LEIGH Nang sumunod na araw bumalik nga si Ma'am Ashley, dala ang maraming laruan na pinangako niya sa mga anak ko. Hiyang hiya ako sa kabaitan niya. Para sa akin, kahit wala naman siyang dala ay okay lang. Ang Tatay ko ay manghang mangha rin sa pinakikitang kabaitan daw ng kapatid ng Boss ko. "Bilib talaga ako sa bait ng kapatid ng Boss mo, anak. Sobrang bait at simple, hindi ko inaasahan na makakasama natin siya sa hapag para makasalo sa simple'ng hapunan." Ang ani Tatay. Parang hindi makapaniwala. Walang kimi kasi itong nakisalo sa amin, nagkamatay din. Pinakbet at inihaw na bangus ang aming pinagsalu-saluhan. "Baka lahat ng kabaitan napunta sa kaniya. Tapos, iyong kapatid naman ay medyo kinulang kaya hindi nakasundo ni Ate," ang natatawang ani Landon. "Okay lang Ate kung m

