LEIGH Awang ang mga labi ni Abby nang makita ako, pilit ang ngiti kong nagmamadali ang bawat. Saka na tayo mag usap, Abby, Mryl nagmamadali lang ako," ang sabi ko sa kanilang hindi na lumilingon. Pagpasok ko sa elevator, simpling kinawayan ko lang sila at pinindot na ang elevator pasara. Inip kong binilang ang bawat numero'ng umiilaw sa bawat palapag na aming nadaraanan. Nang sa wakas ay marating ko ang pinakahuli. Bumukas ang elevator at halos lumundag ako palabas. Nanginginig pa ang mga daliring pinindot ko ang code sa access machine ng malapad na pintuan. Nang mai-type ko ang apat na code ay saka ko pinindot ang unlock sign button. Pa-slide na bumukas iyon then, tumanbad agad sa akin ang bulto ni Paul. Nakatayo siya sa gitna ng sala, may hawak siyang bote ng alak at naka

