PAUL Halos isang buwan na rin nang bumalik si Leigh sa akin. Walang araw na hindi yata naging masaya ang puso ko. Kung puwede ko lang siyang angkinin at ariin ginawa ko na. Hindi ko na talaga siya pauuwiin sa kanila. Pero kapag binabanggit niya na kailangan niyang umuwi para sa mga anak niya. Lumalambot agad ng ganun ganun na lang ang puso ko. Nagkakaroon ako ng kaunting pag-asa para sa aming dalawa. Hanga ako sa kaniya dahil kahit ramdam na ramdam kong gusto rin niya ako, nagbibigay pa rin siya ng hangganan sa pagitan namin dalawa para hindi kami lumagpas sa dapat lang. Pero siguro kung ipupush ko at sasadyaing akitin siya, baka hindi malabong magtagumpay ako. May pagkakataon kasing nirarampa ko talaga sa harapan niya ang kahandaan ko, nakikita kong namumula at napapalunok siya.

