CHAPTER 13

3427 Words

Taong 1995 Nagulantang ang buong mansyon ng mga Montefalco sa Santa Isabel ng humahangos na dumating doon si Aling Elsa. Halos hindi ito makapag-salita sa ka-iiyak. Hindi naman malaman ni Donya Emma kung paano aaluin ang kaibigan. Halos mahimatay na ito sa kakaiyak. Ganoon ang eksenang nadatnan ni Francisco ng pagbaba niya sa hagdan mula sa kanyang kwarto. “NInang, ano po ang nangyari?” nag-aalalang tanong niya sa matandang babae. “Francisco, Iho. Si Elora…” paputol-putol na saad sa kanya ng kanyang Ninang Elsa. Kumapit pa ito sa braso niya at muling humagulgol. “Ano po ang nangyari kay Elora?” Dumadagundong ang dibdib na tanong niya sa kanyang ninang. Kanina pa siya hindi mapakali, parang may kakaiba siyang nararamdaman. Hindi niya mawari kung ano, pero ang pagpunta ng kanyang Ninang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD