Kina-umagahan ay gumayak na ang buong pamilya upang ipagpatuloy ang kanilang pag-uwi sa Sitio Malaut. Maaga namang bumalik si Mang Jose upang maisaayos na ulit ang kani-kanilang dalahin sa sasakyan.
Ikina-tuwa naman ng may-ari ng resort ang kanilang pagtuloy doon ng isang gabi. Lalong-lalo na ng bayaran na ito ni Don Montefalco nang cash. Bihira lang mangyari sa negosyo niya ang kumita ng ganun kalaki sa isang gabi lang kaya laking pasasalamat niya sa pamilya Montefalco.
Ilang saglit pa ay muli nang nasa byahe ang mag-anak. Si Don Francisco ay busy sa laptop at cellphone nito, dahil kahit na nandoon ito para magbakasyon ay hindi pa rin nito maiwasang mag-asikaso ng trabaho. Si Doña Esmeralda ay busy rin sa cellphone niya, katulad ni Don Francisco ay hindi din niya maiwasang magtrabaho. Si Francesca ay busy naman sa kumukuha ng video sa kanilang dinadaanan upang iupload sa kanyang social media. Habang si France ay tahimik lang ulit at walang kibo, nakasalpak ang headset sa kanyang tenga habang naglalaro siya sa kanyang cellphone.
"Mom, are we still far?" tanong ni Francesca sa ina ng ma-bore na siya sa kaku-kuha ng video ng paligid sa kanyang cellphone. Wala naman kasi siyang ibang nakikitang tanawin kundi mga puno at bukirin. Paminsan-minsan ay dumudungaw ang dagat, o kaya naman ay kabundukan. Minsan may nadadaanan silang panaka-nakang bahay. Pero halos mabi-bilang mo lang sa daliri sa kamay dahil sa iilan lang ito.
Nang dahil sa tanong ng anak ay natanggal ang atensyon ni Doña Esmeralda sa kanyang cellphone at tumingin sa paligid. "I think we are almost there, halos nakikita ko na yung arko papasok sa Sitio." saad nito sa anak.
"Opo Señorita malapit na tayo, nadaanan na nga po natin ang bahay namin," halos hindi maitago ang excitement sa boses na saad ni Mang Jose sa dalagita.
"Really? I didn't see any house Lolo Jose, kanina pa tayo bumibyahe pero wala akong nakitang bahay, except sa mga sira-sirang sheds na iilang nadaanan natin," nakasimangot na saad ni Francesca sa matanda.
"Naku Señorita hindi po pansinin dito sa kalsada pero marami pong bahay sa looban namin. Tsaka dito sa Sitio Malaut po eh ang mga bahay ay natatakpan ng mga puno kaya hindi niyo masyadong napapansin," muling saad ni Mang Jose.
Saktong papasok na sila ng arko ng Sitio Malaut ng biglang nagsalita si France, "What was that?" tanong nito in no one in particular, at bahagyang lumakas ang boses nito na parang nagulat. Napalingon ang lahat sa kanya sa pagkagulat sa tanong niya, kahit si Mang Jose ay napatingin sa kanya sa rearview mirror. Ang kanyang amang si Don Francisco ay napahinto sa ginagawa nito at napatingin din sa kanya.
"What was what?" naguguluhan na tanong ni Francesca sa kapatid.
"Didn't you all see it? There is something or someone behind the arc," muling saad ni France, sabay lingon sa lumang arko na may pangalan ng Sitio Malaut na siyang tanda na papasok ka na sa mismong Sitio. Puro puno at damo ang nakapaligid dito at ang arko ay nakatayo mismo sa paanan ng magkabilang bundok sa kabilaan ng kalsada.
"There is nothing there Iho," saad naman ng kanyang ina.
"No I definitely saw something or someone there," muling saad naman ni France sa kanila.
"I think your eyes are playing games on you Iho, because you are always looking down on your phone," saad naman ni Don Francisco dito.
France didn't answer them. He stopped playing games in his phone a while ago, nung magtanong si Chesca kung malapit na sila, he is not playing anymore but only listening to a music in his headset, and it's in lower volume kaya naririnig pa rin niya ang usapan ng mga ito. Nang ituro ng kanyan ina ang arko, ay napa-tingin siya doon. Noong una dahil bahagyang malayo pa sila ay akala niya ay pinaglalaruan lang ng liwanag ng araw ang mga shadows sa arko, dahil may nakita siyang parang hugis tao na maliwanag na gumalaw sa may gilid ng arko.
Nang tuluyan na silang dumaan sa arko ay nakita niyang hindi liwanag ng araw ang gumagalaw na iyon, parang isang halo na nakabalot sa buong katawan ng isang tao ang nakita niya kaya sobrang liwanag, pagkatapos ay napakabilis nitong gumalaw. Isang saglit lang ay bigla itong nawala sa may likuran ng haligi ng arko, kaya ikinagulat niya iyon. Pero mukhang siya lang yata ang nakakita noon dahil ng magtanong siya ay wala ni isa man sa mga kapamilya niya ang nakapansin noon. Kaya imbes na ipursue pa ang topic don ay mas pinili na lang niyang tumahimik. Marahil nga tama ang kanyang daddy, his eyes are just playing tricks on him.
Umayos na lang siya ng upo at sumandal sa upuan. He closed his eyes para bahagyang ipahinga ang kanyang mga mata, hindi niya namalayang nakaidlip na pala siya.
He was in the forest, he seems familiar with the place, parang pakiramdam niya ay lagi siyang pumupunta doon. Parang may sariling isip ang kanyang mga paa at parang alam nito ang destinasyon na pupuntahan. Maya-maya pa ay may natatanaw na niya ang isang bahay sa hindi kalayuan. Napangiti siya ng makita ang pamilyar na bahay na iyon, isang bahay na gawa sa sawali at kugon. Hindi iyon kalakihan, mayroon itong dalawang palapag.
Pagpasok mo sa loob ay makikita mo agad ang sala at kusina. Dahil wala naman ng space para magkaroon ng dibisyon ang mga ito. Ang mga gamit sa sala ay dalawang sofa na yari sa kawayan lang tsaka isang lamesita. Merong maliit na aparador na patungan ng kung ano-anong abubot na sa bandang itaas ay may nakapatong na salamin. Sa kabilang ibayo ay makikita naman ang hindi kalakihan na hapag kainan na gawa din sa kawayan. Kasya ang apat hanggang anim na taong makaka-upo doon. Sa bandang kaliwa ng hapag kainan ay nandoon na rin ang lababo at mga patungan ng tansong plato at mangkok. Meron din itong malaking banga na lagayan ng tubig. May nakasabit na kung ano-anong mga pinatuyong halaman sa bubong at may bulig ng saging at basket na lagayan ng mga tirang ulam.
Mayroon naman itong maliit na lagusan na ang labas ay ang pinaka-lutuan o dirty kitchen. Uling at kahoy ang tanging panggatong na ginagamit sa pagluluto doon. Nasa tabi din nito ang ilang kaldero at kawali, pati na iba't-ibang size ng palayok at kahoy na sandok. May pinto din papuntang labasan sa maliit na dirty kitchen na iyon.
Paglabas mo doon ay makikita mo ang pinagtagpi-tagping sawali na itinayo upang gawing pantabing sa pinaka-kubeta na mayroon lang butas na nilagyan ng kahoy upang magsilbing inidoro. Sa loob noon ay makikita ang dalawang malaking banga na imbakan ng tubig.
Ang ikalawang palapag ng bahay ay nandoon ang dalawang kwarto. Pero sa ilalim ng sahig na nakatuon sa may kwarto ay doon inilagay ang kulungan ng manok at pato.
Ewan ba ni France Emerson kung bakit napaka-familiar sa kanya ng bahay na iyon, halos lahat yata ng sulok ng bahay na iyon ay kabisado niya. Maging ang mga puno sa labas ay alam niya kung ano-anong klase ang nakatanim doon.
Feeling niya ay parang matagal na siyang naglalagi doon, parang meron siyang laging binabalikan sa bahay na iyon, pero hindi niya matukoy kung ano.
Maya-maya ay may narinig siyang kumaluskos sa labas ng bahay. Agad siyang tumakbo sa labas at nakita niya ang mga manok na nagsisi-pulasan. Tiningnan niya ang dahilan ng pagsisi-takbuhan at liparan ng mga manok.
Nakita niya ang isang hindi pa naman katandaan na babae. Siguro ay nasa edad kwarenta lang ito o mas mataas pa. Parang halos kaedad lang ito ng Mommy niya. Curious na lumapit siya dito, pero parang hindi naman nito namamalayang nandoon siya. Maya-maya ay napalingon ang matandang babae sa kanya, biglang sumilay ang ngiti sa mga labi ng matandang babae.
Habang naka-tingin si France sa matanda ay napapangiti siya. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit, pero parang kilalang-kilala niya ang matanda. Parang matagal na siyang kasama nito at kakilala. Maya-maya pa ay tumayo na ang matandang babae, at huminto na sa pag-kuha ng itlog ng manok. Pinagpag nito ang bahagyang nadumihang kamay sa may shorts na suot nito. Saka malawak na ngiti ang binigay nito sa gawi niya. Akala niya ay siya ang nginitian at sinenyasan ng matandang babae na lumapit dito at bigyan siya ng yakap. Hindi pala, nagulat na lang siya ng mula sa kung saan ay may isang dalagang lumapit sa matanda at yumakap dito.
Pinagmasdan niya ang kabuuan nito. Mayroon itong napaka-habang buhok na umabot hanggang bewang nito. Balingkinitan ang katawan nito at morena. Nakasuot ito ng isang simpleng bistidang bulaklakin at naka bakya. Pero dahil nakatalikod ang dalaga kay France ay hindi niya makita ang mukha nito. Hindi ito katangkaran, malamang nasa limang talampakan at dalawang pulgada lang ang height nito. Halos umabot lang siya ng lagpas balikat ni France dahil nasa anim na pulgada ang height niya.
Pakiramdam ni France ay biglang bumilis ang t***k ng puso niya nang makita ang dalaga. Parang ganun na lang kasaya ang puso niya dahil nasilayan niya ito. Kahit na hindi niya maaninag ang mukha nito ay feeling niya kilalang-kilala niya ang dalaga.
Maya-maya pa ay nakita niyang magkasama ng pumasok ang dalawa sa loob ng bahay. Hindi dumaan ang mga ito sa harapan ni France, sa halip ay sa may likod bahay ang mga ito dumaan. Biglang nag-panic si France dahil hindi niya nasulyapan ang mukha ng dalaga. Agad niyang sinundan ang mga ito upang makita niya ang buong anyo nito, pero nagulat siya ng hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya. Pinilit niyang ihakbang ang kanyang mga paa, ngunit kahit ano pang gawin niya ay hindi niya man lang maiangat ito.
Lalong nagpanic si France ng mapatingin sa bahay dahil nakita niyang unti-unti itong lumalayo sa kanya, kasabay ng paglayo ng bahay at ng dalawang pigurang papasok dito ay ang pagbalot sa kanya ng kadiliman. Hindi pa rin siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan. Nakita niya ang unti-unting pagliit ng bahay, at ang pagsakop ng kadiliman sa kanyang paligid. Napatingin siya sa kanyang paanan, nakita niyang kahit ang kanyang paa ay sinakop na ng kadiliman, paakyat ito ng paakyat sa kanyang mga binti at hita, patungo sa buo niyang katawan paakyat. Pinilit niyang makagalaw, pero hindi niya magawa. Napahilamos siya sa kanyang mukha dahil sa frustrations na nadarama, pero ng maramdaman niyang may madikit na bagay na dumikit sa kanyang mukha ay napatingin siya sa palad niya. Napasigaw siya ng malakas ng makita ang kanyang mga kamay na basang-basa ng dugo.
"France anak, andito na tayo."
"Huh?!" gulat na gulat si France ng mamulatan ang ina.
"I'm glad now that you're awake. Kanina pa kita ginigising, nakaidlip ka pa kung kailan malapit na tayo. Nakababa na ang daddy mo at si Chesca, nasa loob na sila ng bahay.
"Did I sleep long Mom?" tanong ni France sa ina, habang parang hapong-hapo siyang umayos ng upo. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya.
"Just a few minutes, nasa bungad na tayo ng Sitio ng naidlip ka," sagot nito sa kanya, "Siya tumayo ka na diyan at sumunod pumasok sa bahay, naghihintay ang lolo at lola mo," habilin ng ina sa kanya bago siya nito tuluyang iwanan doon.
He rubbed the sleep away on his face. Hindi siya makapaniwalang ilang minuto lang ang ikina-idlip niya. Feeling niya ay napakahaba na ng naitulog niya, enough for him to have a nightmare. Buti na lang at ginising siya ng ina, this is his first time having a nightmare na naalala niya, and it's seems real for him.
Iniikot niya ang kanyang mga mata sa paligid. Maayos nang naka-park ang sasakyan nila sa harapan ng isang bungalow na bahay. Compare sa mansion nila sa Maynila ay napaka-liit ng bahay na ito. Yari na ito sa semento, wala itong bakod, bukod sa mga punong nakapaligid dito na parang nagsisilbi na rin nitong bakod. Meron din itong linya ng kuryente at satellite antenna. May malawak na hardin ito sa harapan ng bahay na punong-puno ng iba't-ibang bulaklak. Wala siyang makitang katabing bahay sa paligid nito. Parang wala silang mga kapitbahay. Sa bandang likuran naman nito ay may daan patungong bundok na kitang-kita ni France mula sa kanyang kinauupuan. Halos puro malalaking puno na ang sumasakop sa bandang likuran ng bahay.
"So this is what province looks like," saad ni France sa kanyang sarili. Hindi maipaliwanag ni France pero feeling niya ay at home siya sa lugar na ito. Lalong-lalo na ng muling mapadako ang tingin niya sa may kakahuyan sa likuran. Parang may kung anong humahatak sa kanya upang pumunta siya sa gawing iyon. May napansin siyang gumalaw na kung ano sa likod ng isa sa mga puno doon sa may kakahuyan.
Agad siyang lumabas ng sasakyan upang tingnan kung ano iyon. Akma na siyang tutungo sa lugar ng biglang lumabas sa bahay si Mang Jose.
"France Iho, gising ka na pala, pumasok ka na sa loob at hinihintay ka na ng lolo at lola mo para kumain. Lakad na at ako na ang bahala sa mga gamit mo dito sa sasakyan, ako na rin ang bahalang magsarado nito," saad ni Mang Jose sa kanya, sabay tapik sa balikat niya. Hindi niya na ituloy ang balak na puntahan ang nakita niyang gumalaw sa kakahuyan. Wala siyang nagawa kundi sumunod sa matandang lalaki.
Kakamot-kamot sa batok na humakbang na siya patungo sa bahay. Inisip niyang balikan mamaya ang kakahuyan kapag nakabati na siya sa matatanda sa loob. Hindi niya maipaliwanag pero parang may kung ano sa kakahuyan na tumatawag sa kanya. Habang pumapasok siya sa loob ng bahay ay hindi na niya namalayan ang isang nilalang na nagkakanlong sa kakahuyan at nakasunod ng tingin sa bawat galaw niya.
Pagpasok ng bahay ay agad na sinalubong si France ng isang matandang babae na naka tungkod. "Aba eh, Emerson ikaw na ba iyan? Napakalaki mo na apo, huling kita ko sa iyo noon ay kakagraduate mo lang sa elementarya, malakas pa kami ng lolo mo noon kaya nakaka-luwas pa kami ng Maynila. Ngayon eh binata ka na at napaka-gwapo," nakangiting saad ng matandang babae sa kanya.
Agad na sinalubong ni France ang matandang babae at yumakap dito. Ilang tao lang ang tumatawag ng pangalawa niyang pangalan na Emerson. Mostly ng mga kakilala niya ay France ang tawag sa kanya, mga malalapit na kamag-anak niya lang ang tumatawag sa kanya ng Emerson, at isa na doon ang kanyang abuela, si Lola Mameng, ang ina ng kanyang mommy.
Matagal-tagal na din ng huli niyang makita ang matanda, katulad nga nang sinasabi nito ang last niyang nakita ang mga ito, pati na ang kanyang abuelo ay noong nagtapos siya ng elementarya. Hindi na nakadalaw ulit ang mga ito sa kanila dahil sa nagkasakit na ang kanyang abuelo at hindi maiwan ito ng kanyang abuela. Ganoon man ay hindi nakakalimutan ng mga itong tumawag sa kanila. Sa kanilang dalawang magkapatid ay mas close si France sa kanyang abuelo at abuela, dahil na rin siguro sa panganay siyang apo at nag-iisang lalaki pa.
First time niyang nakatapak sa bahay ng mga ito dito sa probinsya, dahil kahit ni minsan ay hindi naman sila dinala dito ng mga magulang o kaya ay payagang isama ng mga matatanda dito. Ewan nga ba niya kung bakit ngayon lang naisipan ng mga magulang niyang dalhin sila ditong magkapatid. Noong una talaga ay sang-ayon siya sa gusto ng kapatid, ayaw din niyang pumunta dito. Pero ng makita niya ang lugar na ito ngayon ay may panghihinayang siyang nararamdaman kung bakit ngayon lang siya napadpad dito.
Tunay nga namang napakaganda ng lugar na ito. Pero bukod sa ganda ng lugar at nandito ang kanyang lolo at lola, meron pang isang bagay ang pinanghihinayangan ni France, pero hindi niya matukoy kung ano iyon.
Nang bitawan niya ng yakap ang kanyang lola at humalik sa noo nito saka siya nagmano ay pinuntahan naman niya ang kanyang abuelo. Hindi na ito makabangon sa higaan, mayroon itong taga-bantay na alam niyang ang mga magulang niya ang nagbabayad. May kasama din itong personal nurse doon sa loob.
Nakita ni France ang pag-aliwalas ng mukha ng matanda, kahit na hindi na ito makapagsalita, gawa ng pagka-stroke nito. Sumenyas ito sa lalaking nagbabantay dito. Mukhang naintindihan naman iyon ng lalaki at binuhat nito ang kanyang abuelo, inayos ng nurse ang unan nito sa likuran upang mapwesto ito para mapa-upo. Nang maayos na ang pagkaka-upo nito sa higaan ay saka nito sinenyasan si France na lumapit dito.
Agad namang lumapit si France sa matandang lalake at saka siya umupo sa may tabi nito. Katulad ng kanyang ginawa sa kanyang abuela ay niyakap niya rin ang matanda ng buong pag-iingat. Naramdaman naman niya ang marahang haplos ng kamay nito sa kanyang likuran kahit na ang kabilang kamay nito ay hindi na nito maigalaw. Nang bitawan niya ang pagkakayapos sa matanda ay humalik din siya sa noo nito at nagmano.
Nakangiti namang nakatingin lang sa kanila ang mga magulang niya at ang kanyang abuela. Nagpalitan ng sulyap sina Don Francisco at Doña Esmeralda ng makita ang tanawing iyon ng anak at lolo nito. Nagka-unawaan silang dalawa sa kanilang isip. Napahilig si Doña Esmeralda sa asawa, tumatakbo sa isip niyang maaaring may maganda ding idinulot para sa kanilang mga anak ang pagpapasya nilang umuwi dito ngayon sa kanilang probinsya. Ganoon din sa kanyang mga magulang.
Nang araw na iyon ang dating tahimik na bahay ng mga matatandang Tonyo at Mameng ay muling nagkaroon ng sigla nang dahil sa pagdating ng pamilya Montefalco. Dahil sa halos lahat ng tao sa Sitio Malaut ay magkakakilala at halos magkakamag-anak lang din, kaya napakabilis kumalat ng balita sa maliit na Sitiong iyon. Agad nalaman ng mga kamag-anak ni Doña Esmeralda na umuwi sila doon ng kanyang pamilya galing sa Maynila. Dahil sa isa siya sa mga itinuturing na napaka-swerteng tao na ipinanganak sa Sitio Malaut at nagkaroon ng marangyang buhay sa Maynila ay akala mo isa silang artista na biglang dinumog ng kanilang mga kakilala.
Halos lahat ay gustong masilayan ang kanilang pamilya, may mga dala-dala ang mga itong kung ano-ano bilang pagsalubong sa kanilang pagdating. May ibang may dalang kakanin, o kaya mga bunga ng kanilang puno, iba't-ibang prutas, seafood, bungang kahoy at kung ano-ano pa. Lahat ay iginayak sa kanilang hapag kainan. Ang mga taga Sitio na rin mismo na pumunta doon ang siyang naghanda ng mga pagkaing dala ng mga ito. Animo nagkaroon ng malaking salo-salo sa bahay ng mga matatandang Antonilo.
Ipinagtataka ni France kung saan nanggaling ang mga taong biglang dumagsa sa bahay ng kanyang abuelo. Wala naman kasi siyang nakikitang malapit na katabing bahay dito pero ganun na lang kung dumami ang tao doon. Siguro humigit kumulang ay nasa limampung katao ang pumunta doon sa kanila.
Bagamat hindi siya sanay ay napilitan siyang makihalubilo sa mga ito, lalo na kapag ipinakilala siya ng mga magulang niya. Hindi na nga niya matandaan ang lahat ng pangalan ng mga taong ipinakilala sa kanya ng mga ito. Mayroong bata, matanda, binata at dalaga. Puro daw nila kamag-anakan iyon, tanging tango lang ang mga naisasagot niya sa mga ito. Nao-overwhelm siya sa atensyon na nakukuha niya ngayon sa ibang tao.
Hindi siya sanay sa limelight, nang lingunin niya si Francesca ay parang ikinatutuwa naman nito ang atensyon.
Nang mabigyan siya ng pagkakataon na tumalilis upang makaiwas na sa pakikiharap sa mga taong pumunta doon ay agad niyang sinunggaban iyon. Pumunta siya sa kusina upang kumuha ng maiinom na tubig. Laking pasasalamat niya ng makitang walang tao doon. Agad siyang pumunta sa may ref upang kumuha ng maiinom. Eksaktong pagkasara niya ng ref ay napatingin siya sa may bintana. Likod bahay na ang nakikita niya, ang bintana ay nakaharap sa may kakahuyan. Muli parang nabuhay ang pagnanais niyang pumunta sa loob ng kakahuyan. Tiningnan niya ang relo sa kanyang bisig, mag-aalas sinko na pala ng hapon.
Muli siyang lumingon sa may sala, at sa may labasan sa harap ng bahay, napakarami pa ring tao doon. Nakita niya ang pintuan sa may kusina, tahimik siyang lumabas doon at tinungo ang kakahuyan. Para siyang nakahinga ng maluwag ng bahagyang makalayo sa bahay. Pumasok siya sa may kakahuyan pero hindi niya tinangkang lumayo pa, sa halip ay umupo lang siya sa isang natumbang puno ng niyog doon. Mula sa kanyang kinapupwestuhan ay kita pa rin niya ang bahay ng kanyang abuelo. Kitang-kita din niya ang napaka-gandang tanawin sa ibaba ng bundok. Napatingin siya sa kalangitan at nasilayan din niya ang pamumula ng araw na tanda na malapit nang mag dapit-hapon.
Huminga siya ng malalim at sinamyo ang dapya ng sariwang hangin sa kanyang balat. Napa-pikit pa siya upang tuluyang madama ang pagdampi ng banayad na ihip ng hangin sa kanyang mukha.
"Napaka-ganda ng tanawin sa lugar na ito ano?" isang malamyos at napaka banayad na tinig ang nag-pamulat sa mga mata ni France. Napatingin siya sa pinanggalingan nito.
Nahigit ni France ang kanyang hininga at nalaglag ang kanyang panga ng makitang nakatayo sa bandang kaliwa niya ang isang dalaga. Napakaganda ng maamo nitong mukha, morena ang balat nito at hindi katangkaran. Naka-pusod ang buhok nito at nakasuot ito ng puting bestida. Sa tulong ng sinag ng palubog na araw na tumatama sa katawan nito ay parang nagkaroon ito ng bahagyang glow sa buong katawan. Literal na napaka-ganda ng dalaga.
"Who are you? Diwata ka ba ng lugar na ito?" hindi napigilan ni France na tanong dito.
Lumingon ang dalaga sa kanya at binigyan siya ng isang napakatamis na ngiti, na sa tingin ni France ay lalong nakadagdag sa angking kagandahan nito. Sa pagkakataong iyon, feeling ni France ay bigla siyang naniwala sa love at first sight.