LEIGH Kung masusukat man siguro ang temperatura ng turingan namin ngayon, siguro masasabi kong mas malamig pa sa yelo. Pormal na porml lang bawat usap namin para na lang talaga kaming mag-amo. At least hindi na niya ako sinisigawan tulad noon, hindi na siya laging galit na para bang sa akin lahat niya gustong ibunton ang frustration. Pero madalas siyang napapahugot ng buntong hininga na para bang matindi ang pagpipigil na para sumabog. Kapag ganun na tensyon sa kaniya, hindi na ako lumalapit. Hindi rin magtatagal lalayo din siya at papasok sa kuwarto niya. At dahil sa lamig ng samahan namin ngayon, pakiramdam ko, para bang naghihintayan na lang kaming dalawa kung sinong unang bibitaw at kung sinong unang susuko. Kaya nga, inaasahan ko na rin na baka isang araw tanggalin na r

