LEIGH Ang mga bodyguards niya ang nag tulong tulong na iakyat siya sa Penthouse pagkatapos malapatan ng unang lunas ang sugat niya. Kailangan daw e-stitch ang sugat niya sa noo, pero dahil kulang sa gamit ang doctor kailangan pa rin nitong bumalik. Ayaw naman niyang bumaba sa clinic. Nasa sala siya, napakatahimik. Iniwan ko siyang naka upo at bahagyang nakayuko. Marahas akong napabuntong hininga, sinagad niya talaga ang pasensya ko. Pumasok ako sa kuwarto niya. Kumuha ako ng bimpo, malinis na tuwalya, at fresh t-shirt from his closet. Then, nag deretso ako sa kusina para kumuha ng plangganitang may tubig. Nang bumalik ako sa sa kaniya, wala pa rin siyang imik... I mean, wala kaming imikan. Napabuga ulit ako ng hangin, napapapikit ako ng mariin kapag naalala ko ang mga nangya

