Naglagay ako ng pinggan at kubyertos sa lamesa. Doon ko na rin siya inantay hanggang sa matapos siyang magluto. Like what he said, it didn't take long. Mabilis lang naluto ang kanin dahil sa rice cooker siya nagsaing. Adobo naman ang niluto niyang ulam kaya hindi rin masyadong natagalan. Mahaba ang lamesa. I guess it was meant for a huge family. O ganoon lang talaga sa mga mansyon gaya nito. Ganito rin naman kasi kina Livius. Only that, the design of their mansion is more modern and intricate than this. Kung sabagay, matanda na rin ang mansyong ito. Pero maganda pa rin naman at hindi mapagkakamalang haunted house. "Tama na 'yan," pigil ko kay Sage nang mapansin na naparami na ang paglagay niya ng kanin sa pinggan ko. "You sure? I think you should eat more." "Bakit? Mukha ba akong walan

