THIRD "Ubos na naman ang pera natin, hindi ka na ba makakakuha ng mas malaki sa Mendez na 'yon?" Ilang araw lang ubos na? s**t. Pangbayad pa iyon sa bahay, ilaw at tubig! Pero hindi siya makaangal sa kinakasama. "Kailangan ko ng pera, dapat makabawi ako sa susunod na araw." Napahinga siya ng malalim, bumangon mula sa higaan. Wala siyang maski maliit na saplot at kakatapos lamang nilang magtalik ng lalaking kinakasama. Inabot niya ang roba at binalot ang sarili. "Yon na lang daw ang kaya niyang ibigay, mabuti nga at nakakapag bigay pa e, kahit alam na niyang hindi niya tunay na anak si Dhalia." "Mag makaawa ka, kung kailangan mo silang iyakan, iyakan mo sila! Dalhin mo yang anak mo!" "Hoy, Leo! Nakailang makaawa at luhod na ako dun sa Tatay at kapatid! Sa tingin mo tanga sila n

