LEIGH "Miss Hernandez, your job is to let me know the arrival of the client and send them to my office If I asked to. It's not your job to interrupt people coming into my office for just talking nugatory things," may inis na pangangastigo niya sa akin. Bigla akong natahimik at bahagyang napayuko. Nag init ang mukha ko dahil nagawa niya akong pagalitan sa harapan ni Ivan. Parang hindi na buo ang araw niya kapag hindi niya ako napapagalitan. At aaminin kong may pagkakataon na parang gusto ko na siyang sukuan. Ang iniisip ko lang, ama pa rin siya ng mga anak ko. Umaasa pa rin ako na baka sakaling bumalik pa rin ang katauhan ni Isaiah sa kaniya. Napalis rin ang ngiti ni Ivan.Tumikhim siya, hinarap si Sir Paul. "lt's okay Mr. Mendez normal lang naman siguro na mag-usap at magbatia

