LEIGH Hindi na ako pumasok kinabukasan, tinanong ni Tatay ang dahilan kung bakit ayaw ko nang pumasok. Simple ang naging sagot ko, hindi kami magkasundo ng amo ko. Hindi na siya nagtanong pang muli, nakakaunawa niya akong nginitian. Kilala ako ni Tatay kung gaano ako katsaga sa trabaho. Ang dedikasyon kong tumagal sa kompanyang pinagtratrabahuan ko. "huwag po kayong kayong mag-alala Tay, maghahanap po ako agad ng bagong trabaho." Nahihiya kong sabi. "Kilala kita anak, hindi mo susukuan kung walang mabigat na dahilan," doble ang tagos sa puso ko. Ayaw ko sanang makaramdam ng pagod at pagkasawa sa kaniya, pero kasi hind rin tama ang nangyayari. Nasasaktan na ako ng sobra sobra. Nang araw din na iyan, nakisuyo ako kay Denver. Dumaan siya sa bahay, inabot ko ang sobre. Nagpasa pa

