were at my abuelo and abuela's house. Is this a dream again?" tanong ni France sa sarili niya. He pinched himself and felt the pain. "Hindi ako nanaginip? Pero paanong napunta ako dito?" muling tanong ni France sa sarili niya. Bagamat naguguluhan ay muli siyang umikot sa loob ng bahay, at katulad ng sa panaginip niya noon ay walang katao-tao sa loob. Maya-maya ay muli niyang narinig ang pagpulasan ng mga manok sa labas. Agad siyang pumunta doon at hindi nga siya nagkamali at nandoon ulit ang matandang babae na nangunguha ng itlog na manok. Muli ay bumaling ito sa gawi niya at ngumiti, gumanti siya ng ngiti sa matandang babae sa pag-aakalang siya ang nginingitian nito. Pero katulad ng sa panaginip niya ay mula kung saan ay lumitaw ang isang babaeng yumakap dito, at katulad sa dating panaginip niya ay hindi pa rin niya naaninag ang pagmumukha nito. Hanggang sa muli niyang nakita ang pagpasok ng mga ito sa loob ng bahay na magkasama, akma niyang susundan sana ulit ang mga ito ng maramdaman na naman niyang hindi siya makagalaw. Tiningnan niya ang kanyang mga paa at muli niyang nakita ang paggapang ng kadiliman sa kanyang kapaligiran at ang unti-unting pagsakop nito sa kanyang katawan. Panic is striking on his heart again, at ng tingnan niya ang kanyang mga kamay ay nakita niyang basang-basa ito ng dugo. Hingal na hingal si France ng bumalikwas ng bangon. Inikot niya ang kanyang paningin sa paligid. Nakahinga siya ng maluwag ng marecognize ang kwartong inookupa niya sa bahay ng kanyang abuelo at abuela. Napatingin siya sa alarm clock sa may side table. Alas siyete na ng umaga. Napahilamos siya sa kanyang mukha. It's that nightmare again, just like the nightmare he had when he first came here. Parehong-pareho, and just like the same last time, the nightmare is so vivid at tandang-tanda niya pa rin ang mga nangyari. He wondered why he had exactly the same nightmare. Napatingin siya sa pinto ng kwarto niya ng bumukas iyon. Nakita niya ang kanyang abuela na pumasok doon, nakangiti itong nakatingin sa kanya habang dahan-dahan itong naglalakad gamit ang tungkod nito. "Good morning apo, gising ka na pala," bati nito sa kanya. "Hindi na ako kumatok kasi akala ko ay tulog ka pa." "Okay lang po yon Abuela," agad siyang tumayo sa kanyang higaan upang alalayan ang matandang babae saka ito dahan-dahang inakay patungo sa upuan na nasa loob ng kwarto niya. Nang nakaupo na ng maayos ang kanyang abuela ay saka siya umupo ng paharap dito. "Iho kami ng lolo mo ay nag-alala sa iyo kahapon, saan ka ba nagpunta?" tanong ng kanyang abuela ng maupo na siya. "Sorry po Abuela kung pati kayo ay nag-alala, nandiyan lang po ako sa bundok sa may likuran, pinanood ko lang po ang paglubog ng araw. Hindi ko po namalayang nakatulog na po pala ako doon," paliwanag niya sa matanda. "Iho, hindi mo pa kabisado ang lugar na ito, lalong-lalo na ang kabundukan, aba ay huwag kang mangahas na lumayo," paalala ng kanyang abuela sa kanya. "Opo Abuela, tatandaan ko po iyon," sang-ayon niya sa matanda. "Siya nga pala kaya nga pala ako pumasok dito ay para ilagay ko sana ito dito sa gilid ng kama mo, hindi ko naman akalaing napaka-aga mo nagising, surprise ko sana sayo ito," nakangiting saad ng kanyang abuela sabay kinuha sa bulsa nito ang isang maliit na kahon, saka inabot ito sa kanya. Tiningnan niya muna ang matanda ng may pagtatanong sa kanyang mga mata. Nginitian lang siya nito at sinenyasan na buksan niya. Agad niyang sinunod ang matanda at unti-unting binuksan ang maliit na kahon. Nakita niya sa loob ang isang silver chain na merong krus na pendant. "Abuela napakaganda po nito. Maraming salamat po," saad niya sa matanda habang nakangiting sinisipat ang kwintas. "Matagal ko na sanang ibigay iyan sa iyo, pero hindi na kami nakaluwas ng Abuelo mo kaya hindi na naibigay. Mabuti na lang at naisipan niyong pamilya na umuwi dito. Iyan na lang ang pawelcome gift ko sa'yo dito apo," saad ng matandang babae sa kanya. "Maraming maraming salamat po Abuela. Nagustuhan ko po ito, ang ganda ng pagkakagawa. Salamat po," ngiti niyang sambit sa matanda sabay yakap dito. "Walang anuman iyon apo. Alam mo namang basta para sa inyong dalawa ng kapatid mo eh ikinatutuwa na namin," saad ng matanda sa kanya. "Pina-blessing ko na rin iyan, kaya bindetado na iyan apo. Kaya talagang magiging protektado ka kapag suot mo 'yan." "Eh Abuela…" nag-aalangan na tawag ni France sa matanda. Iniisip niya kung magtatanong ba siya sa matanda ng tungkol sa panaginip niya. "Ano iyon Iho?" tanong naman ni Lola Mameng sa kanya. "Ah wala po Abuela, nawala na po sa isip ko yung itatanong ko po sana," biglang nagbago ang isip na sagot na lang ni France sa kanyang lola. Hindi siya sigurado kung gusto ba niyang ipaalam dito ang tungkol sa kanyang panaginip. Tiningnan naman siya ni Lola Mameng ng taimtim. Waring inaarok kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan. Sa huli ay mukhang napagpasyahan nitong hayaan na lang muna siya. "Gumayak ka na diyan Iho at tayo ay mag-almusal na. Sabayan mo ako sa hapag, tulog pa ang mga magulang mo at ang kapatid mo. Malungkot kumain mag-isa, kwentuhan mo ako ng mga nangyari sa iyo sa loob ng mga nakaraang taon. Doon tayo kumain sa labas sa may hardin nandoon ang Abuelo mo," sa huli ay saad nito sa kanya. Saka ito dahan-dahang tumayo. Agad naman niyang inalalayan ang matandang babae sa pagtayo saka ito sinamahan palabas ng kanyang kuwarto. Nang nasa labas na ito ay tinaboy na siya nito upang makapag-handa na siyang lumabas para mag-almusal. Agad na tumalima si France sa sinabi ng matanda. Pero bago iyon ay tumawag muna siya ng kasambahay upang samahang paalalayan ang kanyang Abuela. Nang masigurong may kasama na ito ay saka pa lang siya nag-ayos ng sarili. Hindi na rin naman siya makaka-tulog ulit kaya mas mabuti pang magpalipas na lang siya ng oras kasama ang matatanda. Pagkalabas ni France sa may hardin ay agad niyang nakita ang dalawang matanda. Naka-upo sa wheelchair ang kanyang abuelo habang sinusubuan naman ito ng pagkain ng kanyang abuela. Napangiti siya sa ka-sweetan ng mga ito, kahit na lumipas na ang mga taon ay nakikita pa rin niya ang pagmamahal ng mga ito sa isa't-isa. Sa tabi ng mga ito ay naka-upo din sa isa pang lamesa ang nurse ng kanyang abuelo at ang lalaking caregiver nito. Habang may isang kasambahay naman na naghahanda ng pagkain sa mga ito. Lumapit siya sa lamesa ng dalawang matanda. Biglang umaliwalas ang mukha ng kanyang abuelo ng makita siya. "Magandang umaga po Abuelo," saad niya sa matandang lalake at hinalikan ito sa ulo bago siya tuluyang umupo sa tabi ng mga ito. Marahang tapik sa braso at tango ang isinagot ng matandang lalaki sa kanya, halata sa mukha nito ang saya na makasalo siya sa agahan. Agad namang nilagyan ng kasambahay ng plato sa kanyang harapan si France. "Kumain ka na Emerson Iho," saad ng kanyang abuela at agad nilagyan nito ng pagkain ang kanyang plato. Nagpasalamat si France sa matanda at nagsimula ng kumain. Mababanaag sa mukha ng dalawang matanda ang saya dahil sa nakasalo nila sa agahan ang kanilang apo. "Oh you are already starting breakfast without us," narinig nilang saad ni Doña Esmeralda. Papunta na ito sa direksyon nila kasunod ang asawang si Don Francisco. "Good morning Nay, Tay," bati ni Don Francisco sa dalawang matanda sabay halik sa mga ulo ng mga ito. "Good morning Son, you are awake early," baling naman ng Don kay France. Bumati din sa mga magulang si Doña Esmeralda, katulad ng asawa ay humalik din ito sa ulo ng dalawang matanda, saka binalingan ang anak at hinalikan din ito. "Good morning Dad, Mom," ganting-bati din ni France sa mga ito, at humalik din sa ina at ama. "I think I am adjusting in the weather here that's why I wake up early," sagot naman niya sa pahayag ng ama. Tumango-tango lang si Don Francisco sa anak at umupo na rin sa tabi ng mga ito, matapos niyang paghatak ng upuan ang asawa at paupuin. Maagap naman ang kasambahay at agad na nilagyan ng mga plato at kutsara ang mag-asawa sa harapan ng mga ito. Pagkatapos ay binigyan muna ng pagkain ng Don ang kanyang esposa bago siya kumuha ng makakain niya. May kanya-kanya silang usapan ng nagsimula ng kumain ang mag-asawa. Si Doña Esmeralda ay kinakamusta ang kalagayan ng ama, habang kausap naman ni Lola Mameng ang dalawang nag-aalaga sa asawa. Tahimik lang na kumakain si Don Francisco ng kausapin ni France. "Ahm, Dad…" tawag pansin niya sa ama. "Hmmm...yes Emerson?" sagot nito sa kanya matapos lunukin ang laman ng bibig nito. "Is it unusual to have the same dream with the same situation on consecutive days?" pagtatanong niya sa ama. "Hindi naman anak, may natural phenomena na tinatawag na recurring dreams, it usually happen to a person na nakakaranas ng stress, anxiety, trauma, lack of emotional healing at minsan unresolved conflicts. Lahat ng mga yon nakakapagpa-trigger sa recurring dreams. Bakit mo naman na tanong iyon anak?" curious na tanong ng Don sa kanya. Ibinaba na nito ang hawak na kutsara at tinidor at nag-punas ng bibig saka na nag kape. Ang lahat ng atensyon nito ay na kay France na nanatiling nakaupo pa rin doon kahit na tapos na rin itong kumain. Nagdadalawang isip si France kung sasabihin sa ama ang kanyang panaginip. Sa bandang huli ay napag-pasyahan niyang mag-kwento dito ng kanyang panaginip. Nagkwento siya ng in full detail at kung kailan niya naranasan ang parehong-pareho na pangyayari sa panaginip niya na naganap naman sa magkaibang oras ng kanyang pagtulog. Nang matapos siyang magkwento ay bigla silang may narinig na malakas na suminghap. Napatingin sila sa direksyon ng kanyang abuela, na hindi nila namalayan na nakikinig na pala sa usapan nilang mag-ama. "Emerson apo, kailan mo lang naranasan ang mga panaginip na iyon?" tanong ng kanyang abuela sa kanya, na may bahid pa ng takot ang tinig nito. "Nito lang pong pag-uwi namin dito Abuela. Kahapon nung nakaidlip ako sa sasakyan, at kaninang umaga po bago ako magising," sagot naman ni France sa matanda. "Esmeralda, Francisco, kailangan niyong ipatawas ang aking apo. Nabati siya ng ligaw na kaluluwa. Imposibleng malaman niya ang buong detalye ng lumang bahay na nakatayo dati dito. Hindi pa siya pinapanganak noon," saad ng matanda sa mag-asawa. "Nay, baka naman po coincidence lang yon. Wala naman pong ibang ibig sabihin ang panaginip ni Emerson. Marahil po ay naiistress lang siya dahil sa naninibago siya sa lugar na ito. Alam niyo pong hindi sanay ang apo niyo sa buhay probinsiya. Pasasaan din po at mawawala din iyon," pambabalewala namang saad ni Don Francisco sa sinabi ng matanda. "Francisco, marahil ay hindi ka naniniwala sa mga ganyang pamahiin dahil lumaki ka sa siyudad. Pero ako ay dito na tumanda sa lupaing ito kaya alam ko ang mga kababalaghang nangyari dito. Kung ako ay ayaw mong paniwalaan ay bahala ka. Basta ako ay nagsabi sa inyo, ayokong mapahamak ang aking apo kaya ako na mismo ang tatawag ng albularyo," mariing saad ni Lola Mameng sa manugang. "Nay huwag na po kayong mag-alala, sige po at ipapatawas ko si Emerson. Ako na po mismo ang magdadala sa kanya doon mamaya," pagbibigay assurance ni Doña Esmeralda sa ina. Saka nito tiningnan ng makahulugan ang asawa. Na para bang sinasabi dito na huwag na lang kumontra at baka mapaano pa ang kanyang ina. Walang nagawa si Don Francisco kundi sumunod sa asawa, habang kinindatan lang nito ng palihim si France na nakapag pangiti ng lihim sa binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD