"Sabay tayong mag-enrol sa Lunes, ha! Napagpaalam na kita kay Mama kaya puwede kang lumiban sa trabaho sa araw na 'yon!" ani Rose nang bumisita siya sa akin sa coffee shop matapos ikuwento sa akin ang isang lalaking nakilala niya sa isang dating app. "Sigurado ka bang okay lang kina Tita?" "Oo nga!" I nodded and smiled. "Salamat..." "Susunduin ka ni Sage ngayon?" "Oo. Bakit?" "Sana all ang sagana ng lovelife, ano?" She laughed. Napailing ako. "Isasama kasi sana kitang magmall, e! Alam mo na, gaya noong lagi nating ginagawa. Puwede mo namang isama ang boyfie mo tapos magsasama rin ako ng boylet para happy–" "Wala akong boyfriend." Umismid siya. "Ingratang 'to, oh! Basta 'yong bebe boy mong Mongreco!" "Tumigil ka, Rose!" Tumawa siya. "Okay, fine! Ang poging driver mo. Okay na?"

