KAHIT nais pa sanang kausapin ni Troy ang tiyahin, nakita niya kung gaano na ito kapagod. Kaya sinabi na lamang niya kay Freyah na sa susunod na pagkakataon na lang niya kakausapin ang Mommy nito. Marami pa naman araw, isa pa ayaw na rin niyang manatili pa sa mansion ng mga Velasquez—lalo pa’t naroon ang mga pinsan nila mula sa panig ng mga Montemayor. Sigurado siyang mauuwi lang iyon sa inuman hanggang umaga. Hangga’t maaari, iniiwasan niyang uminom ng alak. Hindi maganda ang hatid niyon sa kanyang katawan—o marahil, mas tamang sabihin, sa kanyang pag-iisip. Sa tuwing nalalasing siya, bumabalik sa alaala ang mga pinagdaanan niya sa kamay ng sindikato. Isa pa, may lihim siyang misyon—walang kahit sino ang nakakaalam nito. Nais niyang patayin ang pinuno ng sindikatong nagpahirap sa kanya

