LEIGH Nangingiti at napapailing na lang ako sa tuwing susulyap ako sa may sala. Narito ako sa kusina abalang abala sa pagluto ng pancit at mabilisang pag gawa leche flan para sa bisita. Laging nakasunod sa akin si Bentong na tila parang hindi pa rin sanay sa presensya ni Sin. Naroon ang mga kapatid kong lalake na kadalasan ay maiingay habang nanonood ng tv pero nakakapagtakang nang mga sandaling iyon ay tila walang gustong umimik man lang sa kanila. "Tingnan mo si Landon at Larry na laging na aaway sa remote, parang mga naging robot parang takot na takot na rin silang huminga," natawa sa sinabi niyang iyon. Ang Tatay ko'y panaka-naka lang din kung magtanong kay Sin na sinasagot rin naman nung isa. Karga ni Sin ang panganay kong anak na nakakatuwang hindi man lang natata

