LEIGH Pagkatapos ng working hours namin ni Hope, niyaya niya muna akong dumaan sa Mall. Oo, kasama ko na rin siya ngayon sa Crown. Pero naiinis siya minsan dahil hindi raw matahimik si Ivan at lagi pa rin siyang pinapabantayan. Sabay na kaming namili, iilan lang naman ang akin dahil kakapamili ko lang nung nakaraan. Niyaya niya akong mag-dinner naghihintay daw ang Kuya niya. At tulad ng dati madalas kaming magka asaran ni Ivan, pero sanay na rin ako. Gusto sana akong ihatid ni Ivan at Hope pero tumanggi ako. Kakatanggap ko lang ng text mula kay Lalaine, may pinapabili siyang mga gamit pang eskuwela. Paliko na ako papuntang department store nang makabanggahan ko na naman si Sophia. Nagkagulatan kami, "Leigh, ikaw pala. Nagkabanggaan na naman tayo rito, tingnan mo naman ang pagka

