SI Donya Esmeralda at Senyora Florence, inuwi na nila nang mansion Montemayor. Pareho na rin stable ang kalagayan nang mga ito. Pero continue ang treatment ni Senyora Florence. Tungkol naman sa mga pilat nito na nasa buong katawan, matagal na ang mga iyon at malalim. Doktor na rin ang nagsabi na mahihirapan nang ibalik sa normal ang balat nito unless dadaan sa surgery. For the meantime, naka focus sila sa kalusugan at isipan nito, sapagkat nagkaroon ng matinding trauma at depresion. Ang psychiatrist na lang ang nagpupunta sa mansion Montemayor, upang doon gawin ang treatment. Kagaya ng plano, sampung tauhan nila ang sumailalim sa basic training para sa undercover. Doon mismo ginaganap sa likuran ng mansion Montemayor. At sa tuwina ginagawa na lang libangan ni Ashley, ang mag-stay sa si

